Kyline Alcantara admits recent heartbreak; says, "Dahil dun sa pain na yun, siyempre nabawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko."

by Rachelle Siazon
Mar 30, 2021
Kyline Alcantara, inaming may personal na hugot ang kanyang IG quote card kamakailan: "I mean, like, kasi dati, kumbaga, I'm gonna tear down my walls for you. But now, now that I know my worth, now that I realize ang mga bagay-bagay..."

Inamin ni Kyline Alcantara, 18, na may dinaanan siyang pagkabigo sa pag-ibig kamakailan.

Ito ay matapos tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit tila may hugot ang kanyang Instagram post na tila nagpapahiwatig na napaso siya dahil sa lubos na pagtitiwala niya sa isang tao.

Sabi sa quote card niya noong March 16: "I'm not tearing down my walls for anyone again. You want to know what's inside? Climb."

IG Photo: Kyline Alcantara post on guarding her heart

Continue reading below ↓

Bakit gwardiyado na ang puso niya ngayon?

Sagot ni Kyline sa PEP.ph, "Obviously, kasi nasaktan ako. Yun talaga yun. That's why I'm guarding my heart right now.

"With that pain, I saw my worth. I mean, like, kasi dati, kumbaga, I'm gonna tear down my walls for you.

"But now, now that I know my worth, now that I realize ang mga bagay-bagay..."

Sabay pigil ni Kyline sa sarili, "Oh my gosh. I don't wanna spill anything."

Ayaw niyang diretsahang tukuyin kung sino ang dahilan ng kanyang heartbreak.

Sabi lang ng aktres, "Sabi ko nga kanina, pinahahalagahan ko na ang privacy."

"Dapat mas mahal ka ng lalaki."

Nitong Martes ng hapon, March 30, nakapanayam ng PEP.ph si Kyline sa virtual presscon para sa "#Future" episode ng Kapuso drama anthology na I Can See You.

Inamin ni Kyline na alam ng ilan sa kanyang mga katrabaho ang kanyang mga napagtanto tungkol sa pag-ibig.

Continue reading below ↓

Kabilang dito si Gabby Eigenmann, pati na ang director nila na si Dominic Zapanta, na pinayuhan si Kyline kung paano pumili ng lalaking mamahalin.

Paliwanag pa rin ng aktres sa PEP.ph: "Well, kasi, marami nagsasabi sa akin, si Direk Dom ina-advise-an niya ako.

"Sabi niya sa akin, 'Dapat mas mahal ka ng lalaki.'

"I agree with that. But at the same time, hindi rin ako nag-a-agree dun."

Bigay-todo raw kasi si Kyline kung umibig.

"Kasi, just like what Miguel said, hindi ko iniisip kung sino bang may mas mahal, kung sino ang mag-e-effort.

"Kumbaga, iniisip ko lang kung ano ang maibibigay ko dun sa relationship.

"He's correct din na kailangan kumpleto ka pag papasok ka sa relationship."

Nabanggit ni Kyline ang co-star na si Miguel Tanfelix dahil naunang tinanong ng PEP.ph si Miguel kung ano ang standard nito pagdating sa pag-ibig.

BUILDING HER SELF-worth AGAIN

Sa ngayon, wala pa raw sa isip ni Kyline ang sumabak sa isang relasyon.

Continue reading below ↓

Mas tinututukan daw niya ang pagkakaroon ng relasyon sa Diyos matapos ng kanyang heartbreak.

Paliwanag ni Kyline: "Yes, because siyempre, dahil dun sa pain na yun, siyempre nabawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko.

"Siyempre nabawasan yung confidence sa sarili ko. Siyempre nabawasan yung worth ko na iniisip ko sa sarili ko.

"I realized na mahahanap ko lang yun sa isang tao—sa ating Panginoong Diyos na sobrang minamahal tayo.

"Kahit nagkaroon tayo ng kasalanan and everything, nandiyan pa rin Siya to accept us wholeheartedly."

Sa susunod na siya ay magmahal muli, alam na raw ni Kyline kung ano ang mahalagang katangiang hahanapin niya sa isang potential boyfriend.

"At a very young age. Naisip ko na kailangan gwapo, kailangan chinito, kailangan matangkad, kailangan mukhang Koreano.

"Pero kasi I'm at a phase right now na hindi na talaga ako tumitingin sa pisikal.

"Mas tumitigingin ako sa ugali, sa kung gaano ako bina-value ng tao na yun, sa kung gaano ako ina-appreciate ng tao na yun."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara, inaming may personal na hugot ang kanyang IG quote card kamakailan: "I mean, like, kasi dati, kumbaga, I'm gonna tear down my walls for you. But now, now that I know my worth, now that I realize ang mga bagay-bagay..."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results