AlDub fans' call to boycott Daddy's Gurl, Eat Bulaga trends on Twitter; Daddy's Gurl director reacts 

by Rachelle Siazon
Mar 23, 2021
Some avid fans of Alden Richards and Maine Mendoza, aka AlDub, are furious at producers of Daddy's Gurl and Eat Bulaga! for supporting Maine's real-life relationship with Arjo Atayde. Daddy's Gurl invited Arjo to appear in Daddy's Gurl for Maine's birthday special last March 6.
PHOTO/S: @mainedcm IG / @direkchrism Twitter / @aldenrichards02 IG

Naghihimagsik ang nagpakilalang "true-blooded" fans ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, o kilala bilang AlDub Nation o ADN.

May dalawampu't dalawang (22) araw nang nanawagan ang mga ito na i-boycott ang lahat ng mga programa na iprinodyus ng M-ZET Productions at APT Entertainment.

Partikular dito ang weekly sitcom na Daddy's Gurl at daily noontime show na Eat Bulaga!—na pawang blocktimer shows sa GMA Network.

Ang M-ZET ay pag-aari ng Eat Bulaga! co-host na si Vic Sotto. Ang APT Entertainment ay pag-aari ni Tony Tuviera.

Co-producers ang M-ZET at APT sa Daddy's Gurl, habang ang APT ay subsidiary ng TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga.

Gamit ng "true-blooded" ADN fans ang hashtag na "#TBADNBoycottMZETxAPT16."

Ang numerong "16" ay tumutukoy sa ika-labing-anim na araw na paggamit nila ng "boycott hashtag" ngayong March 23, Huwebes.

Ayon pa sa true-blooded ADN fans, may nauna pa silang "boycott hashtag" na ginamit nila sa loob ng anim na araw.

Continue reading below ↓

Sinasabing makailang-beses nang nag-trend ang kanilang hashtag nitong mga nagdaang araw.

Sabi sa isang tweet ng fan (published as is): "TBADN we are REDEFINING our concept of ENTERTAINMENT.

"We find Dotdotan entertaining than watching Daddysgurl @pauleenl_sotto and @EatBulaga.

"Hindi na namin pinanonood ito. Tuloy ang BOYCOTT

"LABAN PARA SA ALDUB @aldenrichards02 @mainedcm @panaadedge #TBADNBoycottMZETxAPT16"

Aldub fan call to boycott MZET and APT

Continue reading below ↓

Paliwang ng isa pang true-blooded ADN fan: "We have this OHT trending 4 16 days & b4 that 6 days w/ another boycott HT.

"TBADN is now on its 22nd day of boycott.

"Akala nila madalian lang ito.. little do they know that unless effectual changes r seen this will continue."

Aldub fan urges other ADN to continue tweeting about the boycott

Continue reading below ↓

Nagkasundo rin daw ang mga itong huwag tangkilikin pati lahat ng ads o sponsors na umeere sa timeslot ng shows ng M-ZET at APT.

Aldub fan urges ADN to also boycott MZET, APT ad sponsors

REASON FOR THEIR BOYCOTT

Umalma ang AlDub fans dahil sa pagtatambal ni Maine at boyfriend na si Arjo Atayde sa March 6 episode ng Daddy's Gurl.

Continue reading below ↓

Bahagi iyon ng birthday special para kay Maine, na nagdiwang ng kanyang ika-26 kaarawan noong March 3.

Hindi nagustuhan ng fans na hayagan ang pagsuporta ng creators ng Daddy's Gurl sa relasyon nina Maine at Arjo.

Marami raw sa kanila ang mas gustong si Alden ang katambal ni Maine onscreen.

Unang sumikat ang AlDub, o Alden at Yaya Dub, sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula July 16, 2015 hanggang December 17, 2016.

Nasundan ito ng tambalan nila sa Kapuso prime-time series na Destined To Be Yours (2017) at mga pelikulang My Bebe Love: #KiligPaMore (2015) at Imagine You and Me (2016).

Lumalabas na may AlDub fans na hindi pa rin tanggap ang pagkabuwag ng onscreen partnership nina Alden at Maine—na noon pang mid-2018 ay nagsimula nang magkaroon ng solo projects sa telebisyon man o sa pelikula.

