Gerald Anderson on finally admitting his relationship with Julia Barretto: “Parang nabunutan ako ng tinik.”

by Bernie V. Franco
Apr 6, 2021
Gerald Anderson talks about admitting relationship with Julia Barretto: "It’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko lang gawin."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)/ @dochayden on Instagram

Peace of mind.

Ito raw ang idinulot kay Gerald Anderson, 32, ng pag-amin niya sa wakas sa relasyon nila ni Julia Barretto, 24.

Bago kasi umamin si Gerald, halos dalawang taon na silang nali-link, kahit nauugnay pa sila noon sa kani-kaniyang mga dating karelasyon.

Hanggang sa tuluyan na ngang kumpirmahin ni Gerald ang relasyon nila ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda noong March 5.

Pero hindi tinukoy ni Gerald kung kailan sila officially naging magkarelasyon ni Julia.

Para kay Gerald, wala naman daw malaking impact sa kanyang career ang ginawa niyang pag-amin.

Pero pakiramdam daw niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

“Siguro sa career, wala naman, but personally… wala, it’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko lang gawin for… siguro, yung peace of mind.

“Parang nabunutan ako ng tinik,” lahad ni Gerald.

Pero matapos daw ng kanyang pag-amin, tuloy na ang buhay para kay Gerald.

Continue reading below ↓

Malinaw sa sumunod na sagot ni Gerald na gusto na niyang ibaling ang atensiyon ng publiko sa iba pang bagay at hindi na sa kanyang love life.

“After that, wala… tuloy ang buhay. Merong mas malalaking problema na hinaharap nating lahat kesa sa interview ko kay Tito Boy.

“But personally, it’s something I had to do. Wala. Move on na,” nangingiti pa niyang sabi.

Nagsalita si Gerald sa virtual press conference ng upcoming ABS-CBN teleseryeng Init sa Magdamag, nitong Lunes, April 5.

Kasama niya rito sina JM de Guzman at Yam Concepcion.

SEPARATING PERSONAL LIFE TO PROFESSIONAL WORK

Naibahagi rin ni Gerald na hindi siya ang tipong ginagamit ang kanyang personal experiences pagdating sa pag-arte.

Natanong kasi sila kung paano nakatulong ang kasalukuyang estado ng kanilang puso para magampanan ang kanilang roles sa teleserye.

Sabi ni Gerald, “Actually, magaling po akong maghiwalay ng personal life ko sa ginagawa ko sa set.

Continue reading below ↓

“Kung ano man ang pinagdadaanan ko, kunwari nasa gitna ako ng isang controversy o wala, kung nasa isang sitwasyon ako ng buhay ko na napakasaya ko…

“Hindi siya naaapektuhan, yung trabaho ko sa set.

“Kung anuman yung status ng puso ko sa panahon na nagtatrabaho ako, hiwalay siya sa ginagawa ko.

“But dun ko kinukuha yung motivation ko, sa character ko.”

YAM SAYS GERALD IS A GENTLEMAN

Samantala, ipinagtanggol naman ni Yam si Gerald na kanyang leading man sa upcoming Kapamilya teleserye.

Pinag-usapan kasi ang maiinit na eksena nina Gerald at Yam sa trailer pa lang ng kanilang serye.

May mga netizens na naglabas ng batikos kay Gerald.

May mga nagbabala kay Yam na mag-ingat daw kay Gerald na isa raw babaero.

Klarong patutsada ito kay Gerald kaugnay ng kanyang personal na buhay at love life.

Sabi naman ni Yam, aware siya sa mga biro ng netizens pagdating kay Gerald.

Continue reading below ↓

Pero sabi ng aktres, mali raw ang pagkakakilala ng mga tao kay Gerald.

Professional at gentleman daw si Gerald bilang leading man.

“Nababasa ko yung mga comments," sabi ng aktres.

“Nakakatawa at nakakatuwa na makita yung reaction nila dun sa scene drop namin ni Gerald, at saka yung trailer.

“Nakakatawa kasi sabi ng mga netizens, ‘O, Yam, mag-iingat ka kay Gerald, ah.’ Yun ang mga nababasa ko.

“Honestly, hindi ko naman kailangang mag-ingat kasi nakilala ko si Gerald.

“Maraming hindi nakakaalam… siyempre nakikita lang nila sa TV, ganyan.

“Sinasabi nila, ‘Naku, ano ‘yan, matinik sa babae, di loyal.’

"Alam mo, hindi, e,” pagtatanggol ni Yam kay Gerald.

“Pag katrabaho mo si Gerald, he’s very professional. ‘Tsaka very gentleman.

“Hindi niya pinaramdam sa ‘kin na may mali siya or what.

“It’s just purely work and despite it being just purely work, naparamdam niya sa akin yung emosyon na totoo.

“I still felt his honesty bilang si Tupe, yung character niya.”

Continue reading below ↓

Si Gerald naman, mas pinagtutuunan ng atensiyon ang paglikha ng ingay ng kanilang trailer na millions na ang views.

Aniya, “Nakakatawa talaga yung mga reactions, e.

“But at the end of the day, yung views kumbaga, yung pagtanggap sa amin, that’s something na hindi ko na-expect.

“Hanggang ngayon, e, hindi pa rin ako makapaniwala na, I guess siguro everyone is also bored now, and napanood nila yung trailer.

“It’s something exciting and yung pinakamagandang comment na nagustuhan ko is quality.”

Para sa aktor, achievement ang mapuri ang kanilang proyekto base pa lamang sa trailer.

Ikinatutuwa rin daw ni Gerald na patuloy ang pagbati ng mga viewers sa kanyang home network na pinupuri raw sa paggawa ng mga magagandang proyekto.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson talks about admitting relationship with Julia Barretto: "It’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko lang gawin."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)/ @dochayden on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results