Ruffa Gutierrez: "Malamig ang Pasko but my kids will give warmth to me."

by Nora Calderon
Dec 11, 2007
"I believe na ang feelings at ang puso mo, hindi puwedeng turuan. Love should be understanding and patient, at ayoko munang isipin ‘yon," replies Ruffa Gutierrez about finding a new love.


"Malamig ang Pasko but my kids will give warmth to me. As long as masaya ang mga anak ko [Lorin and Venice], marami silang bubuksang Christmas gifts, masaya na rin ako," sagot ni Ruffa Gutierrez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang biruin namin siya na dahil wala siyang lovelife ngayon at tiyak na malamig ang Pasko niya this year.

"Warm din ang Christmas ko dahil may movie akong ipalalabas after almost 12 years na hindi ako gumawa ng pelikula, ito ngang Desperadas. Because of this movie, nakakuha ako ng mga new friends and katrabaho, sina Iza [Calzado] at Marian [Rivera]. Si Rufa Mae [Quinto] kasi matagal na namin siyang kabarkada nina Gretchen [Barretto] at Pops [Fernandez]," pahayag pa ng former Miss World 2nd runner-up sa presscon ng Desperadas last Sunday, December 9.

Hindi ba naging "desperate" si Ruffa nang tinalikuran niya ang showbiz noon pagkatapos niyang magpakasal at manirahan sa Turkey kasama ang kanyang pamilya?

Continue reading below ↓

"Hindi naman," mabilis niyang sagot. "Pero siyempre, kapag nag-iisa ako sa Istanbul noon, naiisip ko rin ang showbiz. Kaya nang finally ay bumalik na ako rito to resume my showbiz career, may three-picture deal agad ako kay Mother Lily [Monteverde, Regal matriarch]. At itong Desperadas is a perfect comeback vehicle, it's worth the long wait."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakiusap din si Ruffa sa entertainment press na huwag nang banggitin sa write-ups ang tungkol sa estranged husband niya dahil nagbabasa raw ito sa Internet at ayaw niyang makagalitan na naman siya nito.

Samantala, itinanggi ni Ruffa ang sinabi ng katabing si Rufa Mae na nagsuot siya ng two-piece swimsuit sa pelikula. Paliwanag ni Ruffa, lagi nga raw siyang balot na balot sa character niya bilang si Isabella, na isang single mom to her daughter.

May bagong suitors na ba siya ngayon?

"Ayokong mag-entertain ng suitors," sabi ni Ruffa. "I believe na ang feelings at ang puso mo, hindi puwedeng turuan. Love should be understanding and patient, at ayoko munang isipin ‘yon.

Continue reading below ↓

"Mas focused ako sa career ko ngayon," patuloy niya. "Before the year ends, magsisimula na kaming mag-shooting ng Mommy ko [Annabelle Rama] ng Monster Mom under Regal Entertainment to be directed by Tito Joey Reyes. Sa ABS-CBN, may sisimulan akong teleserye next year.

"Gusto ko palang magpasalamat sa kanila [ABS-CBN] dahil bibigyan daw nila ako ng oras sa ASAP '07 and sa The Buzz para mai-promote ko ang Desperadas. Nainggit nga ako last Sunday nang pinanood ko sina Marian, Rufa Mae, at Iza na sumasayaw sa SOP. Bukod sa hindi ko naman kaya ang sayaw nila, hindi ako puwedeng mag-promote doon [GMA-7]!" natatawang kuwento ng actress-TV host.

Just in case na muli siyang ma-in love, will she get married again?

"I don't like to get married again, as of now. But I don't know after ten years, baka magbago rin ang isip ko. Sa ngayon, dito na muna tayo sa Desperadas," nakangiting pagtatapos ni Ruffa.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Ruffa Gutierrez
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I believe na ang feelings at ang puso mo, hindi puwedeng turuan. Love should be understanding and patient, at ayoko munang isipin ‘yon," replies Ruffa Gutierrez about finding a new love.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results