Yasmien Kurdi dreams of staging a concert in Kuwait

by Rommel R. Llanes
Dec 12, 2007
Young actress Yasmien Kurdi wants to hold a concert in Kuwait, where she grew up.

Isa sa mga pinaplano at pinapangarap ni Yasmien Kurdi ay matuloy na ang matagal na niyang gustong idaos na concert sa kinalakhan niyang bansa, ang Kuwait. Dapat din sana ay magkakaroon siya ng concert sa Japan at sa Amerika early this year, pero dahil sa kabisihan ni Yasmien sa tapings at shootings ay hindi pa natutuloy hanggang ngayon ang mga planong ito.

Naging busy kasi si Yasmien sa dalawang back-to-back Sine Novela ng GMA-7. Una ay ang Pati Ba Pintig ng Puso na kaagad sinundan ng Pasan Ko ang Daigdig, kung saan ang rumored boyfriend niyang si JC de Vera ang parehong kapareha niya.

Sa pelikula naman ay pinagkaabalahan ni Yasmien ang entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival, ang Bahay Kubo na pinagbibidahan ni Maricel Soriano—na idolo ni Yasmien at ng kanyang ina.

Sa ngayon ay patuloy pa rin si Yasmien sa pagre-review ng kanyang mga pinag-aralan sa high school. Gustung-gusto ng singer-actress na maipagpatuloy ang pag-aaral at makapasok sa college.

Continue reading below ↓

Balak kumuha ni Yasmien ng International Studies sa darating na school year 2008. Plano niyang mag-entrance exam, although sa ngayon ay pinag-iisipan pa niya kung saang unibersidad siya papasok.

Read Next
Read More Stories About
Yasmien Kurdi
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Yasmien Kurdi wants to hold a concert in Kuwait, where she grew up.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results