KC Concepcion gives credit to mom Sharon Cuneta for her closeness to dad Gabby's daughters

by Bernie V. Franco
Apr 5, 2021
KC Concepcion remains close with her half-siblings with dad Gabby Concepcion: “People who have never been in my situation could probably never relate." Inset shows KC with her younger sisters Samantha and Savannah, Gabby's daughter with his non-showbiz wife Genevieve Gonzales.
PHOTO/S: YouTube (Kristina KC Concepcion) / @itskcconcepcion on Instagram

Ibinahagi ni KC Concepcion, 35, na ang ina niyang si Sharon Cuneta, 55, ang nag-udyok sa kanyang maging malapit sa mga half-sister niya sa amang si Gabby Concepcion, 56.

Nitong Easter Sunday, April 4, ipinost ni KC ang bonding moment niya kasama ang mga nakababatang kapatid na sina Samantha at Savannah.

Sina Samantha at Savannah ay mga anak ni Gabby sa current wife nitong si Genevieve Yatco Gonzales.

Ikinasal sina Gabby at Genevieve noong 2004.

Lumalabas na nakasama ni KC ang kanyang ama at mga kapatid nitong Holy Week sa beach house ni Gabby sa Lobo, Batangas.

Masaya raw si KC na makasama ang kanyang mga nakababatang kapatid kahit inabot sila ng lockdown.

Ipinost ni KC ang larawan niya kasama ang mga kapatid nitong Araw ng Pagkabuhay.

Caption niya: “Grateful to have this chance to spend time with my little sisters Samantha & Savannah!

“Been locked down together and making up for the lost time.”

Continue reading below ↓

Nagkuwento rin si KC na mahirap ang magkaroon ng “blended” family, lalo’t ang kanyang hiwalay na mga magulang ay may kani-kaniyang pamilya na.

Marahil ay hindi raw mauunawaan ng ibang tao ang kanyang kalagayan kung hindi nila ito nararanasan.

Pero sa kabila nito, mahal daw niya ang lahat ng kanyang mga kapatid at hindi siya magiging buo kung wala sila.

Pagbabahagi ni KC, “For those of you who don’t know, my parents married in their teens and unfortunately separated when I was a toddler.

“Today they have their own families, who are also my own...”

Si Sharon ay 18 anyos at si Gabby ay 19 anyos nang ikasal sila noong 1984.

Naghiwalay sila noong 1987.

Pagpapatuloy ni KC, “I keep close to my siblings, or at least I do my part to, and tbh [to be honest] giving importance and nurturing relationships between both my families can be tough- always a balancing act.

Continue reading below ↓

“But I love them all and my life wouldn’t be complete without them!

“People who have never been in my situation could probably never relate

“Will I even have more mental space or energy to make my own one day??

“Lol love my unconventional #blendedfamily””

IG Photo: KC Concepcion with Gabby daughters Samantha and Savannah

IG Caption: KC Concepcion talks about being close to her half-sisters

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Gabby ng "raise hands and heart" emojis bilang indikasyon ng kanyang pagkatuwa.

Ginamit niya rin ang hashtag na #amanglobobeachhouse na indikasyong nasa beach house niya sa Batangas ang mga anak.

IG Comment: Gabby Concepcion replies on KC post

Sa kasalukuyan, pareho nang pamilyado sina Sharon at Gabby.

Sa comments section, nagkomento ang isang netizen at sinabing may anak itong pareho ng sitwasyon ni KC, pero hindi siya nabigyan ng pagkakataong maging malapit sa kanyang half-siblings.

Continue reading below ↓

Sumagot si KC at sinabing masuwerte siya dahil mismong si Sharon ang nagsasabi sa kanyang maging malapit ito sa mga kapatid sa ama.

Ani KC: “Yes my mom has been very good at encouraging me to be close to my siblings on papa’s side. Maybe it’s because she herself has half siblings too and one particularly that she is close to.”

IG Comment: Netizen shows admiration for KC, KC replies

Continue reading below ↓

Si Sharon ay may mga half-siblings mula sa naunang karelasyon ng pumanaw na ama, si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta. Ang ina ni Sharon ay ang yumaong si Elaine Cuneta, kapatid ni Helen Gamboa.

Samantala, bukod sa mga anak ni Gabby kay Genevieve, nagkaanak din siya sa dating aktres na si Grace Ibuna, si Garie Concepcion, 32.

Anak din ng dating matinee idol si Cloie Syquia Skarne, 26, anak ni Gabby sa dating asawang si Jenny Syquia, dating aktres.

Si Sharon naman ay may tatlong anak sa asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan: sina Frankie (20), Miel (16), at Miguel (11).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion remains close with her half-siblings with dad Gabby Concepcion: “People who have never been in my situation could probably never relate." Inset shows KC with her younger sisters Samantha and Savannah, Gabby's daughter with his non-showbiz wife Genevieve Gonzales.
PHOTO/S: YouTube (Kristina KC Concepcion) / @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results