Inamin ni Moira dela Torre, 27, na noong nagsisimula pa lang siya sa show business ay nakitira siya sa condo unit ng Kapamilya star na si Sam Milby, 36.
Unang nagbanggit nito ay si Toni Gonzaga, 37, na nakapanayam si Moira sa YouTube vlog ni Toni noong March 14.
Bungad ni Toni: "Not a lot of people know about this, na when you were starting, tumira ka sa bahay ni Sam, di ba, sa condo?"
Natawang pag-amin ni Moira, "Yes po."
Ipinaliwanag ni Toni na naikuwento raw sa kanya iyon ni Sam.
"Una kita narinig kay Sam. Kasi si Sam before, she keeps raving about you. 'You should hear this singer Moira. She's so good, Toni.'
"Sabi ko, 'Where is she?' Sabi niya, 'She actually lives in my condo right now because she has no place to stay pa.'"
SAM AS MOIRA'S "PROTECTIVE BROTHER"
Sa puntong ito, ipinaliwanag ni Moira na parang magkapatid ang turingan nila ni Sam, at noong panahong iyon ay ayaw ni Sam na mapag-isa si Moira.
"At that time, I was going through something. My depression was really bad. He didn't want me to be alone.
"Si Kuya Sam, he's really protective since wala akong family sa Manila, tapos wala yung family niya sa Manila at that time.
"Kami yung naging family."
Ang pamilya ni Sam ay nakabase sa Ohio. Noon na lamang 2011 nang manirahan na rin sa Manila ang kapatid ni Sam na si Ada at pamangkin na si Lona.
Hiwalay naman ang mga magulang ni Moira.
Ang kanyang ina ay naninirahan sa Olongapo, habang ang kanyang ama ay nasa Las Vegas, Nevada.
Napadpad daw si Moira sa Manila nang siya ay mag-aral ng kolehiyo sa College of St. Benilde sa Manila.
FIRST BRAND-NEW GUITAR FROM SAM
Ayon pa kay Moira, 16 years old siya nang una niyang makilala si Sam dahil pareho silang talents ng Cornerstone Talent Management.
Pero ilang taon pa ang lumipas bago sila naging malapit ni Sam.
Tandang-tanda pa raw ni Moira kung paano siya nasorpresa nang bigla na lang siyang regaluhan ni Sam ng mamahaling gitara kahit hindi pa sila malapit na magkaibigan.
Nangyari iyon noong 19 years old si Moira, at hindi pa nakikilala bilang contestant ng ABS-CBN reality franchise show na The Voice of The Philippines noong 2013.
"Bago ako sumali ng The Voice, hindi pa kami close, bigla siya nagme-message sa akin.
"Pinapunta nila ako sa Victory Fort, ni Ate Caress, yung handler niya.
"Pagtingin ko sa aisle, meron nang guitar na Taylor. That was my first brand-new guitar na iniregalo niya sa akin.
"Na hindi naman kami ever nag-usap."
Mula noon ay naging pamilya na raw ang turingan nila ni Sam.
Dagdag ni Moira, "Up to this day, he's really like my brother. Ako yung wing man niya sa lahat ng mga naging ex niya. Hahaha!"
MOIRA AND SAM'S HEART-TO-HEART TALK IN 2015
Bukod pa rito ay may pagkakataong tiniyaga raw talaga ni Sam na ipa-realize kay Moira na dapat itong mas magkakumpiyansa sa sarili.
Kuwento ni Moira sa kanyang Instagram post noong November 2015:
"A couple of months ago, my kuya @samuelmilby called me while i was at a Coffeebean and started preaching to me about my worth as a person and as an artist.
"He read quote after quote, verse after verse, from the Bible and by famous people who made a difference in the world and told me he strongly believed i could be one of them.
"He went on and on for more than an hour, tirelessly battling every lie and insecurity he knew was plaguing my head."
Hindi raw napigilan ni Moira na mapaiyak noon.
"Here was the most famous person in the country, investing time on me, telling me i was worth it.
"I thanked him for believing in me and for taking the time to speak truth to me.
"And he replied with this, 'I would gladly be the one to keep doing this again and again until you start believing that you are great, that you are talented and that you deserve to be heard by the world.. I believe all of this not just because you're my little sister but because you really are all that and more. I believe in you, Moi.'
"True enough, my kuya hasn't missed a week in checking up on me, encouraging me, dreaming with me, (farting on me) and being there for me ever since."