Jeric Gonzales prefers older women: “Mas may experience yung babae, mas marami akong matututunan.”

by Arniel C. Serato
Mar 16, 2021
Jeric Gonzales older women
Jeric Gonzales says relationship with Sheryl Cruz is "special": "Alam niyo naman naging close kami sa Magkaagaw. So, kung anuman yung friendship namin ngayon, e, sa amin na lang siguro yun. Very ano kami, close kami. So, special yun.”
PHOTO/S: Courtesy: @jericgonzales07 on Instagram

“Single na single and ready to mingle.”

Ito raw ang estado ng puso ngayon ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Sa “May Pa-presscon” segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong Linggo, March 14, sinabi ng 28-year-old actor na hindi siya tumitingin sa physical attributes sa magiging karelasyon niya in the future.

Saad niya, “Naniniwala kasi ako na love at first sight, e. Pag nakita mo siya, yun na yun, e.

"Hindi ako naniniwala sa physical attributes."

Pagdating naman sa edad, mas gusto raw ni Jeric ang mas mature o mas matanda sa kanya.

Dahilan niya, “A, ako siguro, mas matanda. Siguro mas may experience yung babae, mas marami akong matututunan, di ba?”

Dahil dito, inusisa ng mga host na sina Boobay at Super Tekla si Jeric tungkol sa mga intriga pa ring kinakaharap nila ni Sheryl Cruz, co-star niya sa afternoon drama series na Magkaagaw.

Ano ba ang real score nila ni Sheryl, 46?

Continue reading below ↓

Sagot ni Jeric, “A, kami ni Miss Sheryl Cruz? Alam niyo naman naging close kami sa Magkaagaw.

"So, kung anuman yung friendship namin ngayon, e, sa amin na lang siguro yun.

“Very ano kami, close kami. So, special yun.”

Biro pa ni Boobay, siya na ba ang “Mr. Dreamboy” ni Sheryl?

Ang “Mr. Dreamboy” ang isa sa pinakasikat na kanta ni Sheryl na inilabas noong 1989.

Biro namang sagot ni Jeric, “Sa tingin ko, ako na.”

NO SPECIAL RELATIONSHIP

Sa isang panayam noong December 2020, mariing itinanggi ni Sheryl na buntis siya at ang ama diumano ay si Jeric.

Nagkalapit ang dalawa dahil sa kanilang mga role sa teleserye ng GMA-7 na Magkaagaw.

Sabi ni Sheryl noon tungkol sa isyung nagdadalantao siya, "Oh, wow! Hahaha!!! And who is the father daw?

“I just came back from a lock-in taping of Magkaagaw and got my period on the second week of the taping, so that’s my answer.

Continue reading below ↓

“And if the tsismis is true, wow, ang ganda o ang gwapo siguro ng magiging anak namin.”

Nag-ugat ang isyu sa komento ng isang netizen sa Instagram post ni Sheryl noong December 19, kung saan kasama niya si Jeric habang nasa lock-in taping sila sa Pampanga.

Sabi ng netizen, “nabuntis ka daw nyan sbi sa article sa fb”

Natatawang sagot ng aktres, "Me ganun? [laughing in tears emoji]”

Matagal nang iginigiit ng dalawa na purely professional lamang ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales says relationship with Sheryl Cruz is "special": "Alam niyo naman naging close kami sa Magkaagaw. So, kung anuman yung friendship namin ngayon, e, sa amin na lang siguro yun. Very ano kami, close kami. So, special yun.”
PHOTO/S: Courtesy: @jericgonzales07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results