Carla Abellana engaged to long-time boyfriend Tom Rodriguez 

by Rachelle Siazon
Mar 21, 2021
On Sunday, March 21, Kapuso stars Carla Abellana and Tom Rodriguez announce that they are engaged after almost seven years of being a couple.
PHOTO/S: Pat Dy

Engaged na ang magkasintahang sina Carla Abellana, 34, at Tom Rodriguez, 33.

Ngayong Linggo ng tanghali, March 21, sabay na inanunsiyo nina Carla at Tom ang tungkol sa simula ng kanilang forever.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ipinakita ni Tom ang litrato nila ni Carla kunsaan kitang-kita ang diamond ring na suot ng Kapuso actress.

Idinaan ni Tom sa isang love quote mula sa sikat na poet/diplomat/politician na si Pablo Neruda ang paghayag ng lalim ng kanyang pagmamahal para kay Carla.

Sabi rito: "I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…"

Tom Rodriguez IG Post: Carla Abellana wearing diamond ring

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram post ni Carla, masayang ibinahagi ng dalaga na paulit-ulit siyang sasagot ng "yes" sa marriage proposal ni Tom.

Kalakip ng isang ring emoji, sabi ni Carla: "A million times, YES."

IG Post: Carla showing her engagement ring

Parehong exclusive Kapuso stars sina Tom at Carla, na huling nagkatrabaho sa katatapos na prime-time series na Love of My Life.

Continue reading below ↓

Higit anim na taon at kalahati na silang magkarelasyon, at bukas sila sa pagsasabing nakikita na nila ang "The One" sa isa't isa.

QUARANTINE LOVE

Lalo pang pinagtibay ng pandemya ang kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling reporters noong December 2020, naging bukas si Carla sa pagsasabing kasama niya sa kanyang bahay si Tom bago pa nagsimula ang enforced quarantine.

Natigil ang taping ng kanilang serye ng humigit-kumulang walong buwan, kaya nalaan nila ang panahong iyon para mas makilala ang isa't isa.

Nadiskubre raw ni Carla na "all-around" si Tom pagdating sa pagkumpuni ng mga bagay na kailangang ayusin sa bahay ng aktres.

"He was able to fix electrical work. Our plumbing, twice na tinopak ang aming water pump. Nagawa ni Tom!

"He was resourceful enough to use whatever we have at home to build, like, a contrapment or whatever."

Dagdag pa ni Carla, "Ang galing na kaya niya talaga whether it's electrical, plumbing, or sa construction. Na-discover ko yun kay Tom."

Continue reading below ↓

Swak sila dahil si Carla naman ay hilig ang pagluluto.

Ilang buwan ding walang kasambahay noon si Carla kaya sila raw talaga ni Tom ang nag-asikaso ng mga gawaing-bahay.

Newly engaged couple Carla and Tom

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday, March 21, Kapuso stars Carla Abellana and Tom Rodriguez announce that they are engaged after almost seven years of being a couple.
PHOTO/S: Pat Dy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results