Kyline Alcantara recalls encounter with director who humiliated her and her mom when she was a talent

by Rachelle Siazon
5 days ago
Kyline Alcantara on being discriminated by an unnamed director when she was only a kiddie talent in showbiz: "Yeah, na-discriminate ako. Sabi sa akin ng director, 'Talent ka lang. Diyan ka lang.' Taga-Bicol ka pa. Ang pangit ng accent mo! Ayus-ayusin mo 'yan! Asan ba nanay mo?!'"
PHOTO/S: @itskylinealcantara Instagram

Hindi makakalimutan ni Kyline Alcantara, 18, ang naranasang pamamahiya sa kanya ng isang director noong siya ay nagsisimula pa lang bilang talent o ekstra.

Walong taong gulang lang daw si Kyline noon, pero tinarayan at pinagalitan daw siya dahil hindi niya makuha ang kanyang linya sa sinalihang acting project.

Nahusgahan pa raw siya dahil sa pagiging probinsyana niya.

Balik-tanaw ni Kyline: "I had a show before. Talent pa lang po ako. Napagalitan ako at na-discriminate ako.

"Dati kasi yung mga production may tingin sila na, 'Ay, talent lang 'yan. Ah, eto artista.'

"Yeah, na-discriminate ako. Sabi sa akin ng director, 'Talent ka lang. Diyan ka lang.' Taga-Bicol ka pa. Ang pangit ng accent mo! Ayus-ayusin mo 'yan! Asan ba nanay mo?!'"

Pati raw ang nanay ni Kyline ay pinagalitan ng director.

"Pinapunta si Mama sa set. 'Magsalita ka!' Tas pinagsalita si Mama ko. Kasi ang problema sa akin yung tono ng pananalita ko kasi may bahid ng pagiging Bicolana.

Continue reading below ↓

"Tapos, yung feeling na napahiya ka dun sa set. Yung feeling na hindi lang ikaw pati yung nanay mo napahiya sa set. Ayoko na magkaroon ng ganung feeling."

Noong March 30, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline sa virtual presscon para sa I Can See You: #Future.

Ang week-long airing ng #Future ay magsisimula ngayong Lunes ng gabi, April 5, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Network.

SAME DIRECTOR FORCED KYLINE TO CRY

Kuwento pa ng Kapuso actress, kinurot pa raw siya ng director para lang siya ay maiyak sa eksena.

"Like, to the point na kinukurot niya ako. Ganung levels siya. Naranasan ko yung ganong director."

Mataray na sabi raw sa kanya ng director, "Hindi ka iiyak? Hindi ka iiyak? Kukuritin kita."

Balik-tanaw pa ni Kyline, "Tas ako parang, alam mo yung kapag kinukurut-kurot ka ng magulang mo?"

Iminuwestra ni Kyline na napaurong siya nang kurutin siya sa bandang baywang niya.

Continue reading below ↓

Ngingiti-ngiti lang daw noon si Kyline at walang magawa.

Tinanong ng PEP.ph kung nais ba ni Kyline na pangalanan kung sino ang director na namahiya sa kanya.

Natatawang sabi lang ng Kapuso actress, "Huwag po!"

"Kilala ko 'yan!" nagbibirong hirit ng #Future co-star ni Kyline na si Gabby Eigenmann.

Hindi rin nagbigay si Kyline ng clue kung saang acting project iyon naganap.

Kung anu't ano man, ang alaala daw niyang iyon ang isa sa mga motivation ni Kyline para makagawa ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz.

Ani Kyline: "Siguro ito yung nag-boost ng fire ko para mas galingan ko pa. That's why I really work really hard to gain that respect.

"Kaya sobrang taas ng tingin ko sa mga talent ngayon kasi alam ko yung pakiramdam ng talent."

KYLINE'S showbiz beginnings

Dati nang ipinalabas ang life story ni Kyline sa Magpakailanman, ang drama anthology sa GMA Network.

Siya ay tubong Ocampo, Camarines, Sur.

Continue reading below ↓

Pitong taong gulang siya nang magpasya ang kanyang ina na lumuwas ng Manila sakay ng truck mula sa Bicol para mag-audition siya bilang artista.

Taong 2010 nang sumali si Kyline sa ABS-CBN reality talent search na Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstar.

Marami siyang ginampanang bit roles bago siya nakilala bilang batang kontrabida sa Kapamilya afternoon series na Annaliza, na umere mula May 2013 hanggang March 2014. Ten years old na noon si Kyline.

Lumipat siya sa GMA Network noong October 2017, at napanood sa prime-time series na Kambal Karibal.

Bumida si Kyline sa mga Kapuso series na Inagaw Na Bituin (2019) at Bilangin Ang Bituin sa Langit (2021).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on being discriminated by an unnamed director when she was only a kiddie talent in showbiz: "Yeah, na-discriminate ako. Sabi sa akin ng director, 'Talent ka lang. Diyan ka lang.' Taga-Bicol ka pa. Ang pangit ng accent mo! Ayus-ayusin mo 'yan! Asan ba nanay mo?!'"
PHOTO/S: @itskylinealcantara Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results