Sexy star Belinda Bright back in circulation

by Ruel J. Mendoza
Dec 14, 2007
After her showbiz career froze for three years, sexy actress Belinda Bright is now back. She signed an exclusive managerial contract with Viva Artist Agency and is eager to work and shine again.


Muling nagbabalik sa showbiz after three years ang sexy star na si Belinda Bright. Pumirma siya ng managerial contract sa Viva Artist Agency at handa raw siya ulit magpaka-busy.

Napanood si Belinda sa mga pelikulang She Walks by Night...Ssshhh! at Ang Kapitbahay.



Kuwento ni Belinda sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon siya ng malaking problema sa World Arts Cinema (WAC) kung saan may exclusive contract siya dati. Dahil sa nangyaring problema with the producer, natengga si Belinda at hindi siya puwedeng tumanggap ng anumang TV or movie projects dahil sa kontratang pinirmahan niya.



"Tungkol sa pera ang pinag-awayan namin ng producers ng WAC," sabi ni Belinda. "Noong nagtatanong na ako regarding my money, sila pa ang nagalit sa akin. Ang naging ending, frozen delight ako.

"E, yung kontratang pinirmahan ko was exclusive and it was stipulated there na hindi ako puwedeng tumanggap ng anumang mga TV at movie projects, or else, madedemanda ako. Wala akong magawa talaga. Kesa naman gumastos ako sa abogado or mademanda ako, pinabayaan ko na lang sila. I waited three years para mag-expire ang kontrata ko."

Continue reading below ↓



Inamin ni Belinda na dumaan siya sa matinding depression dahil bigla siyang nawalan ng trabaho. May times raw na basta na lang siya umiiyak dahil sa self-pity.



"Yun na lang ang puwedeng kong magawa talaga, yung umiyak," sambit ni Belinda. "Because no one can help me. Ayoko namang magdala pa ng problema sa family ko. Kaya tiniis ko na lang. Kahit na nanghihinayang ako sa career ko that time, okay lang na maghintay ako kesa naman mademanda ako."



Habang walang trabaho si Belinda sa TV at pelikula, nagkaroon naman siya ng mga raket sa mga shows sa mga probinsiya at sa ibang bansa. Kaya kahit papaano ay kumikita siya.



"I did a few shows noon with Showgirls. ‘Tapos may mga kaibigan kami na mga show producers sa probinsya kaya doon ako kumita. Kumakanta at sumasayaw naman ako kaya nagamit ko ‘yon para maging busy ako," kuwento ni Belinda.

May tsismis na iginarahe raw siya ng isang mayamang businessman kaya kahit wala siyang work ay bongga at mamahalin ang mga gamit niya. Ano ang masasabi niya rito?

Continue reading below ↓



"Wala akong DOM," diin ni Belinda. "Boyfriend ko ‘yon at hindi naman siya matanda. Oo at mayaman siya, pero hindi naman niya ako iginarahe. Ngayon wala na kami, matagal na. May iba na akong boylet.



"Yung mga gamit ko naman, pinag-ipunan ko naman lahat ‘yon. Yung iba, regalo from my ex-boyfriend at sa current boyfriend ko. Nagsimula naman ako sa showbiz, magaganda na ang mga gamit ko at may sarili akong sasakyan. Hindi ako ever pumatol sa DOM," pagtatapos ni Belinda.

Read Next
Read More Stories About
Belinda Bright
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After her showbiz career froze for three years, sexy actress Belinda Bright is now back. She signed an exclusive managerial contract with Viva Artist Agency and is eager to work and shine again.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results