Maris Racal reacts to Ruffa Gutierrez teasing her about having a special someone; is it Rico Blanco?

by Rachelle Siazon
Mar 21, 2021
Ruffa Gutierrez (right) makes teasing remarks about Maris Racal (left) alluding to having someone special in her life. Netizens speculate that Ruffa is ribbing Maris again about Rico Blanco (center).
PHOTO/S: Instagram

Humirit ulit si Ruffa Gutierrez ng panunukso tungkol sa pinag-uusapang buhay pag-ibig ni Maris Racal.

Ito ay matapos magpahaging si Maris tungkol sa isang taong nagpaparamdam sa kanya na siya ay espesyal.

Noong March 19, Biyernes, nag-post si Maris ng selfie sa loob ng kanyang kuwarto kalakip ng caption na "u make me feel special."

IG Post: Maris Racal selfie

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagpahiwatig si Ruffa na tila may nalalaman siya kung sino ang tinutukoy ni Maris.

Ani Ruffa, "I make you feel special?? [laughing and heart emojis] stay happy Maris!"

Nag-react si Maris ng grinning face with star eyes emoji sa comment ni Ruffa.

Liban dito ay tikom pa rin ang bibig ni Maris sa usap-usapan sa social media kung may espesyal na ugnayan ba sila ni Rico Blanco.

IG comment: Ruffa Gutierrez teases Maris, Maris reacts

Continue reading below ↓

RUFFA ADMITS TO TEASING MARIS ABOUT LOVE LIFE

Natawa naman ang ibang netizens sa pang-aasar ni Ruffa kay Maris.

Sabi ni @perchipie, "Si @iloveruffag yung tita mong mahilig mang asar pag may lovelife ka!! Hahaha cute!"

IG comment: netizen compares Ruffa to a tita who knows something

Hirit ni Ruffa kalakip ng laughing face at thumbs up emoji, "@perchiepie ate not tita!"

Continue reading below ↓

IG comment: Ruffa says she is not a tita

MARIS AND RICO ROMANCE RUMORS

Hindi kaila sa mga sumusubaybay kay Maris na lumikha ng ingay ang ibinahagi ni Maris na kilig video nila ni Rico na kumakanta ng "Brighter Than Sunshine."

Bahagi iyon ng birthday greeting ni Maris kay Rico.

Nag-reply naman si Rico ng "hahaha love you!!!"

Sa comments section ng post na iyon ni Maris, excited na nagkomento si Ruffa na "the cat is out of the bag."

Continue reading below ↓

Nakadagdag ito sa espekulasyon ng netizens kung may nalalaman ba si Ruffa sa kung anuman ang mayroon ngayon sina Maris at Rico.

May mga netizens ang nagtatanong kay Ruffa kung magkarelasyon na nga ba ang dalawa.

IG comment: netizen asks Ruffa about maris and rico real score

Pabirong sagot ni Ruffa sa netizen, "@thelleyang oh I don't know. Lol baka the cat is a new cover. Let's ask @mariesteller."

Continue reading below ↓

Naging close sina Maris at Ruffa nang magkasama sila sa TV5 series na Stay-In Love.

IG comment: ruffa defer question to maris

Pati ibang mga kaibigang artista ni Maris ay tila kinilig din nang mapanood ang duet nila ni Rico ng "Brighter Than Sunshine."

Ang hinala naman ng ibang netizens, "jowa reveal" ang ginawa ni Maris na pagpapakita ng kilig moment nila ni Rico.

Continue reading below ↓

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag sina Maris at Rico tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Nagsimulang maging malapit sina Rico at Maris dahil sa kanilang palitan ng tweets noong 2017.

Noong December 2018 sila nagsimulang magkatrabaho sa mga musical collaborations.

MAJA

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez (right) makes teasing remarks about Maris Racal (left) alluding to having someone special in her life. Netizens speculate that Ruffa is ribbing Maris again about Rico Blanco (center).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results