Maris Racal on working with Rico Blanco: "Amazing is an understatement."

by Bernie V. Franco
Apr 2, 2021
Maris Racal is all praises to OPM singer-songwriter Rico Blanco. The two have a recent music collaboration but have also worked together in the past. Coincidentally, they are being romantically linked following their sweet exchange on Instagram.
PHOTO/S: @mariestellar and @ricoblanco100 on Instagram

Halata kung gaano kalaki ang paghanga ni Maris Racal, 23, sa singer-songwriter na si Rico Blanco, 48.

Nagkataon namang iniuugnay ngayon ang dalawa matapos maging kontrobersiyal ang birthday greeting na ipinost sa Instagram ni Maris para kay Rico noong nakaraang buwan.

Si Maris ay isa sa mga artists ng Balcony Entertainment, ang artist management at record label na pinamumunuan ni Rico.

Hindi pa rin nagsasalita ang dalawa kung may namamagitan na sa kanila.

Pero ang malinaw, malaki ang paghanga ni Maris kay Rico bilang isang artist at mentor.

Vocal naman ang aktres mula pa man noon na idolo talaga niya ang co-founder ng bandang Rivermaya.

Marami naman ang natuwa para kay Maris na ang dating tinitingala niya noon ay nakakatrabaho na niya ngayon.

Nagkuwento at inilarawan ni Maris si Rico nang ma-interview ang singer-actress sa RX 93.1 FM radio nitong Miyerkules, March 31.

Inusisa si Maris kung sino sa mga local artists ang nais niyang makatrabaho.

Continue reading below ↓

Sagot ni Maris, nagawa na niya ito pagdating kay Rico.

“Sa local, I have already collaborated with yung pinaka-dream ko talaga lagi.

“Dati was Rico Blanco, and finally nagawa na namin yung collaboration namin.

Nag-duet noon sina Rico at Maris sa kantang “Abot Langit” (2019).

Gusto rin daw makatrabaho ni Maris si Zild, na co-artist niya sa Balcony Entertainment.

Internationally, nais daw niyang maka-collab si Taylor Swift.

Sundot na tanong kay Maris, ano ang mga natutunan niya sa pakikipagtrabaho kay Rico.

Hindi agad nakasagot si Maris at isang malaking ngiti ang kanyang bungad bago sumagot.

Maris Racal interview on RX 93.1

Continue reading below ↓

“Nag-collab na kami sa ‘Abot Langit’, yun din yung first collaboration namin.

“And eto yung second collaboration namin, the ‘Not For Me,’” pagtukoy sa latest song na isinulat ni Maris.

Sa mga sumunod na pahayag ni Maris, bakas kung gaano niya nirerespeto si Rico bilang music artist.

Sabi ni Maris, “Whenever I’m in the studio with him, siguro if I type everything na sinasabi niya, I would get three books out of every studio session.

“Kasi gano’n kadami yung words of wisdom niya in terms of music.

“You know, amazing is an understatement kapag nagko-collab ka with Rico kasi… siya kasi nag-produce ng song ko.

“So, yung goal niya talaga is artist-centric.

“Kung ano’ng gusto ng artist, yun din yung gusto niyang sundin.

“But ipapaganda lang niya ng one hundred times more. So, yeah, ‘yon galing, super.”

Sabi pa niya tungkol sa kanyang kanta, “My song is under his label, Balcony and Sony [Music Philippines].

Continue reading below ↓

Inilahad din ni Maris kung paano niya nabuo ang “Not For Me” at ang malaking kontribusyon dito ni Rico para mapaganda lalo.

Inamin pa ni Maris na lagi siyang excited na ipakita ang kanyang kanta kay Rico nang isinusulat niya ito.

“Actually, I got the whole writing process on tape. Naka-video siya lahat while writing it.”

Nang sinisimulan daw niya ang kanta, hindi raw ito base sa kanyang personal experience.

Pero bandang huli, ini-relate niya ito sa sarili, gaya ng kanyang nakasanayan.

Natatandaan daw niya na minsang pauwi, nakaisip siya ng melody.

“Pag-uwi ko, dumiretso agad ako sa piano and hinanap ko yung chords. Parang ang ganda…

“Yung unang line ko kasing nasulat, ‘I’m not afraid to walk out.’

“It’s about a girl or a guy, takot sa commitment at the moment.

Pagpapatuloy niya, “Pag nakaisip ng concept sa song, diyan na ako mag-create ng story.

"And then sa later part, diyan ina-add yung personal experience ko.”

Continue reading below ↓

Sa bawat hakbang daw ni Maris sa pagsulat, lumalapit siya kay Rico.

Sobrang proud daw kasi ni Maris sa kanyang likha at pinagtatalunan pa nila ni Rico kung paano mapaganda ang kanta.

“Sa whole writing process naman pinarinig ko agad kay Rico, kasi I think the song is one of the best songs na nasulat ko, in my opinion,” sabay ngiti ni Maris.

“Sobrang excited ako na pinaranig ko agad sa kanya.

“And then medyo nag-battle pa kasi, ‘May bridge ba ‘tong song na ‘to o wala?’ Parang tsina-challenge ako [ni Rico] na, ‘Lagyan mo ng bridge.’

“Sabi ko, ‘Wala na ‘kong masabi, e.’” Sasabihan daw siya ni Rico, “’Lagyan mo pa rin,’ parang gano’n.

“Gano’n ang ginagawa ni Rico whenever we’re writing.

“So, yeah, it was a very fun experience and I think I have learned a lot.”

Samantala, hindi naman tinalakay sa interview kung ano na ang tunay na estado ng pagkaka-ugnay nila ni Rico.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal is all praises to OPM singer-songwriter Rico Blanco. The two have a recent music collaboration but have also worked together in the past. Coincidentally, they are being romantically linked following their sweet exchange on Instagram.
PHOTO/S: @mariestellar and @ricoblanco100 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results