Tourist in Siargao posts about Andi Eigenmann turning down photo op requests; Andi responds

by Bernie V. Franco
Apr 1, 2021
Andi Eigenmann appeals to tourists ni Siargao who barge in their house to see her: "Hindi naman po pinatayo yung bahay namin para pasukin,”
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram

“Sana you would also understand na tao lang din kami kagaya niyo.”

Parte ito ng mahabang paliwanag ni Andi Eigenmann, 30, matapos siyang punahin ng isang bakasyunista sa Siargao.

Kasalukuyang nakabase sa Siargao si Andi, kasama ang asawang surfer na si Philmar Alipayo at dalawa nilang anak: sina Lilo, one year old; at Koa, two months old.

Ang panganay ni Andi ay si Ellie, 9, anak niya sa dating karelasyong si Jake Ejercito.

Nagsimula ang isyu nang mag-share ng karanasan ang isang lalaking bakasyunista sa isang travel group sa Facebook.

Himutok ng bakasyunista, pumunta siya at mga kasamahan niya sa Siargao.

Dalawang beses daw nilang hiniling kay Andi na makunan ng picture kasama siya, pero tinanggihan sila ng aktres.

Bungad ng bakasyunista, hindi raw para i-“discredit” si Andi ang pagsi-share niya ng post.

“We just want to know if the humble Andi on social media is the same as Andi in real life…” sabi ng lalaki.

Continue reading below ↓

“Because I and my guests experienced that we wanted to take a picture with her twice but she didn’t allow us.”

Excited daw silang makapagpa-picture kay Andi dahil sinusubaybayan nila ang love story nito at ng asawang surfer, pero kabaliktaran daw ang naranasan nila.

Nang-usisa ang bakasyunista kung mayroon siyang parehong karanasan kay Andi.

ANDI SPEAKS UP

Ipinost ni Andi ang screenshot ng post na ito sa kanyang Instagram Story nitong Miyerkules, March 31.

Caption niya (published as is): LETS FINALLY ADDRESS THIS!”

IG Stories: Andi Eigenmann speaks about tourist claim on turning down photo ops

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay ang sunud-sunod na video clips ni Andi kung saan sinagot niya ang isyu.

Diplomatiko ang pagsasalita ni Andi at may mga pagkakataong natatawa pa siya.

Akala raw ni Andi, mauunawaan siya ng mga tao sa pagtanggi niyang magpa-picture mula nang talikuran niya ang showbiz noong 2017.

“But then, now I understand na that’s not the case because of our YouTube channel,” pahayag ng anak ni Jaclyn Jose.

“And the last thing I want is for you guys to misinterpret it or think that it means I don’t appreciate all of your support.”

Hindi man aktibo sa showbiz si Andi, aktibo siya sa paggawa ng YouTube videos kasama ang kanyang pamilya.

Ikinatutuwa raw nilang maraming sumusuporta sa kanyang videos na kinukunsiderang "stress reliever” ng viewers.

“We love knowing and I find it amazing that there are a lot of you that think that a life out here is something to admire, or something to achieve for yourselves.”

Continue reading below ↓

Nakiusap si Andi ng pang-unawa dahil malayo na ang buhay niya kumpara noong nasa showbiz pa siya.

Bakas sa mga pahayag ni Andi na gusto niya ng simpleng pamumuhay.

Hindi rin daw patas na sabihan siyang huwag nang lumabas kung ayaw niyang pagbigyan ang hiling na makapagpa-picture kasama siya.

“I also hope that you understand that I’m human also.

“There are a lot of reasons why I moved here in the island, one of that is the peace, and simplicity, and being able to enjoy this paradise for what it is.

“Parang ang daya naman kung sabihin niyo sa ‘kin, ‘Kung ayaw mong magpa-picture, ‘wag kang lumabas,'” natawa niyang hirit.

“Pa’no ako hindi lalabas?”

Nilinaw rin ni Andi na hangga’t kaya ay pinagbibigyan niya ang mga photo op requests.

May mga pagkakataon nga raw na “minsan buong time ginawa lang namin… is makipag-selfie.”

Pero hindi naman daw sa lahat ng oras ay pwede niyang pagbigyan lahat dahil may mga rason siya kagaya ng pagmamadali.

Continue reading below ↓

“Sana you would also understand na tao lang din kami kagaya niyo.

“Marami rin kaming responsibilities and kailangang gawin, especially we have three kids," paliwanag niya.

IG Stories: Andi Eigenmann explains her side

Sa puntong iyon, nagsalita rin si Andi tungkol sa ibang mga bakasyunistang nagpupunta sa isla at basta-basta na lang pumapasok sa kanilang bahay.

“We also know that the island is small and it’s so easy to look for our house.

Continue reading below ↓

“Naiintindihan namin na maraming pumapasok sa bahay namin kasi wala pa kaming gate.”

Kinlaro rin ni Andi na wala pa silang balak gawing B&B (bed and breakfast) destination ang kanilang bahay.

“That is not yet going to happen. We don’t know yet when.

“We’re still enjoying this place, our home.

Pakiusap ni Andi, “Di ba, pag nasa bahay kayo, it’s a place of rest and just a private property?

“So I hope you guys don’t get offended when we get shocked when you go inside, or ask us for pictures while were having lunch, or we have just woken up.”

Katuwiran ni Andi, “Honestly, we’re super happy you want to meet us, or you want to see us when you go here in Siargao.

“Pero hindi naman po pinatayo yung bahay namin para pasukin!” natawang sabi ng aktres.

Sana raw ay irespeto ang privacy nila at ang kanilang tahanan.

“I really, really hope you guys respect our privacy and realize that we’re also humans and we need our to feel when we’re home, we need to feel that we are safe, and that it is a place that we can enjoy being with each other and family.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann appeals to tourists ni Siargao who barge in their house to see her: "Hindi naman po pinatayo yung bahay namin para pasukin,”
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results