Cassy Legaspi opens up about getting hate comments: “I even get death threats.”

by Bernie V. Franco
Mar 23, 2021
Cassy Legaspi on getting death threats from netizens: “I really hope you don’t do this to anybody else."
PHOTO/S: @juansarte on Instagram / YouTube (Cassy Legaspi)

Bukod sa hate comments at bashing, nakatanggap na rin daw ng death threats si Cassy Legaspi, 20.

Sinabi ito ni Cassy sa video na ipinost sa YouTube noong March 3, 2020.

Sa murang edad daw ay naranasan na ni Cassy ang bashing sa online media.

Kalaunan, natutunan daw niyang ipagkibit-balikat ang mga ito.

“Dati, the way I take in bashers before was so bad.

“I would really take it to heart and act as if they really know me when they really don’t,” kuwento ng First Yaya star.

Patuloy ng Kapuso actress-host, “That was before, because I got my first set of haters when I was nine.

“Because this was the first time I had my own social media account.

"But my friends or followers there were just like my cousins, my parents, ganun lang.

“I have no idea how these bashers found me, but they did.”

Hindi rin daw siya nakaligtas sa mga death threats, pero kalaunan ay nasanay na siya.

Continue reading below ↓

Napansin daw ni Cassy na pare-pareho lang ang mga ibinabatong pintas sa kanya.

“Then eventually, growing up, I just noticed I get the same hate comments and I even get death threats, which is really upsetting.

“I really hope you don’t do this to anybody else. Dati affected ako. Ngayon…” at saka nagmuwestra ang young star na tila nagpagpag ng dumi sa balikat.

“I don’t need them. I just focus on my family friends, my loved ones, my fans ‘coz those are the only relevant people in my life.”

Napagtanto raw niyang hindi siya dapat magpaapekto sa mga taong hindi naman siya kilala.

“Why would you focus on the haters? They don’t know you.

“But your loved ones, they know you.”

Natutunan din daw ni Cassy ang pagkakaiba ng “hate messages” at “criticisms.’

“Hate messages are different from criticisms and all.

"So, you need to learn to distinguish what is a hate comment and what is a criticism.”

Continue reading below ↓

May mga pagkakataon daw na nakakabasa siya ng kritisismo, kagaya ng payo sa kanyang paghusayin ang kanyang pagkanta at pagsayaw.

Ani Cassy tungkol dito, “I’m all for it. I’m all for improvement and getting feedback.

“Pero iba na yung, ‘Pangit,’ o gano’n-gano’n.' My gosh, how could you say that?"

Si Cassy ay isa sa kambal na anak ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

ON LOVE AND GHOSTING

Binasa rin ni Cassy ang ilang katanungang may kinalaman sa pag-ibig, pero iniwasan niya ang mga ito.

Sa komentong in love daw siya ngayon, pa-safe niyang sagot: “In love ako sa sarili ko.”

Iniwasan din niya ang komentong “Jowa mo si…”

“Si… sino ang iibigin ko…” pagkanta niya sa ilang lyrics ng kantang “Mahal Ko O Mahal Ako.”

“Ahhmm. Next,” tuloy niyang pag-iwas.

Si Cassy ay iniuugnay ngayon sa Kapamilya singer na si Darren Espanto, na kasalukuyang nasa Canada.

May assumption din kay Cassy na nang-ghost siya dati.

Continue reading below ↓

Ghosting ang termino kapag biglang hindi nagparamdam ang isang karelasyon o kamabutihan.

Sagot ni Cassy, “I don’t think I’ve ever ghosted anyone. No one has ghosted me, thank God.”

Sa pananaw ng dalaga, mas mabuti raw ang maging prangka at diretsahin ang isang tao sa halip na i-ghost ito.

“Para sa ‘kin, I don’t see the point of ghosting. Why can’t you just tell the person straight up na ‘I’m not interested in talking to you,’ or ‘I think we should just end our talkies-talkies here,’ yung mga gano'n.

“Baka gano’n yung personality ko na I’m the type who’s straightforward.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Cassy Legaspi, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cassy Legaspi on getting death threats from netizens: “I really hope you don’t do this to anybody else."
PHOTO/S: @juansarte on Instagram / YouTube (Cassy Legaspi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results