Pakiramdam nila ay pakana umano ng producers na sadyaing tibagin ang tambalan nina Maine at Alden at ipareha ang mga ito sa iba nang labag umano sa kalooban ng mga ito.

Continue reading below ↓

Ang panawagan nila: magkaroon muli ng proyekto sina Maine at Alden liban sa pagiging co-hosts ng mga ito sa Eat Bulaga.

Aldub fan reposts the reason of boycott

DIRECTOR CHRIS MARTINEZ ANSWERS CRITICISMS OF ADN FANS

Nakarating kay Chris Martinez, direktor ng Daddy's Gurl, ang tweets ng true-blooded ADN fans na galit sa nangyaring pagtatambal nina Maine at Arjo.

Continue reading below ↓

Naka-tag si Chris sa tweets ng mga ito.

Tweet ng fan noong March 9, "takot na takot" na raw ang creators ng Eat Bulaga at Daddy's Gurl dahil sa ilang araw nang pagbo-boycott ng true-blooded ADN fan group sa naturang shows.

Hindi ito inurungan ni Chris.

Ayon kay Cris, hindi kaila sa kanyang pinauulanan siya ng batikos pati na rin iba pang bumubuo ng Daddy's Gurl.

Diretsahang pahayag ni Chris: "Hindi po ako takot. Busy lang. Sayang oras.

"At quota na ang mata ko sa mga kabastusang salita.

"Huwag mong isipin na kaya ka blinock kasi nakakatakot ka. Kaya ka nablock kasi bastos at istorbo ka. K bye."

Director Chris Martinez answers furious aldub fan

Continue reading below ↓

Noong March 8, ipinakita ni Chris ang screenshots ng TV ratings ng March 6 episode ng Daddy's Gurl

Tila ipinahiwatig ng direktor na maganda pa rin ang rating na nakuha ng sitcom sa kabila ng panawagan ng true-blooded ADN fans na i-boycott ang show.

Kontra ng isang netizen, ang umereng "23 ads" noong March 6 ay mas kaunti umano kumpara sa dating episodes.

Sabi pa ng netizen ukol kay Chris: "Kung ako sayo direct mananahimik na ako.

"Ikaw lang ang director na kuda ng kuda.

"kawawa naman ang staff at celebrity mawalan ng work."

Sagot ni Chris, "You can not tag me and not expect a response."

Director Chris Martinez posts rating of Daddy's Gurl

Continue reading below ↓

Bago nito ay may netizen na nang-asar kay Chris na kunwa'y kakarampot lang ang nakuhang TV ratings ng Daddy's Gurl.

Ito ay sa kabila umano ng dalawang linggong promotion sa guest appearance ni Arjo.

Sabi naman ni Chris, "Hindi na po ako makikipag asaran sa inyo.

"Nagawa nyo na po ang gusto nyong gawin.

"Kami po ay magmo move on na para harapin na ang mga bagong gawain.

"Sana makapag move on na rin kayo. Tapos na po ang boksing."

ADN teases Chris Martinez over small increase in Daddy's Girl rating, Chris reacts

Continue reading below ↓

CHRIS APPEALS FOR PEACE AMONG DADDY'S GURL DETRACTORS

Apela pa ng direktor, sana ay tigilan na ng true-blooded ADN fans ang pagbato ng masasamang salita matapos ang paglabas ni Arjo sa Daddy's Gurl.

Payo niya: "Baka lang makatulong: The five stages: denial, anger, bargaining, depression and acceptance.

"Kayo na po mag-assess kung nasaang stage na po kayo. PEACE!

"And enjoy life! LET'S MOVE ON."

Daddy's Girl director Chris Martinez appeals to ADN fans for peace

Continue reading below ↓

Hindi raw niya maintindihan bakit ganoon na lang ang galit ng fans sa kabila ng maayos niyang pagsagot sa mga paratang ng mga ito.

Kaya para raw sa sarili niyang katahimikan ay nag-block siya ng iba sa mga ito.

Netizen shows support to Director Chris and the show

May isang netizen ang nag-request na sana ay maging guest star uli ng Daddy's Gurl si Alden.

Continue reading below ↓

Unang napanood si Alden bilang high school crush ni Maine sa episode ng Daddy's Gurl noong March 9, 2019.

