Markki Stroem replies to critics telling him "magladlad ka na kasi"

by Rachelle Siazon
Mar 24, 2021
Markki Stroem on bashers calling him gay: "There is a word called RESPECT. No one deserves an explanation about anything in our lives! Do not allow anyone to tell you what to do and not to do. I will not stand by this bullying."

Hindi inurungan ni Markki Stroem, 34, ang ilang bashers na pilit siyang pinapaamin sa kanyang sexual orientation.

Si Markki ay isang Filipino-Norwegian singer/actor/model na naging finalist ng dating ABS-CBN reality franchise na Pilipinas Got Talent Season 1.

Sa Twitter ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 17, may nagkomento na ang pinagkakaabalahan ni Markki nitong lockdown ay ang "manlalake."

Sabi pa ng kritiko ukol kay Mark, "beki yan."

Sumagot si Markki.

Hindi raw niya maintindihan kung bakit pinoproblema ng netizen ang kanyang sexual orientation.

"Can you tell me how this makes a person worse? Just inquiring.

"Is sexuality still a prejudice in this day and age? Why does homophobia stem from mostly women and other gay men? Please enlighten me.

"I want to know how long it will take before we can treat each other equality."

Twitter Comment: troll account questions Markki Stroem sexuality, Markki replies

Continue reading below ↓

ON basher TELLING HIM "MAGLADLAD KA NA KASI"

May sumunod na humirit na dapat ay "magladlad na" si Markki para matigil na raw ang isyu tungkol sa sekswalidad niya.

"Alam naman ng lahat about sayo. Confirmation nalang talaga ang hinihintay ng mga tao," sabi pa ng basher.

Hindi pa rin nagpatinag si Markki.

Hindi raw niya kailangang magpadala sa susog ng kanyang bashers.

"There is a word called RESPECT. No one deserves an explanation about anything in our lives!

"Do not allow anyone to tell you what to do and not to do.

"I will not stand by this bullying."

Twitter Comment: netizen tells Markki to admit his sexuality, Markki says he will not stand online bullying

Continue reading below ↓

ON BEING LINKED TO MARVIN AGUSTIN

Sumagot ulit ang kritiko para sabihin kay Markki na patuloy siyang maiuugnay sa kapwa aktor na si Marvin Agustin dahil sa espekulasyon sa kanyang sexual orientation.

Sabay ipinakita nito kay Markki ang dating viral photo kunsaan makikita umanong magkatabing natutulog sina Markki at Marvin.

Walang kumpirmasyon kung tunay ang larawan o peke at edited lamang gamit ang editing apps.

Sabi lang ni Markki sa kanyang basher, "I wish you so much healing in your life. I hope things work out for you. I genuinely pray for healing."

Twitter Comment: netizen brings up controversial photo with marvin agustin

Continue reading below ↓

"WE HAVE OUR OWN MONEY."

May isa namang netizen ang nagtanong kung ano ang koneksiyon ng bahay ni Markki sa mga bumabatikos sa kanyang sexual orientation.

May komento kasi si Markki na nilakipan niya ng kanyang litrato na kuha sa tapat ng isang puting two-storey house.

"Hello from my parents house. Have a wonderful day," sabi rito ni Markki.

Ayon kay Markki, hindi niya intensiyong ipamukha sa netizens na wala siyang pakialam sa mga opinyon ng mga ito dahil siya ay mayaman.

Tingin daw ni Markki, pinupuntirya ang kanyang pagkatao at kinukuwestiyon ang kapasidad niya para magtayo ng sariling negosyo.

Sabi ni Markki, "They don't think I have the money to pay for my own business.

"Sorry peeps, as much as I would all like to degrade me. We have our own MONEY."

Tila may kaugnayan ito sa Twitter post ng PEP.ph na naglalaman ng ulat tungkol sa inilunsad na clothing brand na co-owned ni Markki.

Continue reading below ↓

Doon kasi nag-iwan ng komento ang ilang netizens tungkol sa kanyang sexual orientation.

Twitter Comment: netizen asks the relation of markki's house to his sexuality, markki explains

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markki Stroem on bashers calling him gay: "There is a word called RESPECT. No one deserves an explanation about anything in our lives! Do not allow anyone to tell you what to do and not to do. I will not stand by this bullying."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results