Did Ruffa Gutierrez just hint at Maris Racal-Rico Blanco romance rumors?

by Rachelle Siazon
Mar 19, 2021
Netizens react to Ruffa Gutierrez (not in photo) alluding to a secret about Maris Racal (left) and Rico Blanco (right) that is now out in the open.
PHOTO/S: Maris Racal YouTube

May nalalaman nga ba si Ruffa Gutierrez sa hinihinalang espesyal na ugnayan nina Maris Racal at Rico Blanco?

Ito ang palaisipan sa netizens bunsod ng malamang mensahe na iniwan ni Ruffa sa comments section ng pinag-uusapang Instagram post ni Maris.

Kabilang si Ruffa sa kinilig matapos makita ang Instagram video ni Maris na kasabay si Rico sa pagkanta ng "Brighter Than Sunshine" ng Aqualung.

Kuha iyon sa studio ni Rico.

Kilalang kilig love song ang "Brighter Than Sunshine" na may lyrics sa chorus na "I'm yours and suddenly you're mine."

Naging tampok din ng espekulasyon ang sinasabing muntikang paghalik ni Maris kay Rico nang ilapit ni Maris ang kanyang mukha kay Rico, sabay bawi rin nito.

Makikita iyon sa dulong bahagi ng kilig duet ng dalawa.

Reaksiyon ni Ruffa ukol dito: "Ayyyyyyy [lovestruck emoji] the cat is out of the bag [surprised and heart emojis]."

IG comment: Ruffa Gutierrez reacts to Maris-Rico duet

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT TO RUFFA'S COMMENT

Dahil sa binitiwang salita ni Ruffa, may mga nagtanong kung ang ibig sabihin ni Ruffa ay nabunyag na ang sikreto tungkol sa relasyon nina Maris at Rico.

Hindi malinaw kung may iba bang ipinupunto si Ruffa sa kanyang comment.

IG comment: netizens assume ruffa knows the real score between maris and rico

Komento ng isang netizen, "@iloveruffag PARANG ETO NA YUNG SAGOT NA HINIHINTAY KO. HUHUHUHUHU OMG."

Continue reading below ↓

"@iloveruffag hala the secret revealed," dagdag pa ng isang commenter.

IG comment: netizens ask ruffa for confirmation

OTHER CELEBRITY REACTIONS

May ilan pang artista na kinilig din sa duet nina Maris at Rico na makikita sa Instagram ni Maris.

Isa na rito si Bianca Gonzalez na nagsabing, "Aaaaw. Cute niyo [heart emoji] Happy birthday Rico!!! @ricoblanco100."

IG comment: Bianca Gonzales greets Rico Blanco

Continue reading below ↓

Ang kaibigan ni Maris na si Sue Ramirez ay nagpaabot ng "happy birthday" kay Rico.

Nag-iwan naman ng hearts at shining emojis sina Jane Oineza at Miles Ocampo.

IG comment: Sue Ramirez, Jane Oineza, Miles Ocampo react to Maris and Rico duet

Nauna nang naibalita ang kilig reactions nina Alex Gonzaga, Julie Anne San Jose, Maja Salvador, Alora Sasam, at pati na rin ng direktor na si Antoinette "Tonet" Jadaone.

Continue reading below ↓

IG comment: Tonet Jadaone, Alex Gonzaga, Maja Salvador tease Maris

HOW MARIS AND RICO started working together

Kasunod nito ay nag-trend ang tweets ni Maris noong 2017 na iniidolo pa lang niya si Rico at pinapangarap pa lang niyang mapanood itong kumanta nang live.

Noong 2017 din nag-tweet si Maris na nag-request siyang kantahin ni Rico ang "Balisong" sa future wedding ni Maris.

Continue reading below ↓

Sumagot pa noon si Rico na hindi lang "Balisong" kundi pati "Your Universe" ay kakanta siya sa future wedding ni Maris.

Hanggang sa noong December 2018, nagpalitan muli ng tweets ang dalawa tungkol sa pagpayag ni Rico na makatrabaho si Maris para sa bagong kanta ng dalaga.

Nalunsad ang collaborative single ni Maris na "Abot Langit" noong May 2019.

Mula noon ay naging malapit na magkatrabaho sina Rico at Maris.

Nito lang January 2021, naglabas si Maris ng vlog kunsaan makikitang nasa studio siya ni Rico para iparinig ang kino-compose niyang kanta na "Not Me."

Kuha raw iyon "almost a year ago," ayon kay Maris.

Youtube screenshot: Maris Racal and Rico Blanco

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to Ruffa Gutierrez (not in photo) alluding to a secret about Maris Racal (left) and Rico Blanco (right) that is now out in the open.
PHOTO/S: Maris Racal YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results