Maris Racal posts sweet duet with Rico Blanco; celebs, netizens tease Maris about her "jowa reveal"

by Rachelle Siazon
Mar 17, 2021
Rico Blanco (right, with guitar) tells Maris Racal (left) "love you" hours after she posted a video of their sweet duet of "Brighter Than Sunshine" via Instagram. It is part of Maris's greeting for Rico, who is celebrating his 48th birthday today.
PHOTO/S: @mariesteller Instagram

May espesyal na ugnayan bang namamagitan kina Maris Racal at Rico Blanco?

Ito ang palaisipan sa netizens matapos mag-post ni Maris ng sweet birthday greeting para kay Rico ngayong Miyerkules ng umaga, March 17.

Sa Instagram post ni Maris, makikita ang solo picture ni Rico. At kapag nag-swipe left ay lalabas ang video ng duet nilang dalawa habang nakaupo sa tabi ng isa't isa.

Maris Racal IG Post: Black and White photo of musician Rico Blanco

Continue reading below ↓

Kinanta nila ang sikat na love song na "Brighter Than Sunshine" ng Aqualung.

Kapansin-pansing malagkit ang tinginan at matamis ang ngiti nina Rico at Maris sa isa't isa.

Tinapos nila ang chorus ng kantang may lyrics na:

"What a feeling in my soul / Love burns brighter than sunshine / Brighter than sunshine

"Let the rain fall, I don't care / I'm yours, and suddenly you're mine

"Suddenly, you're mine / And it's brighter than sunshine."

Sa pagtatapos ng kanilang kanta, kapansin-pansing unti-unting inilapit ni Maris ang kanyang mukha kay Rico.

Pero umatras si Maris at saka napapangiting nag-fist bump na lang sila ni Rico.

Simpleng caption ni Maris kalakip ng cowboy smiley: "hi rico. happy birthday."

IG Video: Maris and Rico Brighter Than Sunshine duet

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang oras, nag-reply si Rico sa comments section.

Ang sweet reply ni Rico: "hahaha love you!!!"

IG Comment: Rico Blanco replies I love you to Maris post

TEASING REMARKS FROM CELEBS

Bago pa nag-reply si Rico ay nag-comment na ang ilang malapit na artista kay Maris.

Kabilang na si Alex Gonzaga na nakasama ni Maris sa PBB: All-In noong 2014.

Continue reading below ↓

Sabi ni Alex, "Ay iba." May kalakip itong lovestruck at clapping emojis.

IG Comment: Tonet Jadaone teases Maris

Si Maja Salvador ay nag-iwan ng heart emoji sa comments section.

IG Comment: Maja Salvador posts a heart emoji

Continue reading below ↓

Tila nagulat naman si Julie Anne San Jose na nagkomento ng "Omg [heart emoji] @ricoblanco100 happy birthday!!!"

IG Comment: Julie Anne San Jose posts a heart and greets Rico a happy birthday

Biro naman ng direktor na si Antoinette "Tonet" Jadaone, akala raw niya ay may kiss na sa parte ng video nang lumapit ang mukha ni Maris kay Rico.

Nanunuksong sabi ni Direk Tonet, "Akala ko may kiss sa dulo ihhhhhhh."

Continue reading below ↓

IG Comment: Tonet Jadaone teases Maris

Nanunukso ring komento ni Alora Sasam, "Ayeeee."

IG Comment: Alora Sasam teases Maris

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Markus Paterson kay Maris, "you go beh."

IG Comment: Markus Paterson teases Maris

KILIG REACTIONS OF NETIZENS

Pati mga netizens ay kinilig din sa duet nina Rico at Maris ng "Brighter Than Sunshine."

IG Comment: Netizens get kilig over Maris and Rico

Continue reading below ↓

May mga diretsong nagtanong kung magkarelasyon na raw ba sina Rico at Maris.

IG Comment: Netizens ask Maris and Rico if they are a couple

May mga nagsabi pang mukhang "jowa reveal" ang ginawang pag-post ni Maris ng sweet duet nila ni Rico.

IG Comment: Netizen teases Maris on jowa reveal

Continue reading below ↓

Kinilig din ang netizens na nakabasa ng "love you" message ni Rico kay Maris.

Hirit ng isang netizen, "ayon na nga."

IG Comment: Netizens tease rumored couple Maris and Rico

Sabi pa ng ibang netizens, kung sakali ay walang masama kung maging sina Rico at Maris sa kabila ng kanilang 25-year age gap.

Punto ng isang netizen, "love has no boundaries.

Continue reading below ↓

IG Comment: Netizens show support for Maris and Rico

Sabi pa ng isang netizen, "OMG [heart and fire emojis] f*k age gap. Stay in love."

IG Comment: Netizens tell that age gap between Maris and Rico is okay

Continue reading below ↓

HOW RICO AND MARIS BECAME CLOSE

Si Rico, 48, ay kilalang singer, songwriter, at record producer.

Bilang solo artist, ilan sa sikat niyang kanta ay "Your Universe," "Yugto," at "Wag Mong Aminin."

Dati rin siyang bahagi ng OPM band na Rivermaya, na sumikat sa mga kantang "Hinahanap-Hanap Kita, "214," at "Umaaraw, Umuulan."

Si Maris, 23, ay isang singer-actress na nadiskubre nang sumali siya sa ABS-CBN reality franchise show na Pinoy Big Brother: All-In noong 2014.

Naging malapit sina Rico at Maris nang mag-collaborate sila sa kantang "Abot Langit" noong 2019.

Ayon kay Rico, pinagtulungan nilang i-compose ni Maris ang kanta na kanyang inareglo.

Tinawag noon ni Rico na "gorgeous pop nugget" si Maris, na bukas sa pagsasabing idolo niya si Rico.

Hindi inaasahan ang kanilang collaboration noon, base sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong May 2019.

Ikinuwento ni Maris na nag-tweet lang siya kung sino ang gustong maki-collab sa kanya sa isang kanta.

Continue reading below ↓

Isang fan ang nag-tag kay Rico sa tweet ni Maris, at doon daw nag-reply si Rico.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rico Blanco (right, with guitar) tells Maris Racal (left) "love you" hours after she posted a video of their sweet duet of "Brighter Than Sunshine" via Instagram. It is part of Maris's greeting for Rico, who is celebrating his 48th birthday today.
PHOTO/S: @mariesteller Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results