From best friends to lovers: Arci Muñoz reveals relationship with JM de Guzman

by Arniel C. Serato
Apr 4, 2021
Arci Munoz JM de Guzman relationship
#MayForever says Arci Muñoz after admitting her relationship with best friend JM de Guzman in a short but sweet Instagram post today, April 4, 2021.
PHOTO/S: File / Courtesy: @ramonathornes on Instagram

Sina Arci Munoz at JM de Guzman ang pinakabagong couple sa showbiz.

Sa Instagram post ni Arci ngayong gabi, April 4, 2021, inamin niyang sila na ng aktor.

Sabi ng aktres sa caption, masaya raw siya dahil buong pamilya niya ay naging saksi sa pagmamahalan nila ni JM.

Parehong 32 years old ang dalawa.

Ani Arci, “Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment. (heart emoji) on me vlog tomorrow. (face throwing a kiss emoji) #mayforever #frombestfriendstolovers (heart emoji)”

Makikita rin sa post ni Arci ang video kung saan sinabi ni JM na: “Matagal na tayong mag-bestfriend pero… puwede bang manligaw?”

Kinilig naman ang buong pamilya ni Arci sa sinabi ng aktor.

Kasunod nito ay inabutan niya ng bouquet of roses si Arci habang nasa beach sila sa Boracay kasama ang pamilya ng aktres.

Sinaliwan ang video ng instrumental ng kantang “Kailan.”

ARCI ON PAST FAILED RELATIONSHIPS

Prangkang inamin ni Arci noong August 2020 na ilang beses na siyang talunan sa larangan ng pag-ibig.

Continue reading below ↓

"Hindi ako magaling diyan, e. Ginagawa ko na lahat, iniiwan pa rin ako!"

Ang huling naging boyfriend ni Arci ay ang Chinese businessman na si Anthony Ng.

Tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay noong early 2019.

Nakarelasyon rin noon ni Arci si Badi del Rosario, isang rock-band singer at anak ng Brunei Prince na si Jefri Bolkiah.

Tumagal ang relasyon nila ng tatlong taon bago sila naghiwalay bandang December 2016.

Hindi na binanggit ni Arci ang kanyang ex-boyfriends, pero napagtanto raw niyang nakakalimutan niya ang sarili sa tuwing pumapasok siya sa relasyon noon.

Kuwento pa niya, "Whenever I'm in a relationship, I give it my all. Sometimes I forget about leaving a little bit of self-love.

"E, ayun po, sa aking mga experience before sa previous relationships ko, as in buhos talaga, e. Parang ako yung lalaki."

Ang huling karelasyon naman ni JM na hayag sa mundo ng showbiz ay si Jessy Mendiola, na ikinasal na sa nobyong si Luis Manzano noong February 21, 2021.

Continue reading below ↓

Interestingly, ngayong araw din ang announcement ng kasal nina Jessy at Luis.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
#MayForever says Arci Muñoz after admitting her relationship with best friend JM de Guzman in a short but sweet Instagram post today, April 4, 2021.
PHOTO/S: File / Courtesy: @ramonathornes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results