Maja Salvador on allegation that she tried to influence other ABS-CBN stars to transfer to TV5: "No. Hindi po."

by Bernie V. Franco
Mar 16, 2021
Maja Salvador addresses claim that she attempted to convince other Kapamilya stars to transfer to TV5: “Tinawanan ko na nga lang iyon, e."
PHOTO/S: PR Photo

Nagsalita si Maja Salvador, 32, kasunod ng mga isyung ipinupukol sa kanya kaugnay ng pagtanggap niya ng mga proyekto sa TV5.

Dahil highly identified siya bilang Kapamilya artist, naging tampulan ng akusasyon si Maja dahil sa paglipat niya sa Kapatid network noong 2020.

Nitong mga nakaraang linggo, may mga nagsulputang akusasyon na, diumano, may dating ABS-CBN stars na tinangkang kumbinsihin ang ilang Kapamilya artists na lumipat na sa TV5.

Nasulat ang isyung ito sa iba't ibang entertainment sites at vlogs.

May partikular pang paratang kung saan pinangalanan si Maja na hinihikayat daw ang matalik na kaibigang si Kim Chiu na sumama sa kanya sa TV5.

May inilabas ding YouTube video ang comedian/radio host/talent-manager na si Ogie Diaz tungkol sa dalawang dating Kapamilya artists na may initials na “B” at “M” na mahihirapan daw makabalik sa ABS-CBN.

Ito ay dahil tinangka umano nina “B” at “M” na manghikayat ng iba pang Kapamilya stars na lumipat sa nilipatan nilang TV network.

Continue reading below ↓

Ang mga nagkomentong netizens ang nanghulang ang "B" na tinutukoy ay si Billy Crawford at ang “M” naman ay si Maja umano.

Sina Billy at Maja ay kapwa may show o di kaya'y may upcoming programs sa TV5.

MAJA CHOOSES TO KEEP SILENT

Sa kabila ng malisyosong paratang na ito, pinili ni Maja na huwag na lamang itong patulan.

Pero sinagot ito ng aktres sa eksklusibong panayam sa kanya ng editors at writers ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sa pamamagitan ng Zoom, nitong Lunes ng hapon, March 15.

“Nakakatawa lang. So, ang sagot ko, no. Hindi po. Hindi talaga. Hindi talaga," nangingiting pahayag ni Maja ukol sa alegasyon.

Nakaabot daw ang isyung ito sa kanya, pero hindi raw siya nabahala nang marinig niya ito.

“Tinawanan ko na nga lang iyon, e. Sabi ko, ‘May bago na naman sila,'” pagtukoy ng aktres sa kanyang mga kritiko.

Bakit hindi tinangka ni Maja na linawin ito lalo’t reputasyon niya ang kinukuwestiyon?

Continue reading below ↓

Paliwanag ng aktres, “Nung nag-yes talaga ako kay Mr. M, bago ko sabihin yung 'yes', inisip ko na po iyan lahat."

Si "Mr. M" ay si Johnny Manahan, ang star builder, Star Magic founder, at tatay-tatayan ni Maja.

Hinanda na raw ni Maja ang sarili sa mga batikos.

"Maba-bash na naman ako. Laman na naman ako [ng mga balita]. Dami na naman nilang sasabihin. Mas alam na naman nila, for sure.

“Hinanda ko yung sarili ko kaya kahit anong mabasa ko, okay lang. Okay lang talaga,” mahinahong paliwanag ng singer-dancer.

Si Mr. M ang kumausap kay Maja na gumawa ng isang Sunday musical-variety show sa TV5, ang Sunday Noontime Live.

RELATED STORY

MAJA DOES NOT LIKE REAL-LIFE DRAMA

Inusisa namin si Maja kung ano ang paratang na hindi niya nagustuhan kaugnay ng paggawa niya ng mga proyekto sa TV5.

“Wala. Hahaha!” kuwelang sagot ng aktres.

Pero seryoso niyang dugtong, “Kasi dedma naman ako, e. Hindi kasi ako mapagpatol.

Continue reading below ↓

“Ako si Dedma Girl, na parang, ‘Ang dami niyo na namang alam.’

