Gerald Anderson, Julia Barretto happy together on Easter Sunday

by Bernie V. Franco
Apr 5, 2021
Gerald Anderson and his girlfriend Julia Barretto (left) joined Dra. Vicki Belo and husband Hayden Kho (right) for their Easter celebration yesterday, April 4, 2021.
PHOTO/S: @dochayden on Instagram

Love is in the air nitong Easter Sunday, April 4, para kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ito ay matapos i-post ni Hayden Kho Jr. ang larawan nila ng asawang si Dra. Vicki Belo kasama sina Gerald at Julia.

Ipinagdiwang nina Gerald at Julia ang Araw ng Pagkabuhay kasama ang pamilya nina Hayden at Dra. Vicki.

Sa larawan, bakas sa mukha ng dalawang celebrity pairs ang saya, lalo na kina Gerald at Julia na parehong nakangiti.

Nakahawak ang dalawang kamay ni Julia sa may tiyan ni Gerald, habang nakaakbay si Gerald sa girlfriend at malapit ang mukha nito kay Julia.

Makahulugan ang caption ni Hayden sa photo nilang mag-asawa kasama sina Gerald at Julia.

Ganito ang caption: “No gem ever got polished without friction. [diamond emoji]”

Tila nais iparating ni Hayden na ang kani-kanilang mga relasyon ay pinatibay ng mga pagsubok na kanilang hinarap.

Mula nang maugnay noong 2019 hanggang sa umamin sa kanilang relasyon nito lamang March 2021, kontrobersiyal ang relasyon nina Gerald at Julia.

Continue reading below ↓

At sa kabila ng pag-amin, tampulan pa rin ng batikos at bashing ang kanilang pagmamahalan hanggang ngayon.

Samantala, naging laman ng mga balita si Hayden noong 2009 dahil sa kanyang video scandals, pero nagkatuluyan pa rin sila ni Dra. Vicki sa huli.

Ikinasal sina Hayden at Vicki noong September 2017.

Gerald Anderson and Julia Barretto with Vicki Belo and Hayden Kho

Continue reading below ↓

Samantala, ang Easter celebration ay ginanap sa bahay nina Dra. Vicki.

Ipinost din ang maiksing video na makikita sina Gerald at Julia na kumakain kasama ang pamilya nina Dra. Vicki at Hayden.

VICKI'S THROWBACK PHOTO OF JULIA AND GERALD

Walang dudang close sina Gerald at Julia kina Dra. Vicki.

Noon lamang March 23, may post mula sa kampo ng celebrity doctor ng throwback photo nina Gerald at Julia na nakipagdiwang ng Pasko sa kanila.

Ang throwback post na iyon ay nagdulot pa ng pagtatalo sa mga netizens.

Karamihan dito ay sumbat pa rin kina Gerald at Julia, na lumalabas na may ugnayan na pala noong 2020, base sa Christmas post mula sa kampo ni Dra. Vicki.

Hiniritan ng netizens ang magkasintahan ng pagde-deny raw sa kanilang relasyon noon pa man sa kabila ng paratang na may namamagitan na sa kanila.

Karamihan sa mga hirit nila, “three months” ago pala ay may namamagitan na sa dalawa sa kabila ng pag-amin ni Gerald noon lamang March 5.

Continue reading below ↓

Walang binanggit si Gerald kung kailan opisyal na naging kasintahan niya si Julia.

May patutsada pa ang ilan na ginamit ang quote ni Bea Alonzo na “Time is the ultimate teller.”

Si Bea ay ex-girlfriend ni Gerald.

Suspetsa rin ng iba, ang hirit na ito ni Bea sa Instagram noong March 7, 2021 ay parinig daw kina Gerald at Julia.

Ginawa ni Bea ang post matapos lumabas ang pag-amin ni Gerald sa relasyon nila ni Julia.

Narito ang ilang komento ng netizens.

IG Comments: Netizen slams Julia for playing the victim card

Continue reading below ↓

IG Comments: Netizen connects photo to Bea Alonzo cyptic post

IG Comments: Netizen connects photo to Bea Alonzo cyptic post

Continue reading below ↓

IG Comments: Netizen connects photo to Bea Alonzo cyptic post

IG Comments: Netizen connects photo to Bea Alonzo cyptic post

Continue reading below ↓

THE BEA-GERALD-JULIA CONNECTION

Nagkahiwalay sina Bea at Gerald noong July 2019 at itinurong third party umano si Julia.

Ani Bea, wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang hindi nagparamdam sa kanya si Gerald.

Itinanggi noon ni Gerald ang akusasyong third party si Julia sa hiwalayan nila ni Bea.

Nanindigan din noon si Julia na wala siyang kinalaman sa natuldukang halos tatlong taong relasyon nina Gerald at Bea.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson and his girlfriend Julia Barretto (left) joined Dra. Vicki Belo and husband Hayden Kho (right) for their Easter celebration yesterday, April 4, 2021.
PHOTO/S: @dochayden on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results