Derek Ramsay on Ellen Adarna’s ex-partner John Lloyd Cruz: “I’m not saying I’m better than JL.”

by Bernie V. Franco
Apr 6, 2021
Derek Ramsay also answers when fiancée Ellen Adarna was asked what she is sure about Derek that she was not sure with ex-partner John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook

Nilinaw ni Derek Ramsay na hindi siya nakikipagkumpara kung sino sa kanila ni John Lloyd Cruz ang mas mabuting partner kay Ellen Adarna.

Paliwanag nina Derek at Ellen, nagkataon lang na pareho silang mas handa ngayon sa pakikipagrelasyon.

Hindi raw ibig sabihin nito na may problema sa kani-kanilang mga dating karelasyon.

Si Derek, 44, ang kasalukuyang fiancé ni Ellen, 32, samantalang ex-partner ng aktres si John Lloyd, 37.

Naging magkarelasyon sina Ellen at John Lloyd noong 2017, at napabalita ang kanilang paghihiwalay noong 2019.

Si John Lloyd din ang ama ng two-year-old son ni Ellen, si Elias Modesto.

Kinumpirma naman nina Ellen at Derek ang kanilang relasyon noon lamang February 2021, matapos magkakilala noong January.

ELLEN ASKED TO COMPARE DEREK AND JOHN LLOYD

Natanong si Ellen kung saang aspeto siya sigurado kay Derek na hindi siya naging sigurado noon kay John Lloyd.

Na-interview sina Derek at Ellen via online ng writer na si G3 San Diego nitong Lunes, April 6.

Continue reading below ↓

Ganito mismo ang tanong: "What were you sure about with Derek that you weren't sure about with John Lloyd?"

Sagot ni Ellen, mas may connection sila ni Derek. Mas handa rin daw siya ngayon sa pakikipagrelasyon kumpara noon.

“First is the connection, [it] is the communication.

“He met me at the right time.

“He met me because during the pandemic, I fixed myself, I worked on myself. I did a lot of inner work,” sabi ng aktres.

Noong nakaraang taon, sumailalim si Ellen sa 14-day mental training sa Bali, Indonesia, para sa kanyang depression.

Hindi tinukoy ni Ellen ang rason ng kanyang depresyon, pero iyon ang mga panahong nabalita ang hiwalayan nila ni John Lloyd at pumanaw rin ang kanyang ama.

Inayos daw ni Ellen ang sarili bago niya nakilala si Derek.

“So, at that time, I knew what I wanted na. I knew what was good for me. I knew what was bad for me.

Continue reading below ↓

“And then when I made better choices and for myself, that’s when things started to come in and everything made sense.”

Masaya na raw si Ellen kahit wala siyang relasyon. “I didn’t have that desperate vibe of trying to look for love, of looking for a guy to complete me. I was already complete.

“And then when Derek came, he just made it better, more beautiful.”

Nauwi raw sa hiwalayan ang relasyon ni Ellen kay John Lloyd at mga dating boyfriend “because I would not communicate well.”

“So, timing si Derek talaga. That’s how our relationship works. We communicate well,” ani Ellen.

Sumingit na si Derek at sinagot din ang tanong tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni John Lloyd.

“Ellen is not saying and I’m not saying I’m better than JL or better than her exes. It’s not that.

“Or Ellen is better than any of my exes.

“We met at the right time. We were meant to be and that’s how it works,” pahayag ni Derek.

Continue reading below ↓

Katuwiran pa ni Ellen, kung maaga-aga niyang nakilala si Derek noon, sa tingin niya ay hindi rin sila magtatagal.

“If I met him five years ago, I told him, ‘No, I’d be the same crazy girl with issues, who’d hold it in and not express it properly.’”

WEDDING THIS 2021

Kinumpirma na rin ni Ellen na mangyayari ang kasal nila ni Derek ngayong 2021, pero wala pang specific date.

Noong March 30, Holy Tuesday, nag-post sina Ellen at Derek para ianunsiyong engaged na sila.

Natanong si Ellen tungkol sa kanyang dream wedding.

Natatawang sagot ng aktres, “I told him my dreaming wedding. I just want to elope.”

Sabi pa ni Ellen, “I don’t want a big wedding. I don’t want to wear gown, like all that fancy whatever. I hate gowns.”

Hindi raw naghahangad si Ellen ng magarbong kasal.

“We actually spoke this morning. Meron kaming naisip the purpose of this… ‘I want to marry you. I’m not gonna marry you because I want to wear a gown o I want people to look at me and think I’m the most beautiful bride in the world. That’s not my point,

Continue reading below ↓

“Expect a very simple wedding,” lahad ng aktres.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay also answers when fiancée Ellen Adarna was asked what she is sure about Derek that she was not sure with ex-partner John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results