Vin Abrenica reveals he got jealous of Derek Ramsay; Sophie Albert got pissed off by an actress who called Vin “Baby”

by Bernie V. Franco
Mar 22, 2021
Vin Abrenica recounts the time he got jealous of Derek Ramsay (inset, upper left). On the other hand, Sophie Albert says she got pissed off by an actress who called Vin "Baby."
PHOTO/S: YouTube (Vin & Sophie) / @ramsayderek07/ PEP.ph

Nagkaaminan ang celebrity couple na sina Vin Abrenica, 29, at Sophie Albert, 29, tungkol sa mga pagkakataong nakaramdam sila ng selos sa isa’t isa.

Ganito ang tanong: “Instance you got jealous of each other’s co-actors.”

Si Vin ang unang sumagot sa YouTube video nila ni Sophie na in-upload nitong Linggo, March 21.

“Derek Ramsay,” mabilis na sagot ni Vin.

Dugtong niya, “I have a reason why. Boys would understand me on this, even girls.”

Nangyari raw ito noong panahong kapwa nasa poder pa ng TV5 sina Vin at Sophie.

Sina Vin at Sophie ay batchmates sa Artista Academy, ang artista search ng TV5 noong 2012.

Pareho silang idineklarang grand winners at pagkatapos nito, gumawa sila ng acting projects sa Kapatid network.

Pagpapatuloy ni Vin, “We were together. We were already dating. We were boyfriend-girlfriend.

“So, Derek... I have nothing against Derek. Derek is a good friend of mine.

“He’s a cool dude, tropa talaga ‘yan.”

Continue reading below ↓

Minsan daw ay magkakaharap sila nina Sophie at Derek. At sa harap niya mismo ay tinanong ni Derek si Sophie, o Bianca Regina Lyttle Reyes sa totoong buhay.

“Si Bianca tinanong niya [Derek] back then, ‘Do you have a boyfriend?’ And you know what she said? ‘I’m seeing somebody.’”

Katwiran ni Sophie, ang sagot niya noon kay Derek ay katumbas ng pag-aming may special someone siya.

Pero iba raw ang dating nito kay Vin.

“No, no, no. It’s not the same thing,” giit ni Vin.

“Derek is in the same network that was, in TV5—ako, ikaw, siya—magkakasama tayong lahat.”

Ang inasahan daw ni Vin ay aaminin ni Sophie na magkarelasyon sila.

Ani Vin, “I was there. He knows me, too. ‘Do you have a boyfriend?’ Kilala mo kunyari, ‘Do you have a boyfriend?’ ‘Si Vin.’

“Kilala niya yun, e. Kilala niya ‘ko. e.”

Nagpaliwanag si Sophie kung bakit hindi niya direktang inamin kay Derek na boyfriend niya si Vin.

Continue reading below ↓

“Yeah, but in my defense, special case sa kanya,” sabi ng aktres.

“Kasi in my defense at that time, we did not admit that we were together yet.

“So, I wasn’t close to Derek. It was my first time that I had a conversation with him, or I met him.”

Biglang napaisip si Vin at napagtanto na iyon ang mga panahong itinatago pa nila ni Sophie sa publiko ang kanilang relasyon.

Kitang nahimasmasan si Vin at tinanggap ang depensa ni Sophie.

Sabi ni Vin, “Yun nga yung time na parang pinapa-deny tayo sa isa’t isa.”

Pagpapatuloy ni Sophie, dapat ay matuwa pa nga raw si Vin sa naging sagot niya kay Derek.

“I said I’m seeing someone. For me nga, that was my being loyal na I’m seeing someone. Instead of, like, saying, ‘No, I’m single.’”

Sina Vin at Sophie ay naging magkarelasyon noong 2013, o isang taon matapos ang kanilang Artista Academy stint.

Continue reading below ↓

FEMALE CO-STAR HAD A PET NAME FOR VIN

Sumunod namang nagbahagi si Sophie.

Mayroon daw isang female co-star si Vin na “Baby” ang pet name sa aktor.

Ani Sophie, “There’s this girl kasi na nakita ko na mine-message niya ito [Vin].

“’Tapos, tinatawag niyang Baby [si Vin]. So, of course, that pissed me off.

“I never experienced any of my onscreen partners have a pet name for me, or call me Baby, na parang, ‘Anong landian na nagaganap dito, ‘no?”

Nagpaliwanag si Vin: “I am the youngest kasi. That time, everybody calls me baby. On the set, Baby Boy.”

Bakas naman sa mukha ni Sophie na hindi niya tanggap ang paliwanag ng kanyang fiancé.

Kabilang sa mga pinakahuling teleseryeng ginawa ni Vin ay sa ABS-CBN: ang Wildflower (2017) at A Soldier’s Heart (2020).

Sina Vin at Sophie ay higit walong taon nang magkarelasyon. Na-engage sila nito lamang February.

WORTH FIGHTING FOR

Sinagot din ng magkasintahan ang tanong kung paano nila nalamang “worth fighting for” ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Sophie, sila ni Vin ang tipong hindi isinasapubliko kapag mayroon silang hindi pagkakaunawaan.

Aniya, “We never broadcast every time we fight or go through anything in our relationship.

“Kasi we know that, at the end of the day, we will always make bati. So, we never broadcast.”

Pero nilinaw ni Sophie na maraming hamon silang pinagdaanan ni Vin sa kanilang relasyon.

“We really have gone through a lot of problems in the relationship. I think we went through everything na.”

Segunda naman ni Vin, “Fights, heartbreaks.”

Ani Sophie, wala silang kailangang patunayan pagdating sa kanilang relasyon.

Kinailangan lang daw nilang ipaglaban ito para hanggang sa huli ay sila pa rin ang magkasama.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica recounts the time he got jealous of Derek Ramsay (inset, upper left). On the other hand, Sophie Albert says she got pissed off by an actress who called Vin "Baby."
PHOTO/S: YouTube (Vin & Sophie) / @ramsayderek07/ PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results