Maja Salvador recalls John Lloyd Cruz telling her when she was a newbie: "You don't belong here. Galingan mo kaya!"

by Rachelle Siazon
Mar 25, 2021
Maja Salvador on early days of her friendship with John Lloyd Cruz: "Alam mo yung bilang kuya, di ba, may ganun? Tough love. Kailangan mo i-push yung kapatid mo. Kailangan magpakitang-gilas yung kapatid mo."
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram / John Lloyd Cruz Facebook Fan Page

Inihayag ni Maja Salvador, 32, na ang pagkakaibigan nila ni John Lloyd Cruz, 37, ay nagsimula noong baguhan pa lang siya sa show business.

Una silang nagkatrabaho sa It Might Be You, ang prime-time series na pinagbidahan nina John Lloyd at Bea Alonzo mula December 2003 hanggang December 2004.

Iyon ang pinakaunang acting project ni Maja, na 14 taong gulang lang noon. Si John Lloyd naman ay 19 taong gulang noon.

Pareho silang talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Pareho rin sila ng handler na si Nenette Demillio.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Maja na hindi niya malilimutan ang insidenteng pamimikon sa kanya ni John Lloyd Cruz sa set ng It Might Be You.

Ani Maja: "Well, nasabi ko sa 'Coffee Talk' na episode yung may nagsabi na, 'You don't belong here.' Pero pa-joke lang kasi same handler kami.

"It was John Lloyd. Si Lloydie, parang [sabi niya], 'You don't belong here. Galingan mo kaya!'"

Continue reading below ↓

Sa vlog ni Maja noong June 2019, idinetalye niya na nakikipagkulitan daw siya noon sa set nang titigan siya ni John Lloyd at saka hiniritan ng: "Ang kulit mo. You don't belong here."

"Mangiyak-ngiyak" daw si Maja nang biglang tumawa nang malakas si John Lloyd, na waring sadyang pinikon lang siya.

Pero ayon kay Maja, nagmarka sa kanya ang sinabi ni John Lloyd dahil noong mga panahong iyon ay may agam-agam pa siya kung gusto niya ba talagang pasukin ang pag-aartista.

John Lloyd Cruz, Maja Salvador in It Might Be You

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph nitong 2021, ipinaliwanag ni Maja na ginamit niya itong hamon para pag-igihan ang kanyang pag-arte.

Nasaksihan daw kasi niya kung gaano kaseryoso si John Lloyd pagdating sa trabaho nito.

Paliwanag ni Maja: "Alam mo yung bilang kuya, di ba, may ganun? Tough love.

"Kailangan mo i-push yung kapatid mo. Kailangan magpakitang-gilas yung kapatid mo.

"Ta's after ng eksena, okay. Minsan may mga ganunan kaming dalawa. So, dun nag-start closeness namin.

"Siya yung isa sa mga dahilan kung bakit ko minahal ang acting, kung bakit ko binigyan ng sobrang laking pagpapahalaga yung craft na ito.

"Kasi saludo ako kung paano siya."

Halos tatlong oras nakakuwentuhan ng buong PEP.ph editorial team si Maja noong Marso 15, 2021.

SNUBBING JOHN LLOYD DURING ONE MORE CHANCE SHOOT?

Hindi sinasadyang nakabawi si Maja sa kunwa'y pagtataray kay John Lloyd.

Naganap ito nang muli silang magkatrabaho sa box-office hit na One More Chance noong 2007.

Continue reading below ↓

Bida rito muli ang tambalan nina John Lloyd at Bea, at gumanap si Maja na sandaling nobya ni John Lloyd sa pelikula.

Noong mga panahong ito ay sobrang close na raw sina Maja at John Lloyd.

Sabi ni Maja sa PEP.ph: "Before, ang tawag ko sa kanya is Tatay. Mga tatay, nanay... di ba may ganyan tayong tinatawag?

"So, ang tawag ko sa kanya, Tatay, kasi nagpapakatatay."

Kaya nang bigyan si Maja ng role bilang girlfriend ni John Lloyd, sinadya raw niyang huwag makipagkulitan sa aktor sa set ng One More Chance para matutukan ang kanyang karakter.

"Siyempre nasa set ako, di ko siya pinapansin.

"Siyempre Direk Cathy, istrikto yun, kapag di ka ready, kapag di ka naka-in character pagdating mo sa set, baka kung ano masabi niya.

"Ayaw mo naman talakan ka ng direktor, ayaw mo mapahiya."

Ang tinutukoy ni Maja na direktor ay si Cathy Garcia-Molina.

Takang-taka naman daw si John Lloyd sa pandedeadma ni Maja sa kanya.

Continue reading below ↓

Napapangiting kuwento pa ni Maja, "E, same dressing room kami nun.

"So, basa ako nang basa ng linya ko, kasi ang mga kukunan dun mabibigat na rin.

"Hindi ko siya pinapansin. Isang tanong niya, isang sagot lang ako. Hindi ako first nag-o-open ng conversation. Siya talaga. Tapos ako, 'Ahh, okay.' Ta's lalabas ako."

Maja as Trisha, John Lloyd as Popoy in One More Chance

Continue reading below ↓

Hanggang sa isinumbong daw ni John Lloyd ang inakalang pagsusungit ni Maja sa kanilang handler.

"Ta's after, nakatanggap ako ng tawag ng handler namin. 'Bakit di ka raw namamansin? Bakit daw ang sungit mo? Sinusumbong ka ng tatay mo.'

"Sabi ko, 'Nay, exactly. Sabi mo 'Tatay.' E, di ba, dyowa ko siya dito? Meron ba ditong tatay na hahalikan ko?' Hahaha!

"Pero siyempre kailangan ko ma-in love sa kanya. E, paano? Di ba, sobrang close nga kami. Tapos magdyowa kami."

STAYING FRIENDS WITH JOHN LLOYD

Ayon pa kay Maja, hanggang ngayon ay nananatili ang mabuting pagkakaibigan nila ni John Lloyd.

Parang nakatatandang kapatid daw ang turing ni Maja kay John Lloyd, na itinuturing naman daw siyang "little sister."

Kahit noong panahong lumayo si John Lloyd sa mundo ng showbiz, may pagkakataong nagkita pa sila ni Maja kasama ang handler nilang si Nenette.

Nangyari iyon noong November 2018.

Maja Salvador, JLC with handler Nenette

Continue reading below ↓

Nitong March 5, 2021, naging daan si Maja nang maglabas si John Lloyd sa PEP.ph ng official statement para linawin na wala siyang social media account.

Ito ay matapos maugnay kay John Lloyd ang isang verified Facebook page na gamit ang kanyang pangalan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on early days of her friendship with John Lloyd Cruz: "Alam mo yung bilang kuya, di ba, may ganun? Tough love. Kailangan mo i-push yung kapatid mo. Kailangan magpakitang-gilas yung kapatid mo."
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram / John Lloyd Cruz Facebook Fan Page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results