Ai-Ai delas Alas speaks about surpassing financial woes, hardships in her life

by Rachelle Siazon
Apr 6, 2021
Ai-Ai delas on believing in the power of prayers: "And ako, dati di ako naniniwala. Sinasabi ko lang sa sarili ko, 'Lord, I trust you.' Pero sa totoo lang, di ba, meron pa rin tayong agam-agam sa puso natin. Baka di niya tayo naririnig. Pero totoo, God will provide and hindi Niya tayo pababayaan."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

"Hindi lang halata, pero marami ako pinagdaanan na financial problems dati. Pero unti-unti siyang nagiging maayos sa tulong ng Panginoon."

Ito ang pahayag ni Ai-Ai delas Alas nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pagsubok na dinaanan niya na nagpatibay ng kanyang loob at pananampalataya sa Diyos.

Bahagi ito ng Lenten special episode ng "PEP Anong Chika Today?" sa PEP.ph Voice Chat Room sa Calamansi, isang Pinoy audio live streaming mobile app. Ginanap iyon noong March 31.

Dito ay sinabi ni Ai-Ai na malaking bagay ang dasal, positibong disposisyon, at tiyaga sa trabaho para maiahon ang sarili sa hirap sa buhay.

Nabanggit din ni Ai-Ai ang panahong hindi pa siya artista at wala pang sariling sasakyan.

Kuwento ng 56-year-old Kapuso star: "Alam mo, sa tingin ko 'yan, bukod sa prayers, positivity rin, e.

"Kasi nung college ako, parati ako naglalakad pag baha. Naglalakad talaga ako simula Blumentritt hanggang Baesa.

Continue reading below ↓

"Tapos wala kaming sasakyan."

Ang Blumentritt ay matatagpuan sa Sta. Cruz, Manila, habang ang Baesa ay isang barangay sa Quezon City.

Si Ai-Ai ay nagtapos ng Mass Communication sa Far Eastern University sa Sampaloc, Manila.

Patuloy ni Ai-Ai, "Kasi, di ba, pag nagdyi-jeep ka lang kapag baha, walang dumadaan na jeep?

"So ang nilalakad ko, 16 kilometers.

"So sinasabi ko sa sarili ko, 'Pag yumaman ako, kapag nagkaroon ako ng pera, bibili ako ng kotse.

"Bibili ako ng maraming kotse para hindi ako maglakad sa putikan, at hindi ako maglakad simula Blumentritt hanggang Baesa.

"Parang ganun ang dating sa akin."

Naniniwala si Ai-Ai na nagkatotoo raw iyon sa tulong ng "law of attraction" o pag-translate sa realidad ng mga bagay kunsaan madalas nakatutok ang pag-iisip at nararamdaman ng isang tao.

Dagdag ni Ai-Ai, "So alam mo, kakaisip ko nang kakaisip ko nang ganun, yun ang una ko napundar—kotse."

FINANCIAL CONCERN AMID PANDEMIC

Kuwento pa ni Ai-Ai sa PEP.ph, kahit malayo na ang narating niya mula noong panahong hindi pa siya artista, hindi raw ibig sabihin ay wala na siyang pinoproblema.

Continue reading below ↓

Noong nagsimula ang pandemya noong first quarter of 2020, aminado si Ai-Ai na natigatig siya nang mapabilang ang entertainment industry sa apektado ng tigil-trabaho gawa ng enforced quarantine.

"Alam mo, sa totoo lang, nung unang pandemic na talagang nag-lockdown tayo, nag-freak out ako.

"Nalagas talaga yung buhok ko. Kasi yun yung time na after nung The Clash. Siyempre ang artista naman, minsan no work, no pay kami.

"Kapag wala kaming trabaho, wala kaming kita. Unless na yung kontrata mo is kahit wala kang ginagawa, meron ka pa rin suweldo monthly.

"Pero most of us, ganun na ngayon—no work, no pay."

Kakatapos lang daw noon ng The Clash Season 2 na umere mula September hanggang December 2019, at wala pang kasunod na proyekto si Ai-Ai.

Ang inaalala raw ni Ai-Ai na may sarili siyang responsibilidad na hiwalay sa buhay mag-asawa nila ni Gerald Sibayan.

Paliwanag niya: "So February, March [2020], wala na akong trabaho. Talagang nag-freak out ako.

Continue reading below ↓

"Kahit meron kaming ipon, siyempre breadwinner pa rin ako ng family ko, kahit may asawa na ako.

"Si Gerald, binubuhay ako. Pero siyempre, ako yung bubuhay dun sa iba ko pang responsibilities nung wala pa akong asawa.

"So, sabi ko, 'Lord, patay. Paano na ako, Lord? Anong gagawin ko? Ano papakain ko sa pamilya ko?"

Hanggang sa naisipan nga raw ni Ai-Ai na pasukin ang baking—ang magbenta ng bersyon niya ng ube pandesal.

"Ang then charan! Nagkaroon ako ng ube pandesal na hit na hit, di ba?" masayang saad ni Ai-Ai.

THE POWER OF PRAYER IN AI-AI'S LIFE

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang kuwento ng buhay ni Ai-Ai.

Bukas siya sa pagsasabing bago siya nag-artista ay nagtrabaho siya bilang saleslady sa isang sikat na clothing store sa Makati.

Naging secretary rin siya sa Bulwagang Gantimpala, na ngayon ay kilalang Gantimpala Theater, na nagproprodyus ng stage plays.

Naging stand-up comedian din si Ai-Ai sa comedy bars bago siya sumabak sa showbiz.

Continue reading below ↓

Nang siya ay artista na, kinilala siya bilang Comedy Queen nang magsunud-sunod ang pinagbidahan niyang box-office hits.

"Parang nakikinig talaga si Lord sa ating lahat. Parang sinasabi niya sa atin, di ba, 'Sabi ko sa 'yo may promises ako sa inyo. Tutuparin ko yun.'

"Eto seven promises Niya: 'I will be with you. I will protect you. I will be your strength. I will provide for you. I will give you peace. And I will always love you.'

"So lahat yun, panindinigan natin na totoo ang promises Niya sa atin."

Ayon kay Ai-Ai, natural lang na makaramdam ng pagdududa kapag nakakaranas ng kagipitan.

"And ako, dati di ako naniniwala. Sinasabi ko lang sa sarili ko, 'Lord, I trust you.'

"Pero sa totoo lang, di ba, meron pa rin tayong agam-agam sa puso natin. Baka di Niya tayo naririnig.

"Pero totoo, God will provide and hindi Niya tayo pababayaan."

Sa ngayon, napapanood si Ai-Ai sa Kapuso prime-time series na Owe My Love.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas on believing in the power of prayers: "And ako, dati di ako naniniwala. Sinasabi ko lang sa sarili ko, 'Lord, I trust you.' Pero sa totoo lang, di ba, meron pa rin tayong agam-agam sa puso natin. Baka di niya tayo naririnig. Pero totoo, God will provide and hindi Niya tayo pababayaan."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results