Albie Casiño replies to DDS who bashed him for expressing dismay about ECQ

by James Patrick Anarcon
Mar 28, 2021
Albie Casiño posts a screenshot of his Facebook post being sent to a DDS Facebook group. He said about this, “LOL. I GOT THESE HOES MAD MAD [laughing emoji]! ALAM NIYO NA GAGAWIN BOBOHAN PA RIN HAHAHA”
PHOTO/S: @thestallion09 on Instagram

Kinuyog ng ilang bashers ang isang Instagram post ng aktor na si Albie Casiño kahapon, March 27, 2021.

Ito ay matapos na punahin ni Albie ang mga bumoto sa mga nahalal sa posisyon matapos muling magdeklara ang Malacañang ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region at sa mga kalapit nitong lugar.

Magsisimula ang pagpapatupad ng ECQ sa Lunes, March 29, 2021 sa NCR+ bubble, kung saan kabilang ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Tatagal ito hanggang Linggo, April 4, 2021.

Ito ay dahil sa surge sa COVID-19 cases na halos 8,000 to 9,000 cases ang itinatala kada araw simula March 22, 2021 hanggang sa kasulukuyan.

Unang ipinatupad ang ECQ sa Luzon noong March 15, 2020. Matapos na kumalat at tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong June 2020, inilagay na ang Metro Manila at iba pang lugar sa GCQ o General Community Quarantine o ang bahagyang pagluluwag ng quarantine, kung saan bukas na muli ang karamihan sa establishments.

Continue reading below ↓

Nasa GCQ qualification ang Metro Manila hanggang ngayong araw, March 28, 2021.

Hindi naitago ni Albie ang pagkadismaya sa muling pagbabalik ng Metro Manila sa ECQ base sa kanyang selfie post sa Instagram.

Paglarawan niya sa kanyang mukha sa caption, “My face when they said ecq season 2.”

Dinaan naman ni Albie sa pagiging sarcastic ang kanyang pagbatikos sa gobyerno, kabilang na ang mga botante nila noong 2016 elections.

Pinaalalahanan din ni Albie ang kanyang followers na “vote wisely” sa 2022 presidential elections.

Patuloy ng Init Sa Magdamag actor, “Congrats to everyone who voted nung 2016 sana natutuwa kayo ngayon [laughing emoji] vote wisely sa 2022 #ecq #halalan2022

Albie Casiño EXCHANGES COMMENTS WITH BASHERS

Dahil sa post na ito ni Albie ay may ilang netizens na bumatikos sa kanyang post.

Ilan sa mga ito ay natukoy na tagapagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte, o kung tawagin ay Diehard Duterte Supporter (DDS).

Continue reading below ↓

Isa rito ang nagtanong kay Albie: "Control ba ng government officials ang virus? Galing mo din mg isip noh. Duh"

Sagot ni Albie (published as is), "imma hit you with some knowledge so try to understand if you can. They obviously don't control the virus but they do have control over how they handled the virus (we are LITERALLY THE WORDT COVID RESPONSE IN THE WORLD) our neighboring countries should be used as a measuring point look at them and compare to us. Now alam Kong bobo ka kasi DDs ka but if you still don't get it after this wala ka na pag Asa please don't breed"

IG Comment: DDS bashes Albie for expressing dismay about ECQ, Albie Casino hits back by asking DDS troll not to breed

Continue reading below ↓

Isang basher naman ang sinabihan si Albie na dapat daw “tamaan ng COVID” ang kanyang mga magulang o kaya’y “mamatay o maaksidente.”

Tila hindi ito sineryoso ni Albie kaya ang tanging naging sagot lang niya: “oink oink.”

IG Comment: DDS tells Albie deserves to die, Albie taunts DDS basher by replying oink oink

May isa pang netizen ang nagsabing "Sana mahawa ka para ma realize mo gaano impotante ipinapatupad nila"

Continue reading below ↓

Tugon ni Albie, "you and yo kids gon get it before me bro that's guarantee"

IG Comment: DDS wishes Albie to catch COVID-19, Albie Casino manifests the same wish to the basher

May isa ring basher ang hinanapan ng "ambag" si Albie o kung ano ang nagawa niya sa kasagsagan ng ECQ.

Sagot ni Albie, "I pay A LOT of taxes stupid that's my 'ambag' you bum [laughing emoji]"

Continue reading below ↓

Sumagot muli ang netizen at tinanong kung siya lang ba ang nagbabayad ng tax.

Balik ni Albie sa basher, "did I say that? You asked me stupid I answered, yan ambag ko g*g*."

IG Comment: DDS basher calls Albie stupid, Albie claps back

Dalawang netizens naman ang nagpalitan ng comments sa post ni Albie, na kinuwestiyon ang koneksyon ng paghikayat niyang “vote wisely” sa ECQ.

Continue reading below ↓

Ang isa ay walang profile picture habang ang isa naman ay nagsabing hindi siya DDS, pero mahina raw ang argumento ni Albie.

Sagot naman ni Albie dito (published as is), “f*ck*n retards everywhere. The point is if idiots dint vote for an incompetent president maybe our government would have been able to handle the situation better. If you guys still don’t get it that’s my problem anymore. Y’all probably won’t I mean you guys are obviously mentally challenged and that’s okay, it’s not your fault you guys dint receive a quality education not everyone can afford one”

IG Comment: DDS questions Albie for involving ECQ to elections, Albie calls basher a retard

Continue reading below ↓

Nagtuluy-tuloy naman ang pambabash kay Albie ng dalawang netizen pero hindi na ito pinatulan pa ni Albie.

Sa halip, sinagot ni Albie ang ilan sa kanyang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Isang follower ang nagpasalamat kay Albie dahil hindi siya “bulag at pipi” at hindi “takot ihayag ang saloobin tungkol sa politics.”

Sagot ni Albie, “why would I be scared of bashers? Not a single person talking shit here is doing better than me in life. They hate in my comments all they want but at the end of the day I’m winning and they’re not.”

Isang kaibigan naman ni Albie ang nagbiro na marami raw palang followers si Albie na ang paglalarawan lang niya ay emoji ng clown.

Sagot lang ni Albie, “diba? Like dude get off my page wtf”

IG Comment: Netizen tells Albie his page is infested with DDS trolls, Albie agrees; wants them to go off his IG

Continue reading below ↓

Ngayong gabi, March 28, ay nagpost ng screenshot si Albie sa kanyang Instagram stories kung saan naka-share sa isang group ang Facebook version ng kanyang post.

Makikita sa screenshot na ishinare ang kanyang post sa grupong nagngangalang “Ang Pagbabalik Namin Mga DDS @ SARAH DUTERTE 4 PRES.& Bise BBM PARA SA 2022”

Sabi naman ng nag-post, “Alam niyo na gagawin.”

Mahihinuhang tila pinapakuyog si Albie dahil sa pag-atake niya sa gobyerno.

Sabi lang ni Albie sa kanyang caption, “LOL. I GOT THESE HOES MAD MAD [laughing emoji]! ALAM NIYO NA GAGAWIN BOBOHAN PA RIN HAHAHA”

IG Story: Albie Casino posted screenshot from DDS page; calls the poster dumb

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño posts a screenshot of his Facebook post being sent to a DDS Facebook group. He said about this, “LOL. I GOT THESE HOES MAD MAD [laughing emoji]! ALAM NIYO NA GAGAWIN BOBOHAN PA RIN HAHAHA”
PHOTO/S: @thestallion09 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results