Cristine Dacera's mother, relatives, Makati cops face multiple complaints from respondents

by Arniel C. Serato
Mar 25, 2021
Christine Dacera case March 25 2021 update
Sharon Dacera, mother of flight attendant Christine Dacera (in photo), is ready to face complaints filed by respondents in her daughter's case.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Nahaharap sa patung-patong na reklamo si Sharon Dacera, ang ina ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera, sa Makati City Prosecutor’s Office.

Bukod sa kanya, sinampahan din ng reklamo sa piskaliya ang ilang tauhan ng Makati police at ilang kamag-anak ni Sharon.

Ayon sa ulat ng The Philippine Star, isinampa ng abugadong si Mike Santiago ang dalawang magkaibang reklamo sa Makati City Prosecutor’s Office kahapon, March 24.

Si Santiago ang abugado nina Rommel Galido, John Pascual dela Serna III, Gregorio de Guzman, Clark Rapinan, at Valentine Rosales—ang lima sa respondents sa Dacera case.

Bukod sa kanila, kabilang din sa respondents sina Louie de Lima, Mark Anthony Rosales, John Paul Halili, Rey Englis, Jammyr Cunanan, at Ed Madrid.

Ayon kay Santiago, ginawa ng kanyang mga kliyente ang “all legal steps to defend themselves and restore their honor and dignity in the community.”

Hiniling ng kampo ng respondents na masampahan ng reklamong perjury, libel, cyber libel, slander, malicious prosecution, incriminating innocent persons, at intriguing against honor si Sharon, ang pinsan ni Sharon na si Katherine Anne Facelo, at ang doktor at kaibigan ni Sharon na si Marichi Ramos Fong.

Continue reading below ↓

Bukod sa kanila, damay rin sa reklamo ang tagapagsalita at abugado ng pamilya Dacera na si Atty. Roger “Brick” Reyes, Makati police acting chief Col. Harold Depositar, city police investigation unit chief Capt. Danilo Oamil, at ang imbestigador sa kaso na si Cpl. Louie Lopez, at si S/Sgt. Jun Alimurong.

Ayon pa rin sa ulat, sinampahan din nina Galido at Dela Serna ng unlawful arrest, illegal detention, unjust vexation, at grave coercion sina Sharon, Fong, Facelo, Depositar, Oamil, Lopez, at Alimurong.

Base sa 13-pahinang complaint-affidavit, inakusahan ng limang respondents si Sharon ng “shaming, embarrassing, at ridiculing.”

Ito ay dahil sa pagpupumilit umano ni Sharon na binigyan nila ng ilegal na droga at ginahasa nila si Christine bago ito pumanaw noong January 1, 2021, Bagong Taon.

Ito raw ang palaging sinasabi ni Sharon sa kanyang deklarasyon sa publiko at sa pahayag na isinumite niya sa pulisya, kahit na ayon sa medico-legal report ay namatay ang kanyang anak dahil sa ruptured aortic aneurysm.

Continue reading below ↓

CONSPIRACY?

Ayon pa sa reklamo ng mga respondent, lagi raw sinasabi ni Sharon na may foul play sa pagkamatay ni Christine.

Taliwas daw ito sa mga ebidensiyang inihain ng respondents sa piskalya, kasama na ang CCTV footage ng City Garden Grand Hotel kung saan nagdaos ng New Year’s Eve party sina Christine at mga kaibigan.

Inakusahan din ng respondents na nakipagsabwatan umano sina Facelo at Ramos-Ong kay Sharon sa pamamagitan ng pagsasabing nanlaban si Christine bago ito pumanaw dahil sa mga pasa at sugat sa maselang bahagi ng katawan nito, na maaaring dulot daw ng foul play at panggagahasa.

Nanindigan din ang respondents na malisyoso ang agarang pagsasampa ng reklamong rape with homicide ng Makati police officials at ni Reyes sa labing-isang respondents.

Ikinadismaya rin nina Galido at Dela Serna ang hakbang nina Sharon, Facelo, Fong, Depositar, Oamil, Lopez, at Alimurong sa pagsasampa ng reklamong panggagahasa, pagdedetine sa kanila ng pulisya mula Enero 1 hanggang 6, at sa pag-release ng kanilang cell phones noon lamang February 3.

Continue reading below ↓

“HAHARAPIN KO RIN SILA”

Handa naman daw si Sharon na harapin ni Sharon ang mga reklamong isinmpa laban sa kanya sa Makati City Prosecutor’s Office.

Sa text message na ipinadala nito sa News5 ngayong araw, March 25, sinabi ng ina ni Christine na naghihintay raw ang “mamamayang Pilipino buong mundo” sa tama at totoong hustisya para sa pumanaw na anak.

Buong mensahe ni Sharon sa News5: “Haharapin ko rin sila para mabigyan ng totoo at tamang hustisya ang pagkamatay ng anak ko.

"Kahit ang mamamayang Pilipino buong mundo [ay] nag-aantay sa tama at totoong hustisya na maibigay para kay Christine.”

Noong March 12, lumabas na patung-patong na kaso ang inirerekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban sa ilang kasamahan ni Christine.

Ang inirekomenda nilang makasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ay sina JP, Clark, Valentine, at Louie.

Ang mga inirekomenda namang sampahan ng obstruction of justice ay sina Mark, Rommel, JP, Gigo, Clark, Valentine aka Alain, Rey, at Darwin Macalla.

Continue reading below ↓

Si Darwin ay guest sa Room 2207.

Inirekomenda rin ng NBI na kasuhan ng perjury sina Rommel, JP, at Darwin.

Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na natukoy si Mark na nag-administer umano ng illegal drugs sa party.

Wala pang resolusyon hanggang ngayon ang DOJ sa rekomendasyon ng NBI tungkol sa Dacera case.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Dacera, mother of flight attendant Christine Dacera (in photo), is ready to face complaints filed by respondents in her daughter's case.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results