Ion Perez pens heartfelt birthday message for Vice Ganda: “Basta mahal kita sagaaaad!”

by Arniel C. Serato
Mar 31, 2021
Vice Ganda birthday
Ion Perez to partner Vice Ganda: "Sa bawat umagang dumidilat ang mga mata ko na ikaw ang unang nasisilayan walang pagsisi na ikaw ang aking lubos na minahal at mamahalin pa!" Vice is celebrating his 45th birthday today.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @pereziion27 on Instagram

Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Ion Perez sa Instagram para sa kaarawan ng kanyang karelasyong si Vice Ganda.

Ngayong araw, March 31, ang ika-45 kaarawan ng TV host-comedian.

Sa kanyang in-upload na larawan ni Vice, makikitang nasa isang bahagi ng yate ang Unkavogable Star suot ang isang pink one-piece bikini.

Maaring lumang kuha na ito sa mga dati nilang beach adventures o maaring bagong larawang kuha ito ni Vice.

Sabi niya sa caption (published as is): “O ayan ha ang balak mong mag swimsuit uunahan na kita diba sexy ni Vakla!

“Anyway eto na ang matagal niyong hinihintay aaminin kuna sa inyong lahat na si TUTOY at si NUNOY in RELATIONSHIPS na!

“Akala nyo diyan ha (three laughing on floor, peace sign emojis)

“happy birthday tuy! I love you sooo mucccch!”

Tutoy ang palayaw ni Vice noong kanyang kabataan.

“MINAHAL AT MAMAHALIN PA”

Matapos nito, personal na in-address ni Ion ang kasunod niyang mensahe sa partner.

Continue reading below ↓

Labis daw niyang ipinagpasalamat na si Vice ang kanyang napiling mahalin at mamahalin pa.

Sabi pa ni Ion, “Ps: sa bawat umagang dumidilat ang mga mata ko na ikaw ang unang nasisilayan walang pagsisi na ikaw ang aking lubos na minahal at mamahalin pa!

“Lagi kong sinasabi sayo hanggat kaya kong ingatan ang puso mo iingatan ko hanggang sa huli mahal na mahal kita tuy! (three heart, bouquet of flowers, tulip flower emojis)”

Sa video namang in-upload niya, muling ibinahagi ni Ion ang mga video clips nila ni Vice na kuha sa It’s Showtime noong bago pa lamang ang kanilang relasyon.

Sinasaliwan ito ng spoken poetry tungkol sa pag-ibig.

Caption niya: “Basta mahal kita sagaaaad!”

Magdadalawang taon na ang relasyon nina Ion at Vice sa darating na October 2021.

Marami man ang nagduda dati sa totoong intensiyon ni Ion sa komedyante, pero napatunayan naman ng binata na mahal at nirerespeto niya si Vice.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez to partner Vice Ganda: "Sa bawat umagang dumidilat ang mga mata ko na ikaw ang unang nasisilayan walang pagsisi na ikaw ang aking lubos na minahal at mamahalin pa!" Vice is celebrating his 45th birthday today.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @pereziion27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results