Janella Salvador pissed off when news about her pregnancy came out before telling her mom

by Bernie V. Franco
Mar 25, 2021
Janella Salvador reveals she was dismayed when her mom Jenine Desiderio found out about her pregnancy even before she told her via video call.
PHOTO/S: @superjanella and @j9desire on Instagram

Idinetalye ni Janella Salvador, 22, ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at kung paano ito lumabas nang labag sa kanyang kagustuhan.

Pinag-usapan ang lihim na pagbubuntis ni Janella noong nakaraang taon, at nagkaroon ng usap-usapan tungkol dito bandang August 2020.

September 2020 nang lumipad ang actress-singer, kasama ang boyfriend na si Markus Paterson, papuntang United Kingdom.

Isinilang ni Janella ang anak nila ni Markus na si Jude Trevor sa U.K. noong Oktubre 2020.

Pero noong January lamang kinumpirma nina Janella at Markus ang pagkakaroon nila ng anak.

Nagsalita si Janella tungkol sa kanyang kontrobersiyal na pagbubuntis sa podcast interview ng mag-asawang Slater Young at Kryz Uy noong March 19.

Sa podcast, inusisa si Janella kung bakit nagdesisyon siyang manganak sa U.K.

“Markus is a citizen of the U.K. We wanted him [Jude] to have both citizenships para, just like his dad, he can go back and forth,” sagot niya.

Hindi kailang inilihim noon ni Janella ang kanyang pagbubuntis at panganganak.

Continue reading below ↓

Marami raw dahilan kung bakit nagdesisyon siyang huwag itong ipaaalam kaagad sa publiko.

Sabi ni Janella, “One, at my age, it was kind of scary.

“Of course, I didn’t know I had to think about so many things, like, how am I gonna tell everyone?

“Of course, it’s not easy, especially at my age because there was a lot of criticisms, harsh criticisms.”

Alam din daw niyang hindi makabubuti ang stress sa kanyang pagdadalantao.

“I didn’t want the stress. I needed the peace and quiet to have a happy pregnancy.”

Giit ni Janella, wala silang intensiyong “hide him forever.”

TELLING HER MOTHER ABOUT her PREGNANCY

Ikinuwento rin ni Janella kung paano niya sinabi sa inang si Jenine Desiderio ang tungkol sa pagdadalantao niya.

Umamin daw si Janella sa ina sa pamamagitan ng video call.

“The funny thing is, people know this naman—my mom and I have always had like this unstable-ish relationship.

Continue reading below ↓

“I guess some people go through it,” pagtukoy sa away-bating relasyon nilang mag-ina.

“We’re not always okay. Sometimes it’s okay.

"It’s just highlighted because we’re in the limelight."

Pero bago pa man daw ito aminin ni Janella, nahulaan na ng kanyang ina ang maselang kundisyon niya.

“When I told her that I was pregnant, it was via video call lang.

“I was supposed to tell her in person, but because of the pandemic, it was lockdown, I couldn’t leave the house.

“So, I had to call her. I was so nervous,” pagbabalik-tanaw ni Janella.

Sabi pa niya, “I had to call her via video call and she was poker face lang.

“When I told her, ‘Mama, I need to tell you something,’ ganyan.

"And then she was, ‘What? You’re pregnant?' It was so scary.”

May teorya rin si Janella kung paano nakarating ito sa kanyang ina bago pa niya sabihin.

Continue reading below ↓

“Annoying” at na-“pissed off” daw si Janella na inunahan pa siya sa pagsasabi sa kanyang ina.

“I think she found out because of… I think may kumalat.

“The annoying thing is, before I was able to tell her…

“Because I told her when I was four months [pregnant] na.

“’Cause I was really nervous about it. I didn’t tell her agad. I was super nervous."

Pagbubunyag niya, “I already had my check-up when I went to the hospital.

“One of the interns, like, spread the news.

"So, it was kind of scary."

Sa usapan sa podcast, ipinuntong dapat ay may confidentiality sa detalye ng pasyente at ospital.

“Yes, exactly!” pagsang-ayon ni Janella.

“I was so pissed, honestly, ‘cause these are things that you would want to tell your family members personally.”

Samantala, hindi naman daw nagtagal ay naging mainit muli ang trato sa kanya ng ina at tinulungan siya nito sa kanyang pagbubuntis.

Continue reading below ↓

Nang lumipad sina Janella at Markus sa U.K. noong September 2020, hindi nagtagal ay sumunod doon si Jenine at ang 10 anyos na anak nitong si Russell.

Doon nanatili ang mag-ina hanggang sa panganganak ni Janella.

Bumalik sila sa Pilipinas noong February 2021 kasama ang sanggol ni Janella.

Samantala, tinanong din ni Janella kung may pagbabago sa takbo ng kanyang career bilang aktres ngayong isa na siyang ina.

Sagot niya, “I get many questions asking kung anong mga roles na yung makukuha ko. [Kung] tatanggapin ko puro mother roles.

“But that’s our job, like, I don’t have to be locked into this type of role.

“Because we’re actors and actresses. We’re supposed to act like people we aren’t.”

Hindi rin daw nagmamadali si Janella na makabalik sa trabaho dahil nag-a-adjust pa siya simula nang makabalik sa bansa.

“When I was in the U.K., I was super excited to get back to work.

Continue reading below ↓

“But now that I’m here, I realized it’s so hard pala to settle down.

“I really need more time to settle down,” paliwanag ng Kapamilya actress.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador reveals she was dismayed when her mom Jenine Desiderio found out about her pregnancy even before she told her via video call.
PHOTO/S: @superjanella and @j9desire on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results