Arci Muñoz, JM de Guzman pull off prank about their relationship

by Arniel C. Serato
Apr 5, 2021
Arci Muñoz, JM de Guzman remain best friends, not lovers, after the actress' Instagram post about "best friends to lovers" had gone viral.
PHOTO/S: Courtesy: @1migueldeguzman on Instagram

It's a prank.

Ito ang laman ng buong vlog ni Arci Muñoz na may pamagat na Boracay Revelation na inilabas sa kanyang YouTube channel ngayong tanghali ng Lunes, April 5.

May habang anim na minuto at limampu’t anim na segundo ang nasabing vlog ni Arci kung saan marami ang umasang totoo ang rebelasyon niya kahapon, April 4, na “from best friends to lovers” ang estado ng relasyon nila ni JM de Guzman.

Sa bandang dulo, nauwi pala sa marriage proposal ang eksena kung saan ang bitbit na bouquet of roses ni JM ay ibinigay niya sa girlfriend ng nakababatang kapatid ni Arci na si Manolet Muñoz.

Nagtapos ang vlog sa pagsuot ng singsing ni Manolet sa fiancée nitong si Kris Lontoc.

Youtube Vlog: Manolet Muñoz marriage proposal to fiancée Kris Lontoc

Continue reading below ↓

Buong akala rin ni Kris na may katotohanan ang sinabi ni JM na nais niyang manligaw kay Arci.

Kaya nagulat si Kris na siya pala talaga ang pakay na sorpresahin ni JM at ng boyfriend na si Manolet.

ARCI’S INSTAGRAM POST

Kung uusisaing mabuti ang post ni Arci kahapon, Linggo, April 4, ipinahiwatig niyang #mayforever talaga.

Pero hindi niya sinabing para ito sa kanila ni JM.

Ngunit sa short clip na ibinahagi niya sa Instagram, nagpahiwatig si JM kung maaari ba siyang manligaw sa kanyang best friend na si Arci.

Kaya naman inakala ng karamihan na para sa kanila ni JM ang post ni Arci.

Pero sa vlog ni Arci ay diretso niyang sinagot si JM ng "No," sa tanong nito kung maaari ba siyang manligaw.

Pabiro rin niya itong tinadyakan sa hita.

Saad pa ni Arci sa caption ng kanyang post kahapon, “Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment. on me vlog tomorrow. #mayforever #frombestfriendstolovers #righttime

Continue reading below ↓

Maaaring ang tinutukoy naman niyang #frombestfriendstolovers ay ang relasyon ng kapatid na si Manolet kay Kris.

Wala pang bagong post sina Arci at JM sa kanilang Instagram.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz, JM de Guzman remain best friends, not lovers, after the actress' Instagram post about "best friends to lovers" had gone viral.
PHOTO/S: Courtesy: @1migueldeguzman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results