Maja Salvador does not regret saying "yes" to Mr. M on TV5 transfer

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2021
Maja Salvador on saying "yes" to Johnny Manahan on TV5 transfer: “Sinabi ko, ‘Mr. M, I’m okay. I’m okay. I don’t regret anything. Yung pagsama ko sa ‘yo."
PHOTO/S: Courtesy of Mikki Gonzalez / YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Walang pagsisisi si Maja Salvador na umoo siya sa pakiusap ni Johnny “Mr. M” Manahan para lumipat at gumawa ng proyekto sa TV5.

Maituturing na sugal ang ginawa ni Maja dahil nilisan niya ang ABS-CBN, ang kanyang home network sa loob ng labinwalong taon, para samahan si Mr. M.

Si Mr. M ay long-time director ng Kapamilya network at co-founder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Katuwiran ni Maja, hindi niya mahihindian ang taong humulma ng kanyang career at itinuturing na tatay-tatayan sa showbiz.

Nang lumipat sa TV5 si Mr. M para gawin ang Sunday musical-variety show sa TV5, ang Sunday Noontime Live (SNL), noong huling bahagi ng 2020, isa si Maja sa Kapamilya stars na pinakiusapan niyang magsilbing host ng programa.

Isa pang malaking artista na bitbit ni Mr. M mula sa ABS-CBN ay si Piolo Pascual.

Pero hindi nasunod ang pinag-usapang itatagal ng programa. Bigla itong nagtapos pagkalipas lamang ng tatlong buwan.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. M noong January, inamin nitong hiyang-hiya siya kina Maja at Piolo.

Humingi ng sorry si Mr. M sa dalawa dahil pakiramdam niya ay nadamay ang mga ito sa pagkawala ng SNL.

MAJA COMFORTS MR. M

Sa panig naman ni Maja, maluwag niyang tinanggap ang biglaang pagtatapos ng SNL, na umere mula October 18, 2020 hanggang January 17, 2021.

“Lahat naman kami nagulat. But let's just move on.

“May mga bagay tayo na hindi makokontrol po," sabi ni Maja sa eksklusibong panayam sa kanya ng editors at writers ng PEP.ph noong Lunes, March 15.

Dagdag niya, “Kung anuman ang reason nila, totoo o hindi, let's just move on. Baka hanggang dun lang talaga yung show namin."

Ayon kay Maja, kaagad niyang tinawagan si Mr. M para tiyakin ditong hindi niya ito sinisisi sa pagkawala ng kanyang trabaho.

“Kinumusta ko siya kaagad, e, kasi alam ko na yun at yun ang mapi-feel niya," sabi ng aktres.

Continue reading below ↓

“Nag-meeting kami kaagad noon, nag-video call kami kaagad nun.

“Sinabi ko, ‘Mr. M, I’m okay. I’m okay. I don’t regret anything. Yung pagsama ko sa ‘yo, no… hindi ko po ire-regret yun.’

“Yung pagso-sorry niya po, okay lang, okay ako.”

Sabi pa raw ni Maja kay Mr. M: “Ang gusto ko lang pong i-secure natin, yung mga nawalan na naman po ulit ng trabaho. Yun yung pinaka-concern ko. Pero ako po, ‘wag niyong isipin because I’m super okay.”

Ang higit tatlumpung (30) production staff ng SNL ay dating mga kasamahan nina Maja at Mr. M sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

Kabilang sila sa libu-libong nawalan ng trabaho bunsod ng tuluyang pagpapasara ng Kongreso sa Kapamilya network noong July 10, 2020.

Samantala, ipinaliwanag din ni Maja na maayos ang kanyang pagpapaalam sa ABS-CBN executives bago niya gawin ang SNL sa Kapatid Network.

Inalok siya ng teleserye ng ABS-CBN sa kundisyong hindi na niya itutuloy ang paglabas sa TV5 show.

Continue reading below ↓

Pero tumanggi si Maja dahil nakaoo na siya kay Mr. M at nais niyang tuparin ang binitiwang salita sa direktor.

MR. M IS MORE THAN JUST A MENTOR

Sa ngayon, wala nang kontrata si Maja sa ABS-CBN at hindi na rin siya bahagi ng Star Magic.

Pero walang bakas ng panghihinayang kay Maja, na umalis sa poder ng Kapamilya network para samahan si Mr. M.

Saad niya, “Saying yes to my tatay-tatayan, parang hindi po talaga.

“Parang sobrang grateful ako kay Mr. M. Malaking factor kung bakit may Maja din.”

Pinagkakautangan daw niya ng loob ang veteran director at star builder sa kanyang career at personal na buhay.

Ani Maja, “Siya yung umalalay sa career ko talaga.

"Alam niyo po yung nagko-concert ako na hindi naman malakihang concert, but ini-insist niya na siya ang magdirek kahit hindi siya bayaran.

“Yung may mga big decisions ka rin sa personal life mo o kung ano man ‘yan, andiyan siya.

Continue reading below ↓

“Kahit sa love life mo, diretso siya sa 'yo—kung okay o hindi.

“Hindi lang siya manager ko. Dahil wala akong tatay, kumapit din ako.

“Feelingera na kung feelingera, pero alam ni Mr. M na tatay ko siya.

“Yung kinukulit ko sila lagi ni Tita Mariole,” pagtukoy niya sa dating Star Magic head at katuwang ni Mr. M na si Mariole Alberto.

“So, kung may panghihinayang ako sa pag-yes kay Mr. M, wala po.

“At least, kahit papa'no, andun yung alam ni Mr. M na mahal ko siya.”

Sa ngayon, freelance artist si Maja. Pero may ipalalabas siyang teleserye sa TV5, ang Niña Niño.

Nagtayo na rin siya ng sarili niyang talent management company, ang Crown Artist Management, Inc.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on saying "yes" to Johnny Manahan on TV5 transfer: “Sinabi ko, ‘Mr. M, I’m okay. I’m okay. I don’t regret anything. Yung pagsama ko sa ‘yo."
PHOTO/S: Courtesy of Mikki Gonzalez / YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results