Bumaha ng luha sa online memorial service para kay Claire dela Fuente

by Jerry Olea
Apr 4, 2021
Naganap ang online memorial service para kay Claire dela Fuente ngayong Easter Sunday, April 4, 2021. Ang anak niyang si Gigo de Guzman (upper right) ang nag-host ng Zoom session, at sumali ang mga beteranang singers na sina (bottom, L-R) Eva Eugenio, Pilita Corrales, at Imelda Papin.
PHOTO/S: Screen Grab from Zoom

Makabagbag-damdamin ang paggunita nina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Pilita Corrales kay Claire dela Fuente.

Ginanap ang online memorial service para kay Claire ngayong Easter Sunday, Abril 4, 2021.

Ang nag-host ng Zoom session ay ang panganay ni Claire na si Gigo de Guzman at ang anak ni Raquel Monteza na si Maffy Soler-da Roza.

EVA'S BAG STORY

Unang nagsalita si Eva, na kinilala sa hit song niyang "Tukso."

Pasakalye ni Eva, “It’s been a long time. After one year of pandemic, ano, hindi na tayo nagkita. The last time I was there was during the pictorial of Queens... iyong concert namin.”

Gigo de Guzman with Eva Eugenio at Claire dela Fuente memorial service

Continue reading below ↓

Sina Pilita at Claire ay tampok rin sa nasabing concert, at nag-pictorial sila sa bahay ng huli.

Pagpapatuloy ni Eva, “I don’t have words to say, you know what I mean. Because up to now, parang hindi pa ako makapaniwala that she’s gone.

"It’s been a year bago kami nagkita, Gigo.

"And... wala akong masabi, e. Kasi kulitan namin, alam mo na, yung chapteran [laitan] namin, I will always remember that, especially pag iyong mga bags namin.

"Tungkol sa bag, sabi niya lagi, ‘Uy, iyan namang bag mo, diyan lang sa Greenhills binili!’ Sabi ko, ‘No, no, no, no! Hindi Greenhills iyan, sa St. Divine.' Sabi niya, ‘Ano yung St. Divine?’ ‘Ang chapter mo talaga. E, di, Divisoria!’

"So Gigo, Mick, ahh... though we are sad, but we also have to thank that she’s now in a greater place. No more pain, you know what I mean.

"And nalulungkot ako kasi dapat nakapag-concert pa kami, ano, sa Amerika last September.”

Continue reading below ↓

Kasama dapat si Gigo sa naturang concert sa U.S.

Dagdag ni Eva, “Di ba, ang wish niya ay magkaroon pa ng concert, saka lumaki pa iyong baby niyo. Mag-18, mag-debut.

“Para maranasan niyang maging nanay ng debutante. Kasi, pareho kayong dalawa, e. Parehong boys.

“But then what I can say is, ‘Mare, may you rest in peace. And for Gigo and Mick, don’t worry, maraming nagmamahal sa kanila. There will be a lot of people taking care of them. And... sayang. Paalam.”

"Sayang" ang title ng biggest hit song ni Claire. Ito ay hango sa isang Malaysian song.

Pero hindi na maalala ni Claire ang title, ayon sa interview niya kay Romy Buen ng Jingle Chordbook magazine.

“Di po iyon sumikat doon kaya po super proud iyong composer na sumikat dito [Pilipinas] at naging isang instant classic,” sabi ni Claire.

“Thank God, sa akin napunta.”

Sinabi naman ni Jose Mari Chan na si Marilyn Villapando ang naglapat ng Tagalog lyrics sa nasabing banyagang awit.

Continue reading below ↓

Nauso noong ‘70s ang paglalapat ng Tagalog lyrics sa foreign songs.

Maliban sa "Sayang" ni Claire, heto pa ang ibang halimbawa: "Tag-araw, Tag-ulan" ni Hajji Alejandro ("Charade" ng Bee Gees), "Panakip-Butas" ni Hajji Alejandro ("Worst That Could Happen" ng Brooklyn Bridge), at "Ikaw Pa Rin" ni Tito Mina ("There Will Never Be Another You").

PILITA ON CLAIRE'S PAMPABATA PILL

Inilahad ni Pilita na nagkausap sila ni Claire kaugnay sa U.S. concert tour nilang tatlo ni Eva.

Gigo de Guzman withPilita Corrales at Claire dela Fuente memorial service

Continue reading below ↓

“Because, you know, this producer of ours in the States called me and also called Eva,” pahayag ni Pilita.

“We were planning to do the Trio, to do a tour of the cities and the states, you know. But then, the pandemic came, and there’s lockdown, and there’s everything, you know.

“But Claire and I were talking about what we’re going to sing. Anong duet ang gagawin natin? Anong trio ang gagawin natin?

“Kasi, I told her, ‘I want this to be a different type of show. Hindi yung solo-solo lang— Eva, me, and then her, you know.

