Ai-Ai delas Alas says a woman grows sexier with age

by Ricky Calderon
Dec 14, 2007
"Dapat ‘pag successful ka sa buhay mo, dapat pati sa lovelife mo, successful ka rin. Hindi masasabing successful ako sa lovelife ko kasi wala akong love. Pero sa career, todo naman ang success ko. Just smile to the world and to the universe," says Ai-Ai delas Alas.


Malapit na ang Pasko kaya naman tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comedienne na Ai-Ai de las Alas kung ano ba ang meaning ng Pasko sa kanya. Does she look forward to Christmas?

"Favorite time of the year namin ng mga anak ko ang Christmas. Marami kaming mga binubuksang regalo every Christmas. Masaya kami ‘pag Pasko," pahayag ni Ai-Ai sa story conference ng pelikula niya with Robin Padilla, Ikaw Pa Rin, noong December 12 sa Viva office.

Siya ba mismo ang namimili ng mga regalong ipinamimigay niya?

"Oo, pero ‘pag sobrang busy ako, nagpapadala na lang ako ng mga items from Hong Kong or kaya sa Amerika. Pero ‘pag alam ko na hindi naman ako masyadong busy, ako mismo ang namimili. Ako rin ang nagsusulat sa mga greeting cards at nagbabalot ng mga regalo," kuwento ni Ai-Ai.

Hindi man masasabing bonggang-bongga ang ibang bahagi ng taong 2007 para kay Ai-Ai, bumawi pa rin nang husto sa kanyang career ang Comedy Concert Queen sa latter part ng taon. Successful ang kanyang concert sa Araneta Coliseum, ang kanyang comeback after so many years of absence. Kumita sa takilya ang pelikula nila ni Rufa Mae Quinto under OctoArts Films titled Pasukob. Kasali na rin siya sa cast ng bagong ABS-CBN teleserye na Princess Sarah.

Continue reading below ↓

Muntik nang lumipat sa GMA-7 si Ai Ai dahil sa kawalan ng proyekto sa ABS-CBN. Pero matapos ang maramdamin niyang interview sa The Buzz, kung saan namalas ang kanyang pag-iyak on national TV, pinapirma siya ng kontrata ng ABS-CBN at may guaranteed show na siya sa naturang network.

Sa 2010 ay ise-celebrate ni Ai-Ai ang kanyang 20th year sa showbiz. Pero by that time daw ay hindi na niya papangarapin pang mag-concert muli sa Araneta Coliseum. Sabi niya, baka she might do her final concert pero hindi na raw niya papangarapin pang mag-concert ‘pag siya ay 50 years old na. Ang idol daw niyang si Madonna ang carry na mag-stage ng concert at the age of 50.

Pero hindi naman daw natatakot tumanda si Ai-Ai.

"Hindi ko naman hinihintay na tumanda ako pero ganoon talaga," sabi niya. "Darating ka sa age na ‘yon. I think mas sexy ang babae by that age. Like si Madonna, pinag-uusapan siya because of the things she does at 50 years. Challenging to reach that age ‘tapos active ka pa rin sa mga ginagawa mo, like si Madonna.

Continue reading below ↓

"Pero nabasa ko sa libro na ikaw ang gumagawa ng sarili mong destiny. Just think positive. Smile with the universe and the universe smiles with you. Success is without compromise sa ibang aspeto ng buhay mo. Kung successful ka sa career, dapat successful ka rin sa lovelife, pati sa family life."

Hindi ba siya naniniwala na mayroong magsa-suffer if one aspect of your life is successful?

"Dapat ‘pag successful ka sa buhay mo, dapat pati sa lovelife mo, successful ka rin. Hindi masasabing successful ako sa lovelife ko kasi wala akong love. Pero sa career, todo naman ang success ko. Just smile to the world and to the universe," sabi niya.

One admirable quality of Ai-Ai is her loyalty. Muntik na siyang lumipat sa GMA-7 dahil sa kawalan ng trabahong ibinibigay sa kanya ng Channel 2, pero just the same, nanaig ang kanyang loyalty sa Kapamilya network.

"Hanggang sa huling hininga ng buhay ko, magiging loyal ako," sambit niya. "Hindi na siguro mangyayari na maiisipan kong lumipat muli ng istasyon kasi mahal naman ako ng Channel 2. Minsan lang siguro sa dami namin na mga artista, nagiging busy sila kaya hindi nila nabibigyan ng pansin ang ibang talents. Pero nang mangyari ‘yan, doon ko naramdaman na mahal nila ako. Two years ang kontratang pinirmahan ko sa kanila and confident ako na magiging okay ang lahat.

Continue reading below ↓

Excited din si Ai Ai sa pelikulang pagtatambalan nila for the first time ni Robin Padilla under Viva Films. Ito'y ididirek ni Wenn Deramas.

Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dapat ‘pag successful ka sa buhay mo, dapat pati sa lovelife mo, successful ka rin. Hindi masasabing successful ako sa lovelife ko kasi wala akong love. Pero sa career, todo naman ang success ko. Just smile to the world and to the universe," says Ai-Ai delas Alas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results