Jan Catherine Sy, granddaughter of Henry Sy, passes away at 29

by Jet Hitosis
Mar 18, 2021
Jan Catherine Sy, grand daughter of Henry Sy
Equestrienne-singer-artist Jan Catherine Sy is the vice chairperson of SM Group's SMDC. She passed away on March 18, 2021 due to sepsis.
PHOTO/S: Courtesy of SMDC

Pumanaw ngayong Huwebes, March 18, si Jan Catherine Sy, ang apo ng SM Group founder na si Henry Sy Sr. at anak ni SM Prime Holdings Chairman Henry “Big Boy” Sy Jr.

Sepsis ang ikinamatay ng 29-year-old equestrienne-singer-artist na si Jan.

Si Jan ang vice chairperson ng SM Development Corp. (SMDC), ang real estate development arm ng SM Prime Holdings.

Ayon sa pahayag ng pamilya Sy sa malalapit nilang kaanak at kaibigan, pumanaw si Jan bandang 6:35 ng gabi ngayong Huwebes.

Nitong March 14, nag-tweet pa si DJ Tony Toni sa paghahanap ng blood donor para kay Jan.

Sa tweet, sinabi ng DJ na naka-confine si Jan sa St. Luke’s Medical Center-Global City sa Taguig dahil sa septic shock.

Continue reading below ↓

A MULTIHYPHENATE

Sa interview ng Inquirer.net kay Jan, na inilathala noong February 8, 2021, nakasaad na taong 2013 nang nagtapos si Jan ng Business and Economics sa Westmount College sa Santa Barbara, California.

Pagkatapos magkolehiyo, tinutukan naman ni Jan ang pagsasanay sa France para maging isang equestrienne.

Kasunod nito, tuluy-tuloy si Jan sa pagsali sa mga international competition, kasabay ng mga responsibilidad niya sa SMDC.

Noong 2019, kasama ang mga kaibigan ay binuo ni Jan ang The Good Guys para sa serye ng programang Protect Our Community, na tumitiyak sa kahandaan ng mga komunidad laban sa krimen at kalamidad.

Isa ring painter si Jan.

Siya rin ang isa sa tatlong vocalists ng bandang WeekDaze.

Ang lolo niyang business tycoon-philanthropist na si Henry Sy Sr. ay sumakabilang-buhay noong January 19, 2019, sa edad na 94.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Equestrienne-singer-artist Jan Catherine Sy is the vice chairperson of SM Group's SMDC. She passed away on March 18, 2021 due to sepsis.
PHOTO/S: Courtesy of SMDC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results