Ai-Ai delas Alas recalls painful love life as the other woman: "Mahirap maging Cavite City."

by Rachelle Siazon
Apr 2, 2021
Ai-Ai delas Alas on painful love life as the other woman: "Totoo yun, na parang minamalas ka, parang mabigat ang buhay. Yun ang isang natutunan ko."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

Aminado si Ai-Ai delas Alas, 56, na may mga pagkakamali siyang nagawa noon sa ngalan ng pag-ibig.

Hindi kaila sa publiko na may dalawang naunang asawa si Ai-Ai, at parehong bigo ang relasyon niya sa mga ito.

Pero walang halong pait nang ilarawan ni Ai-Ai ang hirap na dinaanan niya noon.

"Unang-una, yung makulay kong buhay. Nakailang husband ako bago naging maayos ang buhay ko ngayon kay Gerald," bungad ni Ai-Ai.

Ang tinutukoy niyang Gerald ay ang kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Patuloy ni Ai-Ai, "Yung dalawa na yun, medyo hindi maganda. Pero siyempre nag-move on na tayo.

"Hindi naman lahat yun, kasalanan nila, e. Siyempre may kasalanan din tayo.

"Bukod sa nag-move on tayo, kailangan meron ako matutunan doon sa mga experiences na yun.

"Yun ang naisip ko kapag tinatanong ko, 'Bakit kaya nangyayari ito sa akin? Ah, siguro kailangan meron ako matutunan sa experiences ko na nangyari."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa Lenten special ng "Anong Chika Today?" sa PEP Voice Chat Room sa Calamansi Pinoy Voice Chat App noong Miyerkules, March 31, 2021.

Continue reading below ↓

AI-AI ON BEING AN UNINTENTIONAL MISTRESS

Partikular na idinetalye ni Ai-Ai ang sa tingin niya ay may pagkakasala siya—ang pagpatol niya sa lalaking may asawa na.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang first husband na si Miguel Vera.

Ikinasal sila sa huwes noong 1989, pero huli na nang malaman ni Ai-Ai na mayroong legal wife si Miguel.

Balik-tanaw ni Ai-Ai: "Nung mga panahon na alam ko dati, may asawa na yung naging karelasyon ko, ipinilit ko pa rin, which is dapat hininto ko na.

"Kaya lang minsan matigas ang ulo natin. 'Ah, kasi may anak ako.' May pinaglalaban ka, e.

"Pero, actually, kahit gano'n, mali ka pa rin kasi may asawa yung taong pinatulan mo.

"Kaya kahit may anak ka, gano'n talaga. Yun ang pinili mong desisyon, e."

Pitong taon ang itinagal nila ni Miguel. Dalawa ang naging anak nila—sina Vito at Sofia.

Ang panganay ni Ai-Ai na si Sancho ay anak ng komedyana sa isang dating kasintahan.

Continue reading below ↓

Mabigat na pasakit daw ang inabot ni Ai-Ai dahil sa pagpilit niyang manatili sa maling pagsasama.

Pag-amin ni Ai-Ai: "Ay, yes. Mahirap maging Cavite City."

Ang "Cavite City" ay urban lingo para sa salitang kabit.

Dagdag ni Ai-Ai: "Totoo yun, na parang minamalas ka, parang mabigat ang buhay.

"Yun ang isang natutunan ko. Kailangan hindi ako dumaan dun—although marami akong natutunan—kaya hindi mo na dapat uulitin."

Tuluyang naghiwalay sina Ai-Ai at Miguel noong 1996.

Mabilis bang nakapag-move on si Ai-Ai?

Sagot niya: "Matagal ako makalimot. Yung relationship ko sa first, naka-recover ako after seven years.

"Mukha lang ako hindi apektado kasi, siyempre, yung trabaho ko, komedyante. Hindi naman ako binabayaran para umiyak nang umiyak sa telebisyon.

"Komedyante ako, nagpapasaya ako ng tao, pero deep inside me, mahirap talaga.

"Pero nilalakasan ko yung loob ko. Natutuwa ako sa sarili ko sa part na yun na naging malakas ako."

AI-AI's PRAYER WHEN HEARTBROKEN

Ayon kay Ai-Ai, ang matitinding heartbreaks niya ang talagang sumubok sa tibay ng kanyang loob.

Continue reading below ↓

"Ewan ko kung ako lang ito, pero I think karamihan sa atin, ang usaping pag-ibig ang isa sa pinakamahirap na pinagdadaanan. Sa totoo lang, di ba?

