Watch Now

Julia Barretto posts sweet message for boyfriend Gerald Anderson

by Rachelle Siazon
Mar 17, 2021
In her Instagram Story today, March 17, Julia Barretto says she feels happy to be part of boyfriend Gerald Anderson's world.
PHOTO/S: @juliabarretto (center) / CTTO

Hindi nagpapigil si Julia Barretto na ihayag ang pagmamahal para sa boyfriend na si Gerald Anderson.

Si Julia ay 24 taong gulang, si Gerald ay 32.

Sa kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules, Marso 17, ipinakita ni Julia ang litrato nila ni Gerald na kuha sa outreach activity na inorganisa ng binata sa Iba, Zambales.

Ginanap iyon noong Marso 6, Sabado, o isang araw bago ang ika-32 kaarawan ni Gerald.

Makikitang nag-aabot sila ng relief goods sa mga batang katutubong Aeta sa lugar.

Sabi ni Julia kay Gerald, "Thank you for sharing your [world emoji] with me @andersongeraldjr."

Ito ang ikalawang pagkakataong nagpahiwatig si Julia kung gaano siya kasaya sa buhay pag-ibig niya ngayon.

IG Story: Julia Barretto, Gerald Anderson n Iba Zambales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ni Gerald ang Instagram Story ni Julia kalakip ng mensaheng "doing our little part."

IG Story: Gerald reposts Julia photo

THE CONFIRMATION

Unang umamin si Gerald tungkol sa kanilang relasyon noong March 5.

Noong mismong kaarawan ni Gerald, nag-post si Julia ng kissing photo nila ng nobyo sa kanyang Instagram account.

Hindi binanggit nina Julia at Gerald kung kailan sila naging opisyal na magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una'y inulan ng batikos ang magkasintahan dahil inuugnay ng netizens ang relasyon nina Gerald at Julia sa nangyaring hiwalayan ni Gerald at ex-girlfriend na si Bea Alonzo noong July 2019.

Noong mga panahong iyon, nanindigan sina Gerald at Julia na magkaibigan lamang sila.

Nilinaw rin ni Gerald na walang third party sa breakup nila ni Bea.

Isang taon at walong buwan na ang nakalipas ay may mga bumabatikos pa rin kina Gerald at Julia.

Gayunman, nanindigan sila sa kani-kanilang panayam nitong March 2020 na mas pinapahalagahan nila ang opinyon ng mga mahal sa buhay kaysa mga taong hindi sila personal na kilala.

MORE SWEET PHOTOS OF JULIA AND GERALD

Sa ngayon, unti-unting lumalabas ang ibang pang sweet moments nina Julia at Gerald na kuha sa iba-ibang okasyon.

Tulad na lamang ng litrato nilang kuha sa isang yate kasama ng kanilang mga kaibigan.

Couple Julia Barretto and Gerald Anderson in yacht

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nahagilap din ang fans na litrato nilang magkaakbay habang nakatingin sa view sa tuktok ng bundok.

Julia Barretto and Gerald Anderson mountain hiking

Halatang sweet din si Julia kay Gerald sa isang video na humawak siya sa likod ng nobyo habang nasa gitna ng outreach activity sa Zambales.

Auxiliary officer si Gerald ng Philippine Coast Guard (PCG) at may ranggo siyang Lieutenant Commander kaya sinuportahan ng organisasyon ang relief operations niyang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang 32nd birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Barretto, Gerald Anderson outreach activity in Zambales

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her Instagram Story today, March 17, Julia Barretto says she feels happy to be part of boyfriend Gerald Anderson's world.
PHOTO/S: @juliabarretto (center) / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results