Sagot ni Chris: "Noted. Kasi nice ka mag-ask. Unlike the others. No promises though."

Aldub fan politely sks Chris for alden possible guesting on the show, Chris answers

HOW ARJO WAS INVITED TO APPEAR FOR MAINE'S BIRTHDAY SPECIAL

Sa kabilang banda, tuwang-tuwa si Chris sa matagumpay na pagbisita ni Arjo sa Daddy's Gurl para makasama ang nobyang si Maine.

Continue reading below ↓

Isa sa kuwelang highlights ng episode ay ang suggestive scene kunsaan tila naghalikan sina Maine at Arjo.

Pero hindi pinakita ang mismong kiss dahil natakpan ang mga ito ng halaman.

Kinabukasan, March 7, nag-tweet si Chris para sabihing ipinaalam sa "kinauukulan" o big bosses ng GMA Network ang guest appearance ni Arjo, na isang exclusive Kapamilya star.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil sa blocktimer sa GMA-7 ang independently-produced sitcom na Daddy's Gurl.

Sabi ni Chris: "Matagal pinagisipan. At pinaghandaan. Maraming hiningan ng pahintulot (thank you po sa lahat ng kinauukulan).

"Maraming akong pa revision ng script (lima yata, thank you kay writer Tina - pasensya na sa kulit).

"But the happiness was all worth it! Salamat po sa inyong lahat."

Chris Martinez on Arjo Atayde guesting

Continue reading below ↓

Dagdag ni Chris sa isa pa niyang tweet: "Thank you for guesting, @AtaydeArjo! Thank you M-Zet and @gmanetwork for making this happen!"

Chris Martinez thanks Daddy's gurl viewers

Noong March 6, una nang nag-tweet si Arjo na halatang masayang makatrabaho kahit sandali ang nobyang si Maine.

Ito ang kauna-unahang guest appearance niya sa labas ng home network niya ng walong taon.

Continue reading below ↓

Kaya pinagpaalam din ni Arjo ang paglabas niya sa Daddy's Gurl sa ABS-CBN management.

Tweet ni Arjo para kay Chris at Maine: "Direk thank you!!! Super enjoyed! Nakakabatin [laughing with tears emoji]

"Happy Birthday again bubs! [heart emoji] @mainedcsm So happy!!!!! [laughing with tears emoji]."

Bubs ang term of endearment ng magkasintahan Maine at Arjo.

Arjo Atayde thanks Daddy's gurl viewers, greets gf maine mendoza

Continue reading below ↓

Maging si Maine ay nabitin daw sa iksi ng guest appearance ng nobyo na si Arjo.

Bahagi ng tweet ni Maine, "Ano ba yan @DirekChrisM nakakabitin, ang bilis!!!

"Pero maraming salamat sa mga nanood ng #DADDTSGURLBbdayNiStacy! We appreciate it, super!"

Chris Martinez tweets about ArMaine

Isang araw bago ang March 6 episode ng Daddy's Gurl, sinabi rin ni Chris na maging si Vic Sotto, aka Bossing, ay nirerespeto ang karapatan ni Maine na maging masaya sa piling ni Arjo.

Continue reading below ↓

Si Vic ay lead star din ng Daddy's Gurl.

Sa panayam ng DZRH noong March 3, sabi ni Vic: "Personal na buhay niya, dapat respetuhin natin, kung sila'y nagmamahalan.

"Kung mahal niya si Arjo, out na tayo roon.

"Nakikita ko namang masaya siya at naaalagaan naman siyang mabuti."

Sina Maine at Arjo ay naging opisyal na magkarelasyon noong December 22, 2018.

Una silang nagkakilala nang maging co-stars sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack En Popoy: The Puliscredibles. Bida rito sina Vic, Maine, at Coco Martin, habang kontrabida naman ang ginampanang papel ni Arjo.

Chris Martinez posts Vic Sotto comment on Arjo-Maine guesting

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some avid fans of Alden Richards and Maine Mendoza, aka AlDub, are furious at producers of Daddy's Gurl and Eat Bulaga! for supporting Maine's real-life relationship with Arjo Atayde. Daddy's Gurl invited Arjo to appear in Daddy's Gurl for Maine's birthday special last March 6.
PHOTO/S: @mainedcm IG / @direkchrism Twitter / @aldenrichards02 IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results