Watch Now

Liza Soberano clarifies she's not engaged to boyfriend Enrique Gil yet

by Arniel C. Serato
Mar 26, 2021
Liza Soberano Enrique Gil engagement
Liza Soberano denies rumored engagement to boyfriend Enrique Gil: "I wouldn’t hide it."
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano / @kimweeebol_ on Instagram

“I wouldn’t hide it.”

Ito ang binigyang diin ni Liza Soberano sa isang netizen na nag-insinuate na engaged na umano ang Kapamilya actress.

Sa Twitter kagabi, March 25, nagpasalamat ang isang follower ni Liza sa isang DDS na netizen dahil kung hindi rito ay hindi raw lumabas ang salitang “fiancée.”

Ang “fiancée” ay tumutukoy sa babaeng engaged na sa karelasyong lalaki, na tinatawag namang “fiancé.”

Ang karelasyon ngayon ni Liza ay ang ka-love team niyang si Enrique Gil, 28.

Sabi ng netizen, “Pero pasalamat tayo kau Nafson…kasi di lumabas yung 'fiancee' if not of him [three laughing in tears emojis]

“may silbi din ang yawa [laughing in tears emoji]

“it took a DDS for the truth to come out [laughing in tears emoji]

“ilabas ang proposal video!!!!”Twitter Post: Netizen claims that Liza and Enrique are engaged

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot ito ng 23-year-old Kapamilya star upang linawing hindi pa siya engaged.

Sabi ni Liza, “I’m sorry to burst your happy bubble but if I was engaged, I would be loud and proud. I wouldn’t hide it [grimacing face, heart emoji]”

Twitter Reply: Liza Soberano clarifes that rumors are not true

LIZA-ENRIQUE RELATIONSHIP

Maglilimang taon na sa darating na Oktubre 2021 ang relasyon nina Liza at Enrique, o mas kilala sa kanilang mga tagahanga bilang LizQuen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang guest appearance sa defunct Sunday comedy show na Gandang Gabi Vice noong February 10, 2019, napaamin sina Liza at Enrique na dalawang taon na ang kanilang relasyon.

October daw sila nagse-celebrate ng kanilang anniversary. Ito ay nangangahulugang October 2016 naging sila—o tatlong taon mula nang una silang magtambal sa pelikulang She's The One, kasama sina Bea Alonzo at Dingdong Dantes.

Ipinalabas ang pelikula sa mga sinehan noong 2013.

Pagkatapos ng isang taon, noong October 2014, nabigyan sina Liza at Enrique ng kanilang unang teleserye, ang Forevermore.

January 2020, sa presscon ng kanilang teleserye na Make It With You, inamin ni Liza na ipinaglaban niya si Enrique dahil minor pa siya ang naging magkarelasyon sila ng aktor.

Sabi niya sa panayam ng media, “Seventeen lang ako nung naging kami, so ipinaglaban ko yung relationship namin. Kasi, bawal nga akong mag-boyfriend noon, pero matigas yung ulo ko!”

First boyfriend daw ni Liza si Enrique.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko sa daddy ko, ‘Masaya ako. Kung gusto mo akong maging masaya, papayagan mo ako.’”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano denies rumored engagement to boyfriend Enrique Gil: "I wouldn’t hide it."
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano / @kimweeebol_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results