From fan girl to girlfriend? Maris Racal's tweets about shipping Rico Blanco trend on Twitter

by Rachelle Siazon
Mar 18, 2021
Amid speculations about whether or not Maris Racal and Rico Blanco are a couple, netizens can't help but compare Maris's 2017 tweet versus her 2021 video of her and Rico singing a sweet love song.

Dalawang araw nag-trend si Maris Racal sa Twitter dahil tampok pa rin ng espekulasyon kung higit sa pagiging magkaibigan at collaborators ang relasyon nila ni Rico Blanco.

Si Maris, 23, ay singer-actress at dating housemate ng ABS-CBN reality franchise na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Si Rico, 48, ay kilalang OPM singer/songwriter/record producer na sumikat sa mga kantang "Your Universe," pati na sa mga kantang "Balisong" at "Umaaraw, Umuulan" noong bahagi pa siya ng bandang Rivermaya.

Umaga ng Miyerkules, March 17, 2021, nang i-post ni Maris sa Instagram ang kilig duet nila ni Rico ng "Brighter Than Sunshine."

May lyrics itong "I'm yours and suddenly you're mine."

Bahagi iyon ng pagbati ni Maris kay Rico na nagdiwang ng kanyang ika-48 kaarawan.

Sumagot naman si Rico ng "hahaha love you!!!" sa comments section ng post ni Maris.

FROM FAN GIRL TO GIRLFRIEND?

Kasabay ng espekulasyong may pagtatangi sila sa isa't isa, kumalat ang memes tungkol sa prophetic tweets ni Maris—na noong 2017 ay pangarap lang makitang kumanta nang live ang kanyang idolo na si Rico.

Continue reading below ↓

Twitter Post: Maris old fangirling tweets about rico blanco

Noon namang December 2018, unang nakapalitan ng tweets ni Maris si Rico tungkol sa pagpayag nitong sila ay mag-collaborate para sa new single ng dalaga.

Makalipas ang higit dalawang taon, ngayong March 2021, napuna ng netizens ang kakaibang ngitian at titigan ng dalawa sa ipinost ni Maris na duet nila ni Rico.

Continue reading below ↓

Makikita sa memes sa Twitter na kung noon ay fan girl lang ang peg ni Maris, ngayon ay personal na raw siyang tinutugtugan at kinakantahan ng kilalang OPM singer-songwriter na si Rico.

Twitter Post: Netizen jokingly brands maris as saint maris

Kaya biro ng netizens, sana raw ay mabasbasan sila ng suwerte ni Maris na makapiling ang dating iniidolo lang nito.

Continue reading below ↓

Twitter Post: Netizen teases maris for old tweets

May mga nag-post din ng meme na tila si Maris ang "lucky one" sa buhay ni Rico.

Kaugnay ito ng sikat na kanta ni Rico na "Your Universe" kunsaan may lyrics na "You can thank all your stars all you want but I'll always be the lucky one."

Twitter Post: Netizen playfully teases maris

Continue reading below ↓

NETIZENS ON MARIS AND RICO'S AGE GAP

Mayroong 25 years na age gap sina Maris at Rico, pero tila suportado ng kanilang mga tagahanga sakaling sila nga talaga.

Twitter Post: Netizen says Maris and Rico age gap is okay

Biro pa ng ibang netizens, huwag nang mahiya si Maris na gawing opisyal ang "jowa reveal" o kumpirmahin kung nobyo na nga ba niya si Rico.

Continue reading below ↓

Twitter Post: Netizen teases Maris to do jowa reveal

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring opisyal na pahayag sina Maris at Rico sa usap-usapang mayroon silang espesyal na ugnayan.

Ito ay sa kabila ng bumuhos na mensahe mula sa netizens, pati na sa mga kaibigang artista ni Maris, na tila kinilig din sa kanilang duet ng "Brighter Than Sunshine."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid speculations about whether or not Maris Racal and Rico Blanco are a couple, netizens can't help but compare Maris's 2017 tweet versus her 2021 video of her and Rico singing a sweet love song.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results