Kakai Bautista’s camp questions validity of demand letter from Mario Maurer's "authorized attorney"

by Bernie V. Franco
Mar 30, 2021
Actress Kakai Bautista's camp releases official statement contesting the identity of the "authorized attorney" of Thai actor Mario Maurer.
PHOTO/S: @ilovekaye and @mario_mm38

Sinagot na ng kampo ni Kakai Bautista, 42, ang diumano’y cease and demand letter ng kampo ng Thai actor na si Mario Maurer, 32.

Noong nakaraang linggo, pinag-usapan ang kumalat na formal letter daw ng “Authorized Attorney” ni Mario.

Ang cease and demand letter ay pirmado ng nagpakilalang abogadong si Koraphot Jirachocksubsin, na kumakatawan sa Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd., ang talent management ni Mario.

Sa liham, inakusahan si Kakai ng panggagamit umano sa pangalan ni Mario para sa publicity, na nakasisira umano sa imahe at reputasyon ng Thai actor.

Tinawag pang “false and untrue” ng sinasabing abogado ni Mario ang mga pahayag ni Kakai sa kanyang previous interviews tungkol sa foreign actor.

Sa previous interviews ni Kakai, naging vocal siya tungkol sa pagiging malapit nila ng Thai actor.

Nagkasama noon sina Kakai at Mario sa pelikulang Suddenly It’s Magic (2012), at dito nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

Nagbabala rin kay Kakai ang “Authorized Attorney” ni Mario na magsasagawa sila ng legal na hakbang kapag hindi raw tumigil ang aktres sa pagsasalita tungkol kay Mario.

Continue reading below ↓

KAKAI’S CAMP FIRES BACK

Ngayong umaga ng Martes, March 30, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng official statement ng kampo ni Kakai hinggil sa isyu.

Ang liham ay mula sa legal counsel ni Kakai na si Atty. Jude Marfil ng Marfil & Associates Law.

Pirmado rin ang two-page official statement ni Kakai at manager nitong si Freddie Bautista para sa kanilang conformity at approval.

Isa-isang sinagot sa liham ang mga paratang ng “Authorized Attorney” ng kampo ni Mario laban sa komedyana.

CODEMNING THE CLAIMS

Kinokondena ng kampo ni Kakai ang mga paratang ng authorized attorney ni Mario.

“They are palpably without any factual and legal basis,” ayon sa legal counsel ni Kakai.

“Further, his claim that our Client [Kakai] ‘improperly exploited’ and made ‘false statements’ about Mr. Mario Maurer and his team already reek of libel, a crime punishable under Art. 353 of the Revised Penal Code of the Philippines,” lahad sa official statement.

Continue reading below ↓

Nakababahala raw na kumalat sa media ang isang private letter na inaakusahan si Kakai bilang “deceitful, lying, and exploitative woman.”

Nakalagay rin daw sa letter ng Thai lawyer ang personal information ni Kakai, gaya ng kanyang address.

Paninindigan din ng kampo ni Kakai, ang lahat ng pahayag na inilabas ng aktres sa kanyang previous interviews “are only based on truthful occurrences as substantiated by evidence and done without any malice or bad faith on her part.”

Ang mga pahayag daw ni Kakai ay “simple and truthful recollection of her personal experience in working with an international public figure such as Mr. Mario Maurer, whom she has so cherished and has held with high regard and respect.”

Idiniin ng counsel ni Kakai na si Mario ay isang public figure at hindi maaaring magreklamo sa natatanggap na publicity.

Malaya raw si Kakai na magsalita ng kanyang “experiences with Mr. Maurer.”

Hangga’t ang mga pahayag daw ni Kakai ay “based on truth and that she has not signed any non-disclosure agreement with Mr. Maurer and/or his agency, Ms. Bautista is very much free under our legal system to publicly talk about her experiences with Mr. Maurer, who is an international public figure.”

Continue reading below ↓

Nagdesisyon na rin daw si Kakai na putulin ang anumang ugnayan niya kay Mario “through all means and channels possible.”

May demand din ang kampo ni Kakai sa “authorized attorney” ni Mario na patunayan ang identity nito.

May formal demand din ang abogado ni Kakai sa authorized attorney ni Mario at sinumang kinatawan nito na tigilan ang paglikha ng anumang “unfounded and malicious claims” laban kay Kakai na idadaan sa media.

Hindi raw sila magdadalawang-isip na gumawa ng legal na hakbang—civil man o criminal actions—para protektahan ang kanilang kliyenteng si Kakai.

Kakai Bautista's camp official statement on Mario Maurer issue

Continue reading below ↓

KAKAI’S CAMP QUESTIONS CEASE AND DEMAND LETTER OF MARIO

Kinuwestiyon din ng abogado ni Kakai ang validity ng cease and demand letter dahil kumalat lamang daw ito via email, “does not bear any letterhead, mailing address, and contact number.”

Posible raw na may nagawang paglabag ang authorized attorney ni Mario dahil sa “unauthorized practice of law” sa Pilipinas dahil sa “contempt of court” na may parusang pagkakakulong.

Tanging “Filipino lawyers are allowed to practice law in our country,” alinsunod sa 1987 Constitution and the Rules of Court.

Sa panig ng abogado ng aktres, may nakikita raw silang paglabag na panig ng authorized attorney ni Mario sa ginawang paratang kay Kakai na may nilabag siyang batas at sa pag-exploit umano ng aktres sa pangalan ng Thai actor.

Kinumpirma rin ng abogado ni Kakai na nagsumite sila ng nine-page reply “Formal Demand for Proof Authority and to Cease and Desist ‘Authorized Attorney’” dahil lumikha raw ng ingay ang isyu at nabahiran ang reputasyon ng kanilang kliyenteng si Kakai.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Kakai Bautista's camp releases official statement contesting the identity of the "authorized attorney" of Thai actor Mario Maurer.
PHOTO/S: @ilovekaye and @mario_mm38
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results