Kakai Bautista responds cooly to “baka maduwal si Mario” comment on her bikini photo

by Bernie V. Franco
Mar 31, 2021
Kakai Bautista has witty response to netizen who body-shamed her for posting a daring beach photo on Instagram: “Kung ikakasaya mong ibash ako at ayan ang paraan ng pagcope mo [sa] pandemic sige lang."
PHOTO/S: @ilovekaye on Instagram

Hindi pinalampas ni Kakai Bautista, 42, ang below-the-belt na pang-aalipusta ng isang netizen sa kanyang pagkatao.

Insensitibo ang komento ng netizen na nandamay pa sa Thai actor na si Mario Maurer, na dawit ngayon sa isyung kinasasangkutan ni Kakai.

Noong nakaraang linggo, kumalat sa social media ang formal letter diumano ng “authorized attorney” ng kampo ni Mario.

Nakasaad sa liham ang panawagan kay Kakai na huwag gamitin ang pangalan ni Mario sa interviews ng komedyante dahil nakasisira umano ito sa imahe ng Thai actor.

Kahapon, naglabas ng sagot ang kampo ni Kakai sa kumalat na cease-and-demand letter ng Thai actor.

Pinasinungalingan ng kampo ni Kakai ang mga paratang sa kanya.

Sa gitna ng isyung ito, naging sunud-sunod ang posts ni Kakai na nasa beach.

Sa isang Batangas beach kasi ang lock-in taping ng kinabibilangan niyang teleserye, ang First Yaya.

Pero kahit sa social media, hindi nakaligtas si Kakai sa batikos ng netizens.

Continue reading below ↓

KAKAI BODY-SHAMED

Sa isa sa kanyang Instagram posts, ipinost ng aktres ang kanyang larawang nakatagilid at nakasuot ng one-piece black swimsuit.

Revealing ang shot ni Kakai at base sa caption ay gusto niyang ipakita ang kanyang kaseksihan.

Instagram Photo: Kakai Bautista in bikini

Nagsunud-sunod ang komento ng mga artista at magiliw namang nakipagbiruan si Kakai.

Kabilang dito ang kanyang co-stars na sina Sanya Lopez, Thia Thomalla, at Maxine Medina.

Continue reading below ↓

Nagkomento rin sina Patricia Tumulak, Sherilyn Tan, Alexa Ilacad, at ang ama ni Alden Richards na si Richard “Daddy Bae” Faulkerson.

IG Comments: Celebrities reply on Kakai bikini photo

May mga supporters din si Kakai na pumuri sa kanya.

Pero may isang basher na nakaagaw sa pansin ng komedyana at sinagot niya ito.

Nagkomento muna ang isang supporter: “Maglaway ka ngayon Mario Maurer [laughing with tears emoji].”

Continue reading below ↓

Sumagot ang isang netizen na nanlalait kay Kakai.

Comment ng netizen: “haha baka maduwal si Mario [fire emoji].”

Maagap na sumagot ang ibang netizens at tinawag na “foul” ang komento ng basher.

Hinimok pa nila ang basher na magpakita ng suporta kay Kakai dahil kababayan niya ito.

Nakipagsagutan naman ang basher at inakusahan ang netizens na baka mas grabe pa ang panlalait na ginawa nila sa mga artistang ayaw nila.

IG Comments: Netizen tells Mario Maurer will be disgusted

Continue reading below ↓

IG Comment: Fan defends Kakai from the basher

Sumagot na rin si Kakai sa kanyang kritiko.

Malumanay ang sagot ng komedyana na hinaluan pa niya ng biro.

Ituloy lang daw ng basher ang pamba-bash kung ito ang ikasisiya nito, pero huwag daw sisisihin si Kakai kung may mangyari ritong masama dahil sa kanegahan.

Komento ni Kakai, “Nay akap.

Continue reading below ↓

“Kung ikakasaya mong ibash ako at ayan ang paraan ng pagcope mo [sa] pandemic sige lang. Go lang.

“pero hindi ko sagot ang pang ospital mo kapag umapaw ang hatred mo sa puso at biglang pumitik yan ah.

“Stay safe. [praying hands emoji]”

IG Comment: Kakai Bautista responds to basher

MARIO BASHED FOLLOWING RECENT ISSUE WITH KAKAI

Samantala, kung titingnan ang Instagram account ni Mario, mapapansing naglipana ang batikos sa aktor nitong mga nakalipas na araw kaugnay ng isyu kay Kakai.

Continue reading below ↓

Pinuna ang Thai actor dahil sa sinasabing cease-and-demand letter laban kay Kakai mula sa kanyang kampo.

Banat ng iba, hindi raw maganda ang ginawa ni Mario kay Kakai, na isang mabuting tao.

Sana raw ay nakipag-usap na lang ang aktor kay Kakai sa halip na umabot pa ito sa usapang legal.

Walang sinagot si Mario sa alinman sa mga komentong laban sa kanya.

Nagkatrabaho sina Kakai at Mario sa pelikulang Suddenly It’s Magic (2012) at doon sila naging close.

Pero may mga indibidwal na binigyang kulay ang pagiging malapit nila dahil vocal din si Kakai sa closeness nila kapag nai-interview.

Noong 2016, bumalik si Mario sa Pilipinas para sa isang commitment, at dito ay muling nagka-isyu dahil daw pinagbawalan si Kakai na makalapit kay Mario.

Hindi ito nagustuhan ni Kakai at nag-post ito tungkol dito via social media.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista has witty response to netizen who body-shamed her for posting a daring beach photo on Instagram: “Kung ikakasaya mong ibash ako at ayan ang paraan ng pagcope mo [sa] pandemic sige lang."
PHOTO/S: @ilovekaye on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results