Maja Salvador denies rumored proposal from boyfriend Rambo Nuñez: "Sa'n yung singsing?"

by Arniel C. Serato
Mar 19, 2021
Maja Salvador on how she sees relationship with boyfriend Rambo Nuñez five years from now: 'Sana naman, kung kami talaga ni Rambo, kami na talaga nun. Kung kailan po, kung kailan po ibibigay ni God, God-willing.”
PHOTO/S: Courtesy of Mikki Gonzalez / @rambonunez on Instagram

Tawang-tawa si Maja Salvador sa kumalat na balitang nag-propose na diumano sa kanya ang nobyong si Rambo Nuñez.

Sagot niya, sabay pakita sa kanang kamay na walang suot na singsing: “Sa'n yung singsing? Hello, baka kahit ayaw nilang ipa-post, i-post ko pa rin.

"Wala, hindi po."

Wala rin daw katotohanang nagli-live in na sila.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editorial team si Maja noong Lunes, March 15.

Sa puntong ito ng relasyon nila ni Rambo, gusto na ba niyang magkaanak kahit hindi pa sila kasal?

Sagot ni Maja na may halong biro, “Kung ibibigay ng Diyos, bakit hindi? Pero siyempre, kailangan muna ng diamonds.”

Iginiit ng 32-year-old actress na mas gusto niyang magkaroon ng anak sa tamang paraan o pagkatapos niyang maikasal.

Ani Maja, “Siyempre, magagalit ang mga nanay natin. Let’s do it in the right way.

“Pero kung hindi, di ba, it’s a blessing, bigay ni God.”

Continue reading below ↓

Anong edad para sa kanya ang ideal age to marry?

Sabi ni Maja, “Thirty-five [35] siguro puwede. Siguro super ano [successful] na ako nun sa mga nagawa ko sa mga projects talaga.”

Ano sa palagay ni Maja ang mangyayari sa kanyang karera limang taon mula ngayon?

Saad niya, “Sana po andito pa rin ako sa industriya. Sana mahal pa rin ako ng mga tao. Gusto pa rin nila akong mapanood. Yun.

“Pero siguro, sana naman, kung kami talaga ni Rambo, kami na talaga nun.

“Kung kailan po, kung kailan po ibibigay ni God, God-willing.”

Sa ngayon, magkasama sina Maja at Rambo sa binuksan nilang Crown Artist Management, isang talent agency kung saan tumatayo ang aktres bilang Chief Executive Officer (CEO).

MAJA ON JANELLA'S PREGNANCY

Isa si Maja sa unang nakaalam ng pagdadalantao noon ng kapwa aktres na si Janella Salvador.

September 18, 2020, inilabas ng PEP.ph ang scoop tungkol sa pagbubuntis ni Janella.

Continue reading below ↓

Kasunod ito ng pag-amin nina Janella at Markus Paterson sa kanilang relasyon noong September 12, 2020.

Tinanong si Maja kung alam niya ang pagbubuntis ni Janella, na nakasama niya sa defunct ABS-CBN primetime series na The Killer Bride.

Sagot niya, “Opo. Isa ako sa pinakaunang sinabihan niya.”

Lahat daw ng detalye tungkol dito ay sinabi sa kanya ng distant relative.

“Lahat po alam ko. Kung kailan yung flight niya nun. Alam ko rin po yun.

“Hindi… kasi sobrang naging close kami ni Janella, nung nag-Killer Bride.

“Iba yung closeness na nangyari sa amin. So yun, and happy ako na itinuturing niya akong ate-ate.”

October 2020 nagsilang si Janella sa United Kingdom.

January 2021 naman ipinakilala nina Janella at Markus ang kanilang baby boy, na pinangalanan nilang Jude, sa publiko.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on how she sees relationship with boyfriend Rambo Nuñez five years from now: 'Sana naman, kung kami talaga ni Rambo, kami na talaga nun. Kung kailan po, kung kailan po ibibigay ni God, God-willing.”
PHOTO/S: Courtesy of Mikki Gonzalez / @rambonunez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results