Albert Martinez not closing doors on new relationship

by Arniel C. Serato
Mar 26, 2021
Albert Martinez on late wife Liezl Martinez: "Nag-struggle kami from scratch, yung relationship namin as husband and wife is so strong. Kaya naming labanan kahit anong itapon sa amin na problema.”
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

Anim na taon nang biyudo ang aktor na si Albert Martinez, 59.

Pumanaw ang asawa niyang si Liezl Martinez, sa edad na 47, noong March 14, 2015. Breast at lung cancer ang sanhi ng kamatayan ng dating aktres.

Sa panayam ng Tunay na Buhay ng GMA-7 na umere kagabi, March 25, inusisa ng host na si Pia Arcangel kung dumapo ba sa isipan ni Albert ang muling magmahal at mag-asawa.

Tugon ng aktor, “Right now, hindi pa siguro.

"But I'm not closing my doors. If someone comes along na will make my heart happy again, why not?

“But now, focus ko muna are my kids and my apos.”

Naulila rin ni Liezl ang tatlo nilang anak ni Albert na sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa Martinez. Mayroon na rin siyang tatlong apo mula sa dalawang anak na babae.

Sabi pa ni Albert tungkol sa kanyang mga anak, “Ang role ko talaga, makuha nila yung mga pangarap nila, to guide them. I was never a strict father to begin with.”

Continue reading below ↓

“SHE’S MY BEST FRIEND”

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na “you and me against the world” ang pinagdaanan nina Albert at Liezl sa kanilang relasyon noon.

Kontra noon sa kanilang relasyon ang ina ni Liezl na si Amalia Fuentes, na pumanaw na rin noong October 5, 2019.

Albert Martinez with late wife Liezl Martinez

Continue reading below ↓

Aniya, “Lahat ipinaglaban namin just to be together. Hindi ganun kadali yung mag-elope.

"Nag-struggle kami from scratch, yung relationship namin as husband and wife is so strong. Kaya naming labanan kahit anong itapon sa amin na problema.”

Ano ang nami-miss niya sa namayapang asawa?

Saad ni Albert, "She's my best friend. She handles everything for me.

"Ako lang, I go to work lang, that's it. The rest siya lahat na nagha-handle.

“She really took care of me so well.”

Ilan pa sa mga nami-miss niya ay ang conversations nilang mag-asawa.

Samantala, pagkatapos ng mahigit isang dekada, balik-Kapuso si Albert para sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albert Martinez on late wife Liezl Martinez: "Nag-struggle kami from scratch, yung relationship namin as husband and wife is so strong. Kaya naming labanan kahit anong itapon sa amin na problema.”
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results