Valeen Montenegro reacts to critics calling her flat-chested: “I love them how they are.”

by Bernie V. Franco
Mar 17, 2021
Valeen Montenegro to those criticizing her for being flat-chested: "I love them how they are. Kasi hindi siya hindrance."
PHOTO/S: @valeentawak on Instagram

“I’m very confident with my babies.”

Pahayag ito ni Valeen Montenegro, 30, tungkol sa kanyang boobs.

Madalas daw kasi siyang sabihan ng mga tao na siya ay flat-chested o maliit ang dibdib.

Katuwiran ng Kapuso actress, hindi isyu sa kanya kung naliliitan ang iba sa kanyang boobs.

Sinagot ni Valeen ang isyung ito sa episode ng GMA-7 daytime talk show na Mars Pa More noong Martes, March 16.

Sa segment ng programa na "On The Spot," sasagutin ng mga guest at hosts ang fill-in-the-blanks na pangungusap.

Ang natapat kay Valeen: “Shout out nga pala doon sa mga mahihilig mang-judge at sabihin na ako ay _______ at sabihin na ako ay ________.

Sabi ng actress-host: “Shout out nga pala sa mahihilig mag-judge at sabihin na ako ay flat [chested] or nakatalikod.

“Sana ay mas malaki na lang yung boobs para mas perfect, mas feminine tingnan.

“Yun ang lagi nilang sinasabi.”

Pero masaya raw si Valeen sa kung ano ang ipinagkaloob sa kanya. Pakiramdam din daw niya ay bagay ito sa kanyang active lifestyle.

Continue reading below ↓

“But for the record—actually, parang first time ko itong sasabihin sa TV—I’m very confident with my babies. I love them how they are.

“Kasi hindi siya hindrance.

“I’m not saying naman for other people that have bigger boobies than me are nahihirapan. Pero I love the way they are and I’m not at all insecure about them.

“As in, I’m so confident and I’m so blessed to have these,” sabi ni Valeen sabay hawak sa kanyang dibdib.

Dagdag pa niya, “Kasi feeling ko, sakto siya sa lifestyle ko din.”

May pambawi naman daw kahit maliit ang kanyang boobs dahil maganda naman daw ang kanyang puwet.

“At saka medyo umano naman sa backside. Sobrang fair ni Lord, binawian Niya ako sa backside!” natatawa niyang sabi.

VALEEN TAKES A SWIPE AT A LAZY CO-STAR

Samantala, may patutsada rin si Valeen sa isang artistang nakatrabaho niya dahil tamad daw ito.

Ganito ang isa pang tanong, “Shout out nga pala doon sa nakatrabaho kong ayoko nang makasama. Ang problema kasi sa 'yo ay____.”

Continue reading below ↓

Sagot ni Valeen, “Ang problema kasi sa 'yo ay medyo tamad ka.”

Paliwanag ng aktres, "Alam mo, hindi ko alam, pero siya talaga yung naisip ko. I don’t know why.

"Ayoko naman ng negative, pero siya talaga."

Medyo nataranta si Valeen nang usisain siya kung babae o lalaki ang kanyang tinutukoy.

“Wala, wala... Alam mo mawawala po ang career ko pag sinabi ko ‘to!” sabay halakhak ng aktres.

Sabi pa niya tungkol sa tanong: “Nakakatakot ‘to, ah.”

Si Valeen ay cast member ng Kapuso gag show na Bubble Gang at naging bahagi rin ng GMA-7 prime-time series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valeen Montenegro to those criticizing her for being flat-chested: "I love them how they are. Kasi hindi siya hindrance."
PHOTO/S: @valeentawak on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results