Iñigo Pascual reacts to Maris Racal-Rico Blanco rumored romance: “We should be happy for them if they are together.”

by Bernie V. Franco
Mar 27, 2021
Iñigo Pascual (left) on Maris Racal and Rico Blanco: "Nung love team kami ni Maris, as in pinapakanta niya sa ‘kin yung mga kanta ni Rico.”
PHOTO/S: @inigopascual and @mariestellar on Instagram

Maging masaya tayo para sa kanila kung sila man.

Ito ang buod ng mensahe ni Iñigo Pascual, 23, kaugnay ng pagkaka-link ngayon nina Maris Racal, 23, at seasoned singer na si Rico Blanco, 48.

Si Iñigo na anak ni Piolo Pascual, ay dating ka-love team ni Maris.

Naugnay rin noon sina Iñigo at Maris at naging higit pa sa magkaibigan ang naging turingan.

Inamin ni Iñigo na nakaabot na sa kanya ang balita ukol kina Maris at Rico, pero wala pa naman daw kinukumpirma ang dalawa.

Pero noon pa man daw, alam na ni Iñigo kung gaano kalaki ang paghanga ni Maris kay Rico, na founding member ng bandang Rivermaya.

“Well, ako, wala naman akong masasabi pa at wala pa namang nagko-confirm or anything,” paliwanag ni Iñigo sa episode ng PopCinema ng Cinema One noong March 20.

“For me, kung sila, masaya ako kasi, siyempre, alam ko kung gaano ka-idol ni Maris iyon.”

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Iñigo, “And nung time na, di ba, nung love team kami ni Maris, as in pinapakanta niya sa ‘kin yung mga kanta ni Rico.”

Kaya naman daw masaya si Iñigo sa dating ka-love team dahil nakatrabaho at naging malapit pa sa iniidolo nito.

Sa katunayan, binati pa raw ni Iñigo noon si Maris nang magkaroon sila ng collaboration ni Rico.

Nag-duet sina Rico at Maris noong 2019 para sa kantang “Abot Langit.”

“So, even them being friends, and the fact na nagka-collab sila dati, parang supportive ako do’n.

“Kino-congratulate ko siya dahil alam kong sobrang idol niya iyon.”

Iginiit muli ni Iñigo na suportahan sina Maris at Rico kung totoong nagkakamabutihan na sila.

“And kung anuman yung balita, siguro we should all just be happy for them if they are together.

“I mean love is love. It’s a beautiful thing, and there are so many people in love na gano’n din yung sitwasyon.”

Continue reading below ↓

Tila ang ipinapahiwatig dito ni Iñigo ay ang malayong agwat ng edad nina Maris at Rico.

“So, if ever man, di ba, let’s be happy for them and wishing them all the best.”

Mainit na pinag-usapan sina Maris at Rico dahil sa birthday greeting post ni Maris para kay Rico noong March 17.

Ipinost noon ni Maris ang video duet nila ni Rico, at kapansin-pansin ang masayang ngiti ng dalawa habang kumakanta.

Hindi rin nakaligtas sa matalas na pandinig ng netizens ang romantic lyrics ng kanilang inawit na “Brighter Than Sunshine” ng Aqualung.

Maraming netizens, pati na rin mga artista, ang tumukso kina Rico at Maris.

Pero wala pa ring pagkumpirma o pagtanggi ang dalawa kung may relasyon na nga ba sila.

PAST ROMANTIC INVOLVEMENT OF MARIS-IÑIGO

Sina Maris at Iñigo ay nakilala sa bakuran ng ABS-CBN.

Naging love team sila at madalas na nagpe-perform noon nang magkasama.

Nagkatambal din sila sa mga pelikula, gaya ng I’m Ellenya L (2019) at Boyette: Not a Girl Yet (2020).

Continue reading below ↓

Sa kabila ng pag-uugnay sa kanila noon, hindi kinumpirma ng dalawa na nagkaroon sila ng relasyon.

Pero sa panayam ni Maris sa Tonight with Boy Abunda noong June 2019, ibinunyag niyang higit pa sa magkaibigan ang turingan nila ni Iñigo at totoong minahal nila ang isa’t isa.

Lahad niya, “Basta nag-stay lang kami sa more than friends."

Kinumpirma rin ni Maris na Iñigo “broke her heart,” pero naging “okay” rin naman sila sa paghihiwalay ng landas.

“We didn’t have time to really go out because of work. I guess minahal naman namin ang isa’t isa.”

Napagtanto raw kasi nila na magkaiba sila ng gusto at tinatahak na landas.

“Siguro like may changes na lang over one year kasi this time last year, love team, dami namin ganap together.

“Ngayon kasi, iba-iba kami ng gusto. Iba yung gusto niya, iba ang gusto ko, let’s just accept this,” saad noon ni Maris.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iñigo Pascual (left) on Maris Racal and Rico Blanco: "Nung love team kami ni Maris, as in pinapakanta niya sa ‘kin yung mga kanta ni Rico.”
PHOTO/S: @inigopascual and @mariestellar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results