“So, iyon bang na-shock ako. Na-shock ako. Hindi ko naman sasabihin na we saw each other every day. Minsan, sa telepono lang, and when we talk on the telephone, we’re always talking about, ‘Hoy, Pilits! May bagong ano ngayon, may bagong pill pampabata sa atin,’ you know!

“And we’ll just laugh all the time, you know. Hahahahaha, Claire... but I am just so shocked, I’m just so... Maybe she’s in a better place.

Continue reading below ↓

"But still, we still needed that beautiful voice. One and only voice iyan, e, iyang kay Claire.

It’s a different type of voice. It was just a soft, soothing, pleasant voice that when you hear on the recording, it was just to calm you down.

“Iyan ang boses ni Claire. And we don’t have that anymore.

“Claire, I hope you’re in a better place. We love you, and thank you...”

IMELDA ON CLAIRE: "Never kaming nag-away."

Bakas ang labis na pighati sa mukha ni Imelda Papin.

Sa umpisa pa lang ay gumagaralgal na ang kanyang boses.

Gigo de Guzman and Imelda Papin get emotional at the memorial service

Continue reading below ↓

Sabi ng Sentimental Songstress kay Gigo, “I know you’re very affected. Ganoon din kami.

“Noong una, when I started my career, kung naalala ninyo na parang merong nagkaroon kami ng konting hindi pagkaunawaan sa title na Jukebox Queen.

“Pero dumating sa point na because of that, naging close kaming dalawa. Sobrang pagka-close namin 'tapos, naging ninang pa siya ni Maffi, my only daughter.

“So, ahhm.. ang samahan namin, we’re just like sisters. Ang akala ng iba, nag-aaway kami, hindi naman talaga. Never kaming nag-away.”

Paputul-putol ang madamdaming pagsasalita ni La Papin, tinitimbang na mabuti at hinuhugot sa puso ang sasabihin.

Saad ni Imelda, “Ang communication namin, constant ang communication namin. Kahit hindi kami nagkikita ni Mama mo madalas, pero... ahh... we communicate through phones, through calls.

“Lalo na pag dumarating yung time na mabalitaan niya na ako ay masaya, kasi, nabalitaan niyang merong nagkaka-crush sa akin.

“Sabi niya, ‘Sige na, mare! Go! Go! Go!’ Very supportive siya sa akin.

Continue reading below ↓

“'Tapos, kapag may problema naman, let’s say, ahh, kagaya recently. Magcha-chat lang ako. Nagkaroon ng typhoon dito sa Camarines Sur, 'tapos, ako ay vice governor dito.

“Ahh, sabi niya, ‘Mare, tutulong ako.’ So, what she did was she collected some donations from her friends, aside from galing sa kanya mismo. Na sabi niya, ‘Mare, meron dito, pa-pick up mo na para maisama mo sa mga donasyon mo.’ Iyong gano’n.

“Very loving si Mare na, if you are friend of hers, maalalahanin siya. 'Tapos, pag may problema siya, ‘Mare, ganito, ganito.’ Nag-uusap kami. Sabi ko, ‘Relax ka lang. You know, God is good. Relax ka lang.’ Laging ganoon ako lagi.

“Ahhm, naroon ako para bigyan siya ng support, ano, more support, especially mga recent problems niya.

“Sabi ko, ‘Wala iyan, wala iyan! Hindi na natin dapat isipin ang problema na iyan! Sigurong bibigyan ng Panginoon na maso-solve lahat ng problema. Walang problema na hindi nabibigyan ng solusyon.'

Continue reading below ↓

“But anyway, balik lang ako doon sa mga times na nagkasama kami. Concerts, left and right. TV shows, left and right.

“'Tapos, siyempre, ahh... kumbaga, ako ang nabigyan ng award na Jukebox Queen. Sabi ko, ‘Hindi puwede ito.’

“When I went to the States, since producer doon ang sister ko, sina Benny Bautista, si Ate Glo, Gloria Papin, ay nag-produce ng show.

“Sabi ko, ‘Dalhin natin si Mareng Claire dito saka si Eva. At ang itawag natin sa show ay Jukebox Queens.’

“Hindi lang ako. Dahil kako sila ay meron ding hit songs, gaya ni Mareng Claire, ang daming hit songs. Si Eva, gano’n din. Kaming tatlo, dapat magkakasama kami.

“So, that’s what they did. It all started, by using Jukebox Queens, sa Amerika.

“Supposedly dito rin sa Pilipinas, pero hindi ako nakarating noon, iyong prinodyus ni pareng Vic del Rosario sa PICC.

“So iyong samahan namin, talagang we became so close. Hindi lang sa mga shows, kundi sa mga personal problems namin, sa buhay naming dalawa ni Mare.

Continue reading below ↓

“Lagi kaming nag-uusap. Marami kaming pinag-uusapan.

