Gigo de Guzman gets hate message after mom Claire dela Fuente passed away

by Arniel C. Serato
Mar 30, 2021
Gigo de Guzman cries foul over hate message he received amid his mourning due to the passing of his mom, OPM icon Claire dela Fuente.
PHOTO/S: Chez Ganal

Walang patawad ang isang basher na nagpadala ng hate message kay Gigo de Guzman sa Instagram kahit kamamatay lamang ng ina nitong si Claire dela Fuente.

Pumanaw ang OPM icon na si Claire dahil sa cardiac arrest ngayong Martes ng umaga, March 30. Siya ay 63 taong gulang.

Nagpositibo rin si Claire sa COVID-19, pati na si Gigo. Pero asymptomatic daw si Gigo kaya naka-isolate lamang siya.

Sa kanyang Instagram Stories ngayong hapon, ibinahagi ni Gigo ang isang direct message (DM) na natanggap niya sa kanyang Instagram account.

Ayon sa kanya, ito ang mga bagay na kailangan niyang harapin kahit may pinagdadaanan siyang mabigat ngayon dahil sa pagkamatay ng ina.

Alam din daw niya kung kanino ito galing at sino ang may pakana nito.

Sabi ni Gigo sa caption: “This. This what I have to deal with.

“Alam natin lahat kung saan eto nanggaling ang kung sino may pakana neto.”

Continue reading below ↓

IG Story: Gigo De Guzman posts hate message amid mom Claire death

Wala mang direktang tinukoy si Gigo kung saan at kanino ito galing, pero posibleng mula ito sa sympathizer ng namayapang flight attendant na si Christine Dacera.

Si Christine ang flight attendant na pumanaw noong January 1, 2021 sa isang hotel sa Makati na pinagdausan nila ng New Year's Eve party.

Continue reading below ↓

Isa si Gigo sa mga dumalo sa pagtitipon.

Idinawit siya sa reklamong rape with homicide na isinampa ng Makati police sa Makati City Prosecutor’s Office.

Bukod sa kanya, may halos sampu pang respondents sa reklamo na nag-ugat sa kamatayan ni Dacera.

THE HATE MESSAGE

Sa ipinost na screenshot ni Gigo na mensaheng natanggap niya, halatang puno ng galit ang netizen na nagpadala ng mensahe.

Sabi nito (published as is), “RIP! Anong pakiramdam mo gigo na MAWALAN Ng Mahal SA buhay!!????”

Dagdag pa ng basher, dapat daw malaman ni Gigo ang pinaghuhugutan ng ina ni Christine na si Sharon Dacera kung bakit hindi ito tumitigil sa paghahanap ng hustisya sa kamatayan ng anak.

Sabi pa sa mensahe (published as is), “ngaun mo sabihn bakit hi Di tumigil si Mam.Shaton para makamit ang hustisya?

“Kayo kasama.ni tin Ng mamatay!!!

“ANG nanay.mo.gigo namatay na ikaw ANG kasama.o namatay mag isa?
“Wala.kng.sisihin dB kundi.sarili.mo!!!

Continue reading below ↓

"Na Stressd Ng bongga.”

IG Story: Gigo De Guzman calls out netizen who sent hate message

Nauna na rito, nagpaabot ng pakikiramay ang ina ni Christine na si Sharon sa mga naulila ni Claire.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigo de Guzman cries foul over hate message he received amid his mourning due to the passing of his mom, OPM icon Claire dela Fuente.
PHOTO/S: Chez Ganal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results