“Kasi, at the end of the day, ako yung parang…

Paulit-ulit ko po itong sinasabi sa ibang interviews o kapag may ganyan, kapag may mga issues na... ‘Sige, sabihin niyo na po kung ano ang gusto niyong sabihin.’

“Pero kung anuman yung pinakatotoo, ang nakakaalam ng totoo ay yung nasa 'Taas. Siya yung nakakanood ng lahat. Siya yung nakakaalam, di ba?"

Ipinaliwanag din ni Maja kung bakit hindi siya pumapatol sa mga ipinupukol na isyu sa kanya.

“Kaya kung di po ako nagsasalita lagi, kung hindi po ako sumasagot sa mga issues, because ayoko ng drama.

“Sa set na lang ako da-drama. Parang di ko kailangan ng drama.

“So, hahayaan ko na lang, at ipagdadasal. Kasi Diyos talaga ang nakakaalam ng lahat.”

Maja Salvador

Continue reading below ↓

Samantala, sinabi rin ni Maja na patuloy ang komunikasyon niya sa dating mga kasamahan sa ABS-CBN kagaya nina Kim, Enchong Dee, Joshua Garcia, at Maymay Entrata.

“Opo, nag-uusap kami—Kim, Enchong, Joshua, Maymay… ang bilis namang mag-usap ngayon through Instagram din.”

NOT BURNING THE BRIDGE WITH ABS-CBN

Isa si Maja sa Kapamilya artists na napabilang sa TV5 Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live (SNL) late last year.

Hindi kailang tinanggap ni Maja ang offer sa pakiusap na rin ni Mr. M, na siyang naging direktor ng SNL.

Sa kasamaang palad, tumagal lamang ng tatlong buwan ang SNL, at ipinalit ang ASAP Natin ‘To, na simulcast na ipinalalabas sa tahanan nitong ABS-CBN.

Incidentally, si Maja ay dating napapanood sa ASAP, kung saan dating direktor si Mr. M.

Pero klinaro ni Maja na naging maayos at matiwasay ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN bosses nang pumayag siyang gawin ang SNL sa TV5.

Tuluyang nagsara ang ABS-CBN noong July 10, 2020 dahil pinagkaitan ito ng Kongreso ng bagong prangkisa.

Continue reading below ↓

Bunsod nito, sinuspinde ang mga kontrata ng Kapamilya artists, kabilang kay Maja.

Hindi nagtagal, nakarating kay Maja na kasama siya sa listahan ng Kapamilya stars na “pwedeng ipahiram” sa TV5 para gumawa ng proyekto.

Mismong sina Mr. M, dating Star Magic head na si Mariole Alberto, at handler ni Maja na si Neneth Rustia ang nagsabi nito sa aktres.

Napisil ni Mr. M si Maja na gawin ang SNL kasama sina Piolo Pascual, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito, na mga kasamahan din noon ni Maja sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Pero kinausap muna raw ni Maja ang ABS-CBN executives bago gawin ang SNL.

Si Maja ay homegrown talent ng ABS-CBN at naging Kapamilya artist sa loob ng labinwalong taon.

Ayon kay Maja, sinundan ng maraming virtual meetings ang pakikipag-usap niya sa mga ABS-CBN boss.

May in-offer daw sa kanyang isang teleserye, pero ang kundisyon ay hindi na niya gagawin ang TV5 musical-variety show.

Continue reading below ↓

Pero ipinaliwanag ni Maja na nakaoo na siya kay Mr. M at gusto niyang i-honor ang kanyang salita sa kanyang tatay-tatayan.

Pero sinabi ni Maja sa ABS-CBN executives na tutulungan lang niyang makaalagwa ang SNL at willing pa rin siyang gawin ang Kapamilya teleserye kung bukas pa ang offer.

Unang umere ang SNL noong October 18, 2020, at ang huling episode nito ay ipinalabas noong January 17, 2021.

Samantala, ang huling update sa ABS-CBN teleserye na inalok kay Maja ay na-shelve na ito bunsod ng pandemic.

Sa ngayon ay patuloy na mapapanood si Maja sa TV5 at bibida sa upcoming TV5 teleseryeng Niña Niño.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador addresses claim that she attempted to convince other Kapamilya stars to transfer to TV5: “Tinawanan ko na nga lang iyon, e."
PHOTO/S: PR Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results