Arabella del Rosario wants boyfriend Jimuel Pacquiao to be her love team partner

by Melba R. Llanera
Mar 28, 2021
Arabella del Rosario, Jimuel Pacquiao
"Napag-usapan namin na when it comes to love team, dapat kami lang," says Arabella del Rosario about the agreement she and boyfriend Jimuel Pacquiao had.
PHOTO/S: Arabella: Courtesy of Orabella Philippines / Jimuel: @pacquiao.emmanuel Instagram

Handa na si Arabella del Rosario sa mga isyung maaaring ipukol sa kanya ngayong inamin na niya ang relasyon nila ni Jimuel Pacquiao.

Matatandaang hindi biro ang intrigang pinagdaanan noon ni Heaven Peralejo, ang ex-girlfriend ni Jimuel.

Pinaratangan itong gold digger at may isyu pang lumabas na nanghingi diumano ng PHP100,000 si Heaven kay Jinkee Pacquiao na labis na inalmahan ng Kapamilya actress.

"Napag-isipan ko na rin yun. Ready na rin naman ako kasi like I said, kung di naman totoo, bakit ka naman maa-affected," pahayag ni Arabella sa virtual media conference ng Orabella Philippines nung March 26.

Ipinakilala si Arabella sa media bilang bagong endorser ng beauty care brand.

Para sa aktres ang mahalaga ay alam niyang hindi totoo ang mga isyu na maaaring ipukol sa kanya.

"Alam ko naman sa sarili ko yung totoo saka hindi. I mean nagkausap na rin kami ni Jim about that.

"Para sa amin okey lang kasi normal naman din kasi alam ninyo naman ang showbiz.

Continue reading below ↓

"Nagkakaintindihan naman kami and walang problema sa amin," patuloy pa ng 19-year-old actress.

JIMUEL'S SURPRISE BIRTHDAY

Sa nakaraang 20th birthday ni Jimuel ay nagkaroon ng surprise birthday party para rito sa pangunguna ni Arabella.

Ikinuwento ng aktres kung paano nila pinagplanuhan ito ng pamilya at ng mga kaibigan nila ni Jimuel.

"Actually yung story niyan sobrang funny. Yung kasabwat ko ay yung mga close, close friends ni Jim, 'tapos si Tita Jinkee din. Di niya alam na yung mga friends niya na nandun na.

"Dapat susunduin na niya ako, I was with my friends na rin and others outside his house waiting for him to leave the house. Parang pagdating niya, 'Surprise!' na nandun na pala kami.

"Nung on the way na siya sa bahay ko, tinawagan ko siya, sinabi ko sa kanya, 'Ay si Mommy na pala ang magdadala sa akin diyan.' Kaya bumalik siya sa bahay.

"Pagbalik niya, nandun na lahat kami na may hawak ng cake and surprise na balloons."

Continue reading below ↓

MEETING FAMILIES OF EACH OTHER

Tinanong din namin si Arabella kung kumusta ba ang relasyon niya sa pamilya Pacquiao at ang relasyon naman ni Jimuel sa pamilya niya.

"Okey naman. Sa mga siblings nila we hang out with Michael kasi recently nag-visit yung ibang mga cousins niya dito sa Manila fron GenSan, so nag-bonding-bonding kami.

"Magka-age kami nila Michael, 'tapos ni Jim, 'tapos kami.

"I also bonded with the other siblings, I met na rin si Princess, si Queenie, and of course si Israel.

"I met na rin his parents a couple of times and okay naman.

"Tanggap naman ni Mommy kasi nagpaalam naman si Jimuel sa kanya, very old-fashioned siya manligaw, as in pumunta siya dito sa bahay 'tapos nagpaalam sa mommy ko kung puwede akong ligawan.

"He spent spent naman a lot of times with my family even with my cousins, my titos and my ninongs and my ninangs.

Continue reading below ↓

"Lahat na-meet na niya and okey sa kanila. So wala namang problema," kuwento pa ng Kapamilya actress.

REAL AND REEL PARTNER

Kung ang ibang magkarelasyon ay hindi agad umaamin, taliwas naman ito ni Arabella na hindi itinanggi ang estado ng relasyon nila ni Jimuel.

"Napag-usapan na naman ni Jim yung bagay na ito. Para sa amin sure na pag you know mahal ninyo ang isa't isa, siyempre gusto ninyo naman na ipagmalaki, na di naman i-deny.

"Parang for us, our relationship is private but it's not a secret."

Bilang pareho ring taga-ABS at under ng Star Magic, ang gusto ni Arabella ay sila ng kasintahan sana ang ipareha o i-love team.

"Napag-usapan namin na when it comes to love team, dapat kami lang.

"Di lang dahil sa gusto namin ng ganun, napi-feel namin na di namin mabibigyan ng justice [kung sa iba napareha] kasi yun na ang nasa set ng mind namin.

Continue reading below ↓

"Sana kami na lang ang magka-love team," paliwanag ni Arabella.

Nilinaw rin ng baguhang aktres ang ispekulasyon ng iba na kaya pumayag na magpa-handle sa Star Magic si Jimuel ay dahil siya ang kumumbinsi dito.

"Hindi kami nag-meet through Star Magic. He got through Star Magic already without us knowing each other yet, so late pa kami nagka-meet and nagka-usap."

Bilang bagong brand ambassador ng Orabella Philippines, hihikayatin daw kaya ni Arabella na gumamit din ang boyfriend ng ineendorsong produkto?

"Of course, pero maganda rin naman ang skin niya. Pero of course dapat na i-maintain niya. Sasabihin ko sa kanya, 'I-try mo ang Orabella. Gaganda pa lalo ang skin mo.'"

Kahit na nag-aartista at bahagi ng Star Magic Circle Batch 2019, nag-aaral pa rin si Arabella ng kursong veterinary sa La Salle Araneta.

"Bata pa lang ako mahilig na talaga ako sa animals.

"Dati nung mas younger pa ako, nung bata pa ako, ang dami kong pets, lahat mayroon ako.

Continue reading below ↓

"Hedgehog, frogs, birds, fish, hamsters, guinea pig, rabbits, dogs, cats.

"Lahat mayroon ako.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Napag-usapan namin na when it comes to love team, dapat kami lang," says Arabella del Rosario about the agreement she and boyfriend Jimuel Pacquiao had.
PHOTO/S: Arabella: Courtesy of Orabella Philippines / Jimuel: @pacquiao.emmanuel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results