Sharon Dacera condoles with Claire dela Fuente’s family amid court battle

by Arniel C. Serato
Mar 30, 2021
Sharon Dacera (left) to relatives of OPM icon Claire dela Fuente who passed away today, March 30: "My condolence[s] to their family too.”
PHOTO/S: Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News / Claire dela Fuente on Facebook

Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Claire dela Fuente si Sharon Dacera, ang ina ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera.

Si Christine ay natagpuang wala nang buhay sa hotel room na nirentahan niya at ng mga kaibigan nito para sa kanilang New Year's Eve party noong December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Tanghali ng Bagong Taon, natagpuang wala nang buhay si Christine.

Isa sa mga nakisaya sa party ay si Gigo de Guzman, anak ng namayapang singer.

Kabilang si Gigo sa labing-isang respondents sinampahan reklamo ng pulisya at pamilya Dacera.

Si Claire ay pumanaw ngayong Martes, March 30, dahil sa cardiac arrest. Siya ay 63 taong gulang.

Sa mensaheng ipinadala ni Sharon sa News5 ngayong araw, March 30, sinabi nitong alam niya kung gaano kasakit ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay.

Nakikidalamhati siya sa mga naiwang kapamilya at kaanak ni Claire.

Mensahe ng pakikidalamhati ni Sharon, "The Lord God is the most high.

Continue reading below ↓

"He is our Creator and Savior. God is always in control.

"It’s so hard to [lose] a loved one. I [felt] what they feel po.

"My condolence[s] to their family too.”

Sharon Dacera condolence message for Claire Dela Fuente family

Ang anak ni Claire na si Gigo mismo ang nagkumpirma sa pagpanaw ng ina dahil sa atake sa puso.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito, halos isang linggo na raw nakikipaglaban sa COVID-19 ang namayapang OPM icon.

Kahit si Gigo ay nahawaan din daw ng mapinsalang virus, pero asymptomatic siya.

Yun nga lang, hindi raw niya nasamahan ang ina sa huling mga sandali nito dahil nasa isolation siya.

Kuwento pa ni Gigo sa ABS-CBN News, "I myself, am also COVID positive but showing no symptoms. That's why I couldn't be beside her.

"Yeah, she was supposed to turn 64 this year. I don't know what else to say..."

Wala pang karagdagang detalye sa maaring gawing cremation sa mga labi ng singer.

Samantala, wala pang bagong detalye ukol sa kinakaharap na reklamo ni Gigo at iba pang respondents sa Christine Dacera case.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Dacera (left) to relatives of OPM icon Claire dela Fuente who passed away today, March 30: "My condolence[s] to their family too.”
PHOTO/S: Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News / Claire dela Fuente on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results