Joseph Estrada's "death" reports on social media "NOT true"

by Arniel C. Serato
Apr 4, 2021
Former senators and half-brothers Jinggoy Estrada and JV Ejercito issue separate statements on the online rumors reporting the "death" of their father, Joseph "Erap" Estrada. Both of them say "not true."
PHOTO/S: Courtesy: Joseph Ejercito Estrada on Facebook

Mariing pinabulaanan ng dating senador na si Jinggoy Estrada ang mga kumakalat na balita sa social media tungkol sa diumano’y pagpanaw ng kanilang amang si Joseph “Erap” Estrada.

Sabi ni Jinggoy sa kanyang Facebook post ngayong hapon ng Linggo, April 4, “There are reports circulating on FB that my father has passed away.

“This is NOT true.”

Continue reading below ↓

Sinegundahan ito ng isa pang post sa official Facebook page ni Jinggoy.

Nakasaad dito na nasa stable condition ngayon si Erap at nanatiling nasa ospital.

Hiniling rin ng pamilya Estrada ang marubdob na dasal para sa ikagagaling ng dating Pangulo at nanilbihan rin bilang mayor ng Manila.

Ang sabi pa sa post, “Wag po tayong maniniwala sa mga maling balita. Totoo pong hanggang ngayon ay nasa ospital pa si Mayor Erap dahil sa Covid-19 pero nasa stable condition po siya.

“Gayunpaman humihingi pa rin po ng dasal ang pamilyang Ejercito-Estrada para sa tuluyang niyang pag-galing.

“Maraming salamat po. Stay safe everyone! God bless!”

Continue reading below ↓

Sa Twitter naglabas si dating senador JV Ejercito, half-brother ni Jinggoy, ng babala ukol sa mga nagpakalat ng maling balita.

Sabi niya, “The news circulating about my dad is not true.

"He is still in the hospital recuperating. Whoever is behind this fake news is so unchristian.

"You do not wish bad things to anyone, no matter if you don’t like the person.”

Continue reading below ↓

Samantala, pasado alas singko ng hapon, inilabas ni Jinggoy ang medical bulletin tungkol sa kalagayan ng ama na inilarawang "stable but guarded condition."

Narito ang buong post ni Jinggoy sa kanyang Facebook account:

"MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:

"Former president Joseph Estrada is currently confined due to Covid pneumonia.

"While he needed to be placed on high flow oxygen support, we are thankful that there has been no need to put him on a ventilator.

"However, he is being sedated to lessen his anxiety which may affect his heart and aggravate his condition.

"Thus, he has been moved to the ICU for closer observation.

"Currently, he is in a stable but guarded condition.

"The family would like to thank everyone who has expressed their love and support and we request continued prayers for his immediate recovery. "Thank you very much."

Nitong nakaraang March 28, isinugod sa ospital ang 83-year-old politician dahil sa pagpositibo nito sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Ilang araw ang nakalipas mula nung siya ay na-confine, naglabas naman si Jinggoy ng short clip ni Erap kung saan sinabi nito sa video na bumubuti na ang kanyang kalagayan.

Sabi pa ng dating Pangulo, “Maraming salamat sa inyong mga dasal at ako ay nasa maayos na kalagayan.

"Wag kayong mag-alala, malakas ako, kayo ay mag-ingat din. Kayo ay stay healthy rin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former senators and half-brothers Jinggoy Estrada and JV Ejercito issue separate statements on the online rumors reporting the "death" of their father, Joseph "Erap" Estrada. Both of them say "not true."
PHOTO/S: Courtesy: Joseph Ejercito Estrada on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results