"Kasi ang pag-ibig, masakit, 'tapos di mo alam kung saan nanggagaling ang sakit.

"Sa heart, di mo puwede i-forward na tape recorder. Dadaanan mo siya talaga."

Ano ang dasal niya kapag pinanghihinaan siya ng loob?

Sagot ni Ai-Ai: "Parang nakikipag-usap lang ako kay Lord.

"Tuwing nanghihina ako, pinapakinggan ko yung 'Power of Love' by Hillsong.

"Pag naririnig ko yun, naiiyak ako. Iniiyak ko talaga para mawala yung burden sa puso ko.

"'Tapos iniisip ko kung gaano kalakas yung power of love ni Lord sa atin."

Pinanghahawakaan rin daw ni Ai-Ai ang paborito niyang Bible verse mula sa Jeremiah 29:11: "'For I know the plans I have for you,' declares the Lord, 'plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.'"

Continue reading below ↓

Dagdag ni Ai-Ai: "Binibigyan niya talaga ako ng hope na di niya ako pababayaan.

"At yung normal na dasal na, 'Lord, palakasin mo ako na malabanan ko ito,' palaging gano'n."

AI-AI MEETS GERALD, a "gift" from god

Answered prayer ni Ai-Ai nang matagpuan niya ang tunay na pag-ibig sa katauhan ni Gerald Sibayan.

Taong 2017 nang sila ay naging magkasintahan.

Sa pagkakataong ito, wala raw naging balakid sa pagmamahalan nila ni Gerald.

Pero aminado si Ai-Ai na pinag-isipan niyang mabuti bago siya pumayag na magpakasal sa nobyo, na mas bata sa kanya ng 20 taon.

Nagpa-counsel din sila kay Bishop Antonio Tobias ng Diocese of Novaliches.

Lahad ni Ai-Ai: "Since Papal Awardee ako, humingi ako ng payo sa pari kong best friend, 'tsaka kay Bishop.

"Sabi ko, 'Bishop, di kasi ako sure kay Gerald dahil bata pa siya. Baka magbago pa ang isip niya. Mahirap kasi mangako sa harap ng Panginoon kapag kinasal ka.

Continue reading below ↓

"Pag nangako ka sa kanya, tutuparin mo yun for richer or for poorer, in sickness and in health.

"Hindi mo naman puwede sabihin, 'Ay, Lord, ayoko na, nasaktan niya ako.'

"Humingi ako ng payo kay Bishop, 'Bigyan niyo po ako ng pagkakataon kasi di pa ako ready magpakasal. Ano po ba yung puwede na di naman masyado bawal in a Catholic Church?'

"Kasi live-in kami, e. Alam naman natin na bawal yun, e."

Ai-Ai Delas Alas and husband Gerald Sibayan

Continue reading below ↓

Nagpa-counsel daw sina Ai-Ai at Gerald, at hiwalay silang kinausap ng pari para malaman kung ano ang intensiyon nila sa pagpapasakal.

"Dun na-decide ni Bishop na puwede kayo magpakasal. Parang binigyan sila ni Gerald ng assurance na, 'Kaya ko po siyang panindigan. Kaya ko siya pakasalan. And kahit bata ako, matured ako.'

"Si Bishop ang nakaalam kung ano yung naging pag-uusap nila. I think yun ang sign sa akin ng Diyos na 'eto nga ang para sa akin.'

"And sa awa naman ng Diyos, hanggang ngayon kami pa rin."

Halos tatlong taong naging magkasintahan sina Ai-Ai at Gerald.

Na-engage sila noong April 2017.

Makalipas ang walong buwan, noong December 12, 2017, ikinasal sila sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City.

Sabi ni Ai-Ai sa PEP.ph, "After ng mga nangyari sa buhay ko na hindi maganda, I think gift ni Lord sa akin si Gerald.

"And sa ibang mga asawa rin, I think lahat tayo na magkakaroon ng asawa is bigay talaga ni Lord kung hihintayin natin talaga."

Continue reading below ↓

Ai-Ai Delas Alas in Calamansi App

Para sa iba pang makabuluhang kuwento tungkol sa inyong paboritong artista, sali na sa mga chikahan sa PEP Voice Chat Room sa Calamansi Pinoy Voice Chat tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Libre ang pag-download ng Calamansi sa mobile app stores.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on painful love life as the other woman: "Totoo yun, na parang minamalas ka, parang mabigat ang buhay. Yun ang isang natutunan ko."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results