Actress Krista Ranillo makes a daring comeback in "Crossroads"

by Dinno Erece
Dec 13, 2007
Actress Krista Ranillo has been away from the limelight for quite some time now, but she will soon be back on screen as she plays the lead female character in the indie film Crossroads.

Sa mga huling pagkikita namin ng aktres na si Krista Ranillo, in the arms na lang siya ng kanyang longtime boyfriend, GMA-7 in-house director Dominic Zapata. Masaya na siya ngayon na in the background lang at tila ipinagpalit ang showbiz for love.

Kaya nagulat kami nang tinanggap niya pala ang offer ng ATD Productions ni Allen Dizon na Crossroads, a movie intended for international release. Si Krista ang sumalo sa lead role na tinanggihan na noon nina Angelika dela Cruz and Wendy Valdez of Pinoy Big Brother. Sa panulat ni Dennis Evangelista, isang wannabe starlet ang papel ni Krista na papatusin ultimong mga caterer at legman makasama lang bilang ekstra.

Pero bago itong Crossroads ay lumabas din si Krista sa isa pang indie film this year, ang Chopsuey, na pinagbidahan ni Piolo Pascual.

We contacted director Dominic for some reaction about Krista's participation in Crossroads at ang unang text message niya sa amin, "The way she [Krista] explained it to me, hindi naman sexy talaga. Wala namang topless or torrid kissing scenes or anything like that."

Continue reading below ↓

Bumalik kami sa mismong scriptwriter para tanungin kung na-revise na ang script dahil ang pagkakaalam namin, isang topless scene ang dahilan ng pagtanggi nina Angelika at Wendy.

Nag-compromise na raw sila at inalis na ito, sagot sa amin ni Dennis.

Light lang naman daw kasi ang treatment, text message sa amin ni Direk Dom. "Besides, mas conservative [kaysa] sa akin si Krista when it comes to those things kaya malamang siya ang unang papalag bago pa ako mag-react," dagdag ng direktor ng Zaido.

Ikinukuwento rin daw ni Krista—anak ng aktor na si Mat Ranillo III—kay Direk Dom ang mga na-shoot nang mga eksena, so he is abreast.

Ayon kay Direk Dominic, "She did mention the love scenes [one with writer-actor Benjie Felipe, another one with Mon Confiado, and a third with Justin de Leon] and she explained how she refused to do some things. At least I know she was in control and wasn't forced to do things she didn't want to. I trust her judgment naman."

Continue reading below ↓

Kahit digital, hindi rin naman run-of-the-mill project ang Crossroads, na dating Paupahan na ginawang Sangandaan hanggang sa in-Ingles ang titulo. Big stars ang makakasama ni Krista sa pelikula. Si Ms. Gloria Romero ay gaganap bilang matandang nakatira sa tabi ng puntod ng asawa. At si German Moreno ay lalabas na isang matandang bakla na may alagang batang bakla na si Kirby de Jesus, isang hired killer na si Jay Manalo at ang asawang lukaret na si Angelu de Leon, at si Allen na isang bugaw.

Even the shooting days of the said movie ay hindi rin 'pito-pito'. Nang huli naming nakausap si Allen sa isang presscon na binigay ng Viva Artist Agency, naka-limang shooting na sila noon at may remaining 10 shooting days pa. Mainstream movies can be shot in as little as 11 days.

Ang last question namin kay Direk Dom, kung papanoorin niya ba ang pelikula ni Krista.

Continue reading below ↓

"Most definitely will," sagot niya.

Read Next
Read More Stories About
Krista Ranillo, Dominic Zapata
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Krista Ranillo has been away from the limelight for quite some time now, but she will soon be back on screen as she plays the lead female character in the indie film Crossroads.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results