“Now, ahh, noong 2019, nagkaroon ako ng pinakamalaking concert sa Philippine Arena. You know, si Mare, instead na magkaroon ng pagselos, mainggit siya, alam mo kung ano ang sabi niya sa akin? ‘Very good, mare. Go for it!’ sabi niya. ‘Ikaw lang ang binigyan ng ganyan na napakalaking concert at the Philippine Arena.’

“Sabi ko, ‘Hindi ko rin ito magagawa kung wala ka diyan, kung wala kayo ni Eva, at wala iyong mga kaibigan natin.’

“Iyong hindi siya... hindi siya ano, e. Hindi siya yung tingin ng ibang tao, akala ng iba, suplada. Hindi siya gano’n, e.

“Pag kaibigan mo siya, talagang... very vocal siya, very open siya. Ahhm, makikita mo na totoo siya.

“Wala siyang itinatago. Kung ano ang gusto niyang sabihin, sinasabi niya. Iyan po si Claire.”

Nagsimulang humikbi si Imelda nang ikuwento ang sandaling ibinalita sa kanya ng kaibigang producer na si Flor Santos ang pagpanaw ni Claire noong Marso 30, Martes Santo, ng umaga.

Continue reading below ↓

Namuo ang mga luha ni Imelda, “Sabi ko, ‘Ano iyan? Di naman yata totoo?’ Sabi kong gano’n. ‘Anong nangyari?’

“Sabi ni Flor, ‘Wala na, sis, e,’ sabi niyang gano’n. So, nabulol ako. Sabi ko, ‘Hindi naman totoo iyon!’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi kong gano’n, ‘Anong nangyari?’

“Sabi niya, ‘Iyon na nga, tinamaan ng Covid.’ ‘Saan siya? Anong hospital? At bakit hindi kaagad?’ All these things.

“Siyempre, ayaw namang mang-istorbo ni Mare, I’m sure. Malakas na babae iyan, e. Masyadong... kung kaya niyang ma-solve ang problem na mag-isa, kakayanin niya, di ba?

“When I heard na nasa tent lang siya, parang nagalit ako. Kasi, syempre, nasa gobyerno ako, di ba? Kahit papaano, siguro, kung nag-text din sa akin si Mare... siguro, may mga connections naman tayo. Si Mare, may mga connections. Si Flor, may mga connections.

“Puwede sigurong i-accomodate siya. Puwede sigurong gawan kaagad ng paraan kung papaano siya, kung paano siya magamot.

Continue reading below ↓

“I have a brother who’s a doctor, siguro, puwede kong hingian ng tulong kaagad.

"But, ahh... sabi ko nga, inisip ko agad si Gigo, inisip ko agad si Mick. Sabi ko, ‘Paano yung mga bata?’ Tapos, I called up Gigo, di ba, I called you up? That was... inisip ko na lang... kasi, I was...

“I was affected. I was really very affected. Ahhm, sabi ko, ‘Hindi naman ako makapaniwala! This is... hindi totoo ito!’ I was really shocked."

Napaluha na rin si Gigo, habang namumugto ang mga mata ni Imelda na binanggit ang pinaka-recent na pinagdaanan nina Claire at Gigo.

Nadawit kasi ang pangalan ng huli sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong January 1.

Salaysay pa ni La Papin, “Kasi bago ako umuwi dito sa Bicol, bago ako pumunta dito sa CamSur, actually, kinausap ko siya. Sabi ko, ‘Mare, pag kailangan mo ng tulong ko tungkol kay Gigo, I’m here, just call me,’ sabi kong gano’n.

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘OK lang, Mare. Kaya ko ito. OK lang, walang problema iyan. Walang problema.’ Gano’n.

“So, until now... hindi ko pa rin... Kahit hindi niya ako kapatid, pero grabe ang pinagsamahan namin ni Mare. Sa totoo lang.

“Kaya, Mare, wherever you are, nandito ako. Nandiyan din si Eva. Siyempre, tayong tatlo. Saka nandiyan ang mga kasamahan natin sa industry.

“Lalo na iyong inaanak mo, si Maffi, iyak nang iyak. Hindi siya makapaniwala. Nakikiramay ang buong pamilya ko.

"And ang aming panalangin lang, ahhm... may you rest in peace. Ikaw na ang bahala.

“Sa God Holy Father, take care of your children. At kami ring nandito sa lupa ngayon, ipagdasal mo na rin ang aming kaligtasan.”

Pumalahaw si Imelda, “Mare... hindi ka na namin makikita! Pero lagi ka naming mamahalin! Lagi kang ipagmamalaki bilang kaibigan!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naganap ang online memorial service para kay Claire dela Fuente ngayong Easter Sunday, April 4, 2021. Ang anak niyang si Gigo de Guzman (upper right) ang nag-host ng Zoom session, at sumali ang mga beteranang singers na sina (bottom, L-R) Eva Eugenio, Pilita Corrales, at Imelda Papin.
PHOTO/S: Screen Grab from Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results