Andrea Torres not yet ready to fall in love after failed relationship with Derek Ramsay

by Arniel C. Serato
Mar 29, 2021
Andrea Torres on moving on
Andrea Torres on moving on: "Mag-focus ka sa sarili mo. Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa 'yo ‘tsaka mga bagay na hindi mo pa nata-try dati. I-discover mo pa yung sarili mo, kumbaga.”
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @andreaetorres on Instagram

“Masaya.”

Ito raw ang nananaig na pakiramdam ng puso ngayon ni Andrea Torres.

Pero hindi tinukoy ng Kapuso actress ang dahilan sa ni-level up na "slumbook question" ng The Boobay And Tekla Show (TBATS) nina Boobay at Super Tekla kagabi, March 28.

Pero kung susuriing mabuti, patungkol ang takbo ng tanungan sa hiwalayan ni Andrea at ex-boyfriend na si Derek Ramsay.

Nakapaloob din sa takbo ng panayam ang tungkol sa heartbreak at moving on.

Halos dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Andrea at Derek, na nagkamabutihan sa set ng kanilang GMA primetime series na The Better Woman (2019).

Naghiwalay ang dalawa noong October 2020 sa hindi pa rin nila tinukoy na dahilan.

Sa segment na “May Pa-presscon” ng TBATS, inusisa nina Boobay at Super Tekla kung ilang porsiyento iri-rate ni Andrea ang kaligayahan ng kanyang puso ngayon.

Nakangiting sagot ng 30-year-old actress, “Siguro nasa mga 8.5.”

May tips ba siya para mabilis makapag-move on mula sa masakit na hiwalayan?

Continue reading below ↓

Diretsong tugon ni Andrea, “Mag-focus ka sa sarili mo. Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa 'yo tsaka mga bagay na hindi mo pa nata-try dati.

“I-discover mo pa yung sarili mo, kumbaga.”

Handa na ba siyang magmahal ulit?

Sabi ng aktres, “Ako, hindi pa. Parang gusto ko… usually gusto ko pag ganito, binibigyan ko talaga ng time yung sarili ko para maging mag-isa.

"Para kapagka dumating yung next, all out ulit."

JEALOUS?

Sa pagpapatuloy ng panayam kay Andrea, naisingit ni Boobay ang tungkol sa “nakahanap na rin daw kasi siya ng iba.”

Bagamat walang binanggit na pangalan, malinaw na ang tinutukoy ay ang bagong girlfriend ni Derek at ang bago nitong girlfriend na si Ellen Adarna.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon noong February 26, 2021.

May nararamdaman ba siyang ni katiting na selos?

Buong ningning na sagot ni Andrea: “Wala.”

Nakaramdam ba siya ng panghihinayang sa naudlot niyang relasyon?

Continue reading below ↓

“Meron,” sagot ni Andrea.

Pero paglilihis niya, “Sa oras na nawala sa atin nung COVID, di ba? A, yung mga planong hindi natuloy.

“Ang dami kaya, ako ang dami kong... nung start pa naman ng 2020 na diniclare mo talaga na, ‘This is it.’”

Sa ngayon, abala si Andrea sa taping ng Legal Wives.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on moving on: "Mag-focus ka sa sarili mo. Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa 'yo ‘tsaka mga bagay na hindi mo pa nata-try dati. I-discover mo pa yung sarili mo, kumbaga.”
